Bago pa man ako makapasok sa aking silid ay nagulat ako nang pinigilan ni Marian ang aking kamay. “Bakit?” Tinanong ko siya. “Huwag na huwag mong itutuloy ang balak mong gawin,” sabi ni Marian sa akin. “Gusto ko pa sanang mag-stay sa kabilang silid na kasama ang anak ko pero hindi ko na talaga kaya.” “Nahihibang ka na ba talaga?” Sumigaw si Marian at hindi pa rin nito binitiwan ang aking kamay. “Tantanan mo muna ako, Marian. Hindi ko na kayang pigilan ang tawag ng kalikasan, gusto ko ng magbawas,” sabi ko sa kanya at isang malakas na hampas sa braso ang aking natamo mula kay Marian. Pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas ako ng silid na preskong-presko. Nag-shower ako upang kahit papaano ay lumamig ang aking ulo. Naabutan ko si Marian at Karla na nakaabang sa labas ng aking silid. “