Patricia Schnittka Dorschner P.O.V.
Kinasal na ako...Kinasal sa taong hindi ko mahal. Lahat ng kinakasal ay masaya pero ako lang yata ang hindi. Kaming dalawa lang yata ang hindi masaya sa mga nangyayaring ito.
Isa pa ay ayaw ko talaga sa kaniya dahil sa ugali niya. A jerk. Pinaglalaruan ang puso ng mga babae. Playboy, player, or whatever you can call him. Kaliwa't kanan ang mga babae niya. Hindi ko ba alam kung bakit siya ganyan.
Tuwing gabi ay paraparehas na lang ang kaniyang ginagawa. Palaging may dalang babae at nakikipaghalikan sa mga ito. Tila ba walang sawa sa kaniyang ginagawa. Hindi ko na tuloy alam ang magiging reaksyon ko dahil doon. Hindi ko alam kung masasaktan ba ako o papabayaan ko na lang siya sa kaniyang gusto. Na huwag ko na lamang siyang pakialaman. Dahil sa simula't sapul naman ay hindi naman kami nagmamahalan. Kasal lang kami sa papel.
Noong una ay talagang nandidiri ako. Pero kalaunan ay nasanay rin ako. Ano pa nga bang magagawa ko kung ganito talaga siya. Asawa ko na siya at hindi na ako makakapagreklamo pa. Wala rin naman akong karapatan mag reklamo. Sinabi na rin naman niya sa akin iyon. Pinamukha na niya.
Ngunit kada araw ay napapansin ko ang pagbabago sa aking sarili. Bakit ako nagiging ganito? Bakit ganito ang nagiging reaksyon ko? Bakit parang hindi ako mapakali sa kaniyang mga pinaggagawa. Bakit para unti unti na akong nahuhulog sa kaniya?
Sa araw araw na pagsasama namin ay may napagtanto ako. Masakit man ang ginagawa niya sa akin ngunit kailangan ko ng aminin ito sa aking sarili. Mahal ko na siya. Nahulog na ako sa kaniya. At hindi ko na iyon mapipigilan pa. Kahit na anong subok ko ay mananatili na itong nakatatak sa puso at isipan ko. Hindi na iyon mabubura pa. Kung mabubura man ay matatagalan ako. Mahihirapan lamang ako.
Sa tuwing may inu uwi siyang babae ay sobra akong nasasaktan. Kaya pala todo react ako kapag nakikita ko silang naghahalikan. Todo react ako kapag naririnig ko ang p********k nila. Hindi ako nasisiyahan at napapaiyak na lamang sa sulok dahil walang magawa. Hindi ko siya mabawal dahil wala naman talaga akong karapatan. Wala naman talaga akong magawa. Hindi ko siya mabawal at hindi ako pwedeng pumagitna sa mga ginagawa niya.
Asawa niya lang ako sa papel. Doon lang. Wala ng iba.
Selosa ako. Oo, talagang nagseselos ako sa mga nakakasama niya. Gusto ko nlang hilahin ang mga ito sa kanilang buhok at kaladkarin palabas. Sabihin na may nag mamay ari na sa lalaking kahalikan nila. Na akin si Ivan. Na asawa ko siya. Na ako lang ang dapat gumagawa niyon sa kaniya. Na sa akin niya lamang dapat iyon iparamdam.
Pero wala naman talaga akong laban. Wala naman talaga akong magagawa. Tumatakbo na lamang ako papunta sa bestfriend ko. Pupunta sa kaniya upang maramdaman ang pag-comfort. Sa kaniya ko lamang nasasabi ang tunay kong saloobin. Ang mga reklamo ko sa buhay. Ang mga problema ko sa buhay.
Pero isang araw ay pinakilala sa akin ni Thea ang kuya ng kaniyang kasintahan. Pamilyar ito at parang nakilala ko na nga dati.
Gwapo ito at mas lalo akong nabighani ng malaman ko na siya pala ang lalaking nakita ko noon na nakaligtaan ko dahil sa may ginawa akong ibang bagay. Siya iyon.
Madali siyang magustuhan. Madali siyang pakisamahan. Magahan din siya kausap. Siya talaga ang tipo ng lalaking gugustuhin mo. Ang tipo ng lalaki na hinding hindi na magbibigay ng konsimisyon sa ulo. Tiyak ko rin na mamahalin ka niya. He was so atentive to me. Alaga na alaga niya ako.
Mabilis din kaming naging malapit sa isa't isa. Hindi kami nawawalan ng usapin. Masayahin siya kaya naman ganoon na lang ako kakomportable kapag kasama ko siya.
Nang isang araw ay hinatid niya ako sa bahay ay nadatnan ko ang aking asawa na napakasama ng aura. Parang konting pagkakamali lang ay handa ka na niyang kainin ng buhay. Para siyang ahas na handang manuklaw sa oras na gumalaw ka. Dapat ay mag iingat ka sa gagawin mo dahil napaka kamandag niya.
Tahimik nalang akong pumasok sa kwarto ko. Hindi na lamang siya pinansin. Sumunod siya sa akin at ramdam na ramdam ko ang kaniyang titig. Sinundan niya ako ng tingin. Nagseselos ba siya?
Alam ko ang mga pasimple niyang galaw. Tuwing nagkukunwari akong natutulog ay nararamdaman ko ang paghalik at pagkayakap niya sa akin. Madalas niya rin akong haplusin. Ramdam ko roon ang pagmamahal. Na sana nga ay totoo. Na sana nga ay kaya niya talaga akong mahalin. Na sana sa akin na lamang niya ibaling ang buo niyang atensyon.
Isang araw ay narinig ko nalang mula sa bibig niya ang mga katagang gustong gusto kong marinig.
Ang salitang matagal ko nang hinihintay."I love you."
Pero maniniwala kaya ako kung sa simula't sapul palang ay alam ko nang walang pagmamahal sa kasalan na ito. Na sa simula't sapul palang ay pinaramdam na niya sa akin na hindi ako importante. Na ayaw niya sa akin. At nagsisisi siya kung bakit niya pinasukan ang ganitong sitwasyon. Ang pakasalan ako at matali sa akin.
Bakit nga ba naman niyang gusgustuhin na matali sa babaeng hindi niya mahal lalo na at masaya siya sa buhay single. Masaya siya sa iba't ibang babae niya. Masaya siya sa piling ng isang babae na iyon. At talagang nakabuo pa sila ng isang bagay na magtatali sa kanila habang buhay.
Bakit ganoon? Bakit ba hindi ko makuha ng buo ang kaniyang atensyon. Ako ang asawa niya pero ako pa rin ang nakikihati.
"Pagod na pagod na ako, Ivan," hindi ko na napigilan ang sarili ko at lumayo na sa kaniya. Umalis at nagpakalayo layo. Ayaw ng magpakita pa sa kaniya.
Pero ang tadhana na ang gumagawa ng paraan. Pilit pa rin akong bumabalik sa kaniya. Pilit pa rin akong natatali sa kaniya. In the end we're still maried to each other. We are bound to be together.
I am bound to be his property. And he is bound to be mine. We are bound to be togther.
Walang ibang babae. Walang ibang kaagaw. Ako lang. Kami lang ng anak naming dalawa. Walang anak ng ibang babae.