Chapter 01
3rd Person's POV
"Sino ito Miriam? Bakit may litrato ka nito sa drawer mo!" sigaw ni Barry Navarro habang may hawak na litrato. Napatigil ang babae at agad na kinuha iyon.
"Sinong may sabi na pakialaman mo ito!" sigaw ni Miriam. Iyon ang unang pagkakataon na nakita ni Barry na nagkaroon ito ng expression ang masama pa galit iyon.
"Hindi ba sabi ko sa iyo huwag kang papasok ng room ko ng walang paalam!" sigaw ni Miriam. Galit na galit ito. Naiyukom ni Barry ang kamao.
"May sakit si Myles at hindi mo 'man lang siya naisip na puntahan sa room niya."
Sumalubong ang kilay ng babae at sinabing pagod siya galing sa trabaho.
"Natural sa bata ang magkasakit! Tiyaka may mga katulong siya hindi ba? Sigurado naman na tumawag na sila ng doctor para magamot ang bata," ani ni Myles. Nanginginig ang kalamnan ni Barry dahil sa galit.
Kinumbulsyon ang anak nila at ngayon nasa hospital. Hindi iyon alam ni Miriam.
"Miriam, kaya kong tiisin iyon mga panghahamak mo sa akin, pangdededma at paga-act na parang hindi ako nage-exist. Tanggap ko iyon Miriam— pero iyong gawin mo iyon sa anak mo? Sa batang dinala mo ng siyam na buwan— Miriam, wala ka na sa lugar. Wala kang puso at pakiramdam," ani ni Barry bago tumalikod at naglakad palabas.
Tinawag siya ni Miriam ngunit hindi na niya ito pinansin. Paglabas niya ng room ni Miriam at pagkasara ng pinto napatigil si Barry.
Pababa na kasi siya ng hagdan noong nakita niya ang sarili niya. Mali— hindi siya iyon. Parang binuhusan ng malamig si Barry matapos makita ang lalaki.
Iyong suot na salamin nito at porma ay katulad ng sa kaniya— iyong porma na sinabi ni Miriam na bagay sa kaniya. Ito iyong nakita niyang lalaki sa litrato na natagpuan niya sa drawer ni Miriam.
Chester Wu, boyfriend ito ni Miriam simula ng highchool hanggang sa college then nag-break sila pagkatapos maka-graduate dahil kailangan ni Chester pumunta ng ibang bansa para mag-aral ng medisina.
First love ni Miriam, naiyukom ni Barry ang kamao at hinubad ang suot na salamin. Binagsak niya iyon sa hagdan at tinapakan.
Nilampasan ni Barry ang lalaki at nagpatuloy sa paglalakad palabas ng mansion.
Naninikip ang dibdib ni Barry dahil sa sakit. All this time ang naging role lang pala ni Barry sa buhay ni Miriam ay maging subtitute ng ex boyfriend nito.
Hindi niya akalain na totoo ang sinabi ng mga kapatid ni Miriam— kamukha niya ang ex boyfriend ni Miriam.
Nahawakan niya ng mahigpit ang dibdib at tumakbo palayo sa mansion. Tumakbo siya ng tumakbo habang inaalala lahat ng memories nila ni Miriam.
Iyong one stand nilang dalawa, iyong pangalawang pagkikita nila sa isang restaurant, iyong pag-aaya nito ng kasal sa kaniya dahil nga sinabi nito na buntis siya, iyong kasal at honeymoon. Iyong pagsilang ng anak nila na si Myles— biglang nagkaroon ng biyak ang mga memories na iyon dahil ni isang beses hindi niya nakita ngumiti si Miriam sa kaniya.
Pumasok sa isip ni Barry iyong litrato ni Miriam at ang ex boyfriend nito. Iyong masayang ngiti nito sa litrato.
Itinungkod ni Barry ang mga braso sa tuhod. Hinahabol ang hininga at pawisan.
"Hindi ko nga alam na mas gumaganda ka pala kapag nakangiti hindi ba," bulong ni Barry. Doon tumulo ang luha ni Barry.
"Ngayon alam ko na kung anong pakiramdam na iyon ni mama. Ang sakit pala talaga," ani ni Barry habang nakayuko at patuloy ang pag-agos ng luha.
"Anong pinalalabas mo Miriam? Hindi mo na ako kailangan dahil bumalik na ang ex-boyfriend mo?" tanong ni Barry. Hinawakan ni Barry ng mahigpit ang mga tuhod.
"Ayokong marinig," bulong ni Barry habang patuloy ang pag-agos ng luha.
"Ayoko makita at malaman," dagdag ng lalaki. Tumulo ang mga luha ni Barry sa semento.
Noong kumalma si Barry tumungo siya sa hospital kung saan na-confine ang anak na si Myles ang kaisa-isang kayamanan niya.
Tinungo niya ang ward kung nasaan ang anak. Hinawi niya ang kurtina at bumungad sa kaniya ang napakagandang mukha ng anak na babae.
Tulog pa din ito. Humila ng upuan si Barry at umupo doon.
Hinawakan ni Barry ang maliit na kamay ng anak at hinalikan iyon. Doon isa-isang tumulo ang luha ni Barry. Hindi niya na napigilan umiyak. Kinagat niya ang labi para mapigilang gumawa ng ingay dahil may ibang tao pa doon sa ward at baka magising din ang anak niya.
Sobrang bigat ng dibdib niya para iyon sasabog. Napatigil si Barry matapos may malambot na kamay ang humawak sa pisngi niya.
Pag-angat niya ng tingin nakita niya na gising na ang bata. Nakatigilid ito at hawak ang pisngi niya.
Agad na umupo ng ayos si Barry at pinunasan ang pisngi niya. Ngumiti si Barry at hinaplos ang buhok ng anak.
"Mamaya sasabihin ko na sa nurse ang real name mo. Sure ako dadalhin ka nila sa mas magandang room at malaki. Walang ingay doon at may aircon," ani ni Barry. Nakatitig lang sa kaniya ang anak.
Nataranta siya kanina noong sinugod niya sa hospital ang anak. Myles Navarro ang nagamit niyang pangalan ng bata.
Hindi naman bigdeal iyon ngunit sigurado siya na kapag sinabi niyang Myles Fornasori ay siguradong dadalhin si Myles sa private na room at hindi sa public.
Pagmamay-ari naman kasi ng mga Fornasori ang hospital na iyon at siguradong magkakaroon ng mabilisang treatment para sa anak niya.
"Daddy, hindi ko kailangan ng aircon at big room. Magaling na ako kaya hindi mo na need tumawag ng nurse. Hindi ko din need ng mommy at maraming toys. Umalis na tayo, daddy," ani ng bata. Napatigil si Barry.
"Myles," ani ni Barry. Bumakas ang lungkot sa mukha ng bata.
"Iyong picture sa drawer, iyong guy na kasama ni mommy sa office at sa party— alam ko na kung sino siya. Ayoko ng bagong daddy. Ikaw lang ang daddy ko. Hindi naman tayo need ni mommy."
"Umiiyak ka— alam ko na aalis ka na. Isama mo na ako daddy. I'm your princess right? Hindi mo ako iiwan sa isang witch."
"Myles, hindi mo dapat sinasabi iyan lalo na sa mommy mo," ani ni Barry. Humiga ng maayos ang bata at tumingin sa kabilang bahagi ng kwarto.
Bumuga ng hangin si Barry. Bakit pa ba siya magugulat— anak pa din ito ni Miriam. Lumambot ang expression ni Barry.
Hinaplos ni Barry ang buhok ng anak. Napatingin ang batang babae.
"Kapag sumama ka sa akin— wala ka ng toys, walang magandang damit, wala ng aircon, wala din masarap na foods at sariling room."