Chapter 3

1273 Words
HINAWAKAN ko ang kamay ng nag-iisa kong kapatid at inilagay ito sa aking pisngi. Hindi ko napigilang hindi mapaiyak sa tuwing tinitignan ko ang kaniyang mukhang payapang nakapikit habang may nakakabit na apparatus sa kaniyang ilong para bigyan siya ng sapat na hangin. Ilang buwan na ba magmula nang hindi na siya magising pa? Ilang buwan na ba ang nakalipas nang dalawin siya ng isang succubus sa kaniyang panaginip? Hindi ko na matandaan. Basta ang natatandaan ko lang ay ang ginawa sa kaniya ng demonyong iyon. Masyado pang bata si Kuya Rogel para magkaganito! Sa dinami-rami ba naman ng lalaki sa mundo, bakit siya pa na isang mabait at mapag-arugang kapatid ang minarkahan ng succubus na iyon? Bakit?! "Karim." Napalingon ako sa aking likuran, sa may gawing kanan kung nasaan ang pintuan. Doon ay nakita kong nakatayo si Leon, ang aking guro, ang taong nagturo sa akin kung paano makipaglaban sa mga demonyo. Ang tawag sa mga kagaya ko ay tamer. Kami ang pumapaslang sa mga demonyong malayang namumuhay kasama ng mga mortal, at ang uri ng demonyong naatas sa aming pangkat ay ang mga incubus at succubus. "Guro," tawag ko sa kaniya bago tumayo at nagbigay galang sa pamamagitan ng pagyuko. "Ano po ang ginagawa ninyo rito?" "Napadaan lang ako para tignan ang kalagayan ni Rogel, at mukhang wala pa ring pagbabago sa kalagayan niya," komento nito. "Siguro ay kailangan ko nang sabihin sa iyo ang natatanging bagay na makakapagpagaling sa kuya mo." Kaagad niyang naagaw ang atensyon ko. Tila nabuhayan ako ng loob sa kaniyang sinabi. "Paraan? Anong paraan?" tanong ko at hindi napigilang mayugyog ang kaniyang balikat. "Pero hindi iyon madali, Karim. Isa iyong suntok sa buwan," tila pinanghihinaang loob na sambit niya. "Masyadong imposible." Ngumiti ako sa kaniya para ikubli ang pagkadismayang nararamdaman ko. "Kahit isang porsyento lang ang chance na mayroon ako, gagawin ko pa rin. Kakapit ako roon lalong-lalo na't buhay ng kapatid ko ang nakataya," saad ko at tinignan siya sa kaniyang mga mata nang may determinasyon. "Kaya po, guro, sabihin n'yo na sa akin ang paraang naiisip ninyo." Huminga siya nang malalim bago muling sinalubong ang aking mga titig. "Kailangan mong makakuha ng isang patak ng luha mula sa isang succubus." Kumunot ang noo ko at bahagya akong napalayo sa kaniya. Hinilot ko ang aking sentido at pinigilan ang sarili kong sumigaw. "A-Ano?" "Ang luha ng isang succubus lang ang tanging gamot sa mga taong may kondisyong kagaya ng sa kapatid mo. Pero ang luhang tinutukoy ko ay hindi lang basta luha, kundi luha na dulot ng pag-ibig," paliwanag nito. "At isa pa, hindi basta-bastang lumuluha ang mga succubus dahil sa pag-ibig sapagkat walang puwang ang bagay na iyon sa kanilang puso. Sila ay alagad ng dilim kung kaya't mahihirapan ka talaga," dagdag nito at nilapitan ako para tapikin ang balikat ko. "Alam ko ring mahihirapan ka dahil alam ko kung gaano ka nasusuklam sa mga nilalang na iyon, Karim." "Wala na bang ibang paraan, Guro?" pagbabakasakali ko. "Wala na, Karim. Iyon lang ang tanging paraan. Kaya nga hindi ko muna sinabi sa iyo kaagad dahil alam kong hindi mo rin naman iyon gagawin." Huminga ako nang malalim. "Paano ba makukuha ang luhang iyon, Guro?" tanong ko. Alam kong mahirap sa akin ang bagay na ito, pero kahit na ganoon, kailangan kong isantabi ang personal kong rason nang sa ganoon ay maisalba ko ang buhay ng kuya ko. "Kapag ang isang succubus ay nakaramdam ng pag-ibig, kusang aagos ang luhang iyon sa kanilang mga mata." Kumunot ang noo ko at halos magtagpo rin ang aking kilay. "A-Anong ibig ninyong sabihin?" "Ang bawat nilalang ay may taglay na kabutihan kahit na gaano pa man ito kasama. At kapag ang kabutihang iyon ay nagising nang dahil sa pag-ibig, doon mo lang makukuha ang lunas sa sitwasyon ng kapatid mo." Inabot ako nang ilang minuto bago ko tuluyang naintindihan ang nais niyang iparating sa akin. "Ang ibig n'yo bang sabihin ay dapat iparamdam ko sa isang succubus na may handang magmahal sa kaniya kahit na siya ay likas na masama hanggang sa mamalayan niyang nahuhulog na pala siya sa akin? Dapat ba kailangan kong turuan siyang magmahal?" pagkaklaro ko at tumango siya. "Pero hindi ko magagawa iyon. Kusang kumukulo ang dugo ko sa tuwing nakakakita ako ng succubus o incubus!" "Kaya nga ako nagdalawang isip, 'di ba?" sabat nito. Napabuntong-hininga na lang ako bago tinignan ang mukha ng kapatid ko. VICTORIA KAHARAP ko ngayon sina Alexiana at Leila. I can sense the irritation lingering throughout their body. Alexiana is cursing silently, while Leila is stabbing the white throw-pillow with a kitchen knife. "Guys, cheer up!" pambabasag ko sa mabigat na atmosphere. Darn, I am not used to see them like this-weak and hopeless. "How?" Alexiana asked. "How can we cheer up, kung mag-iisang linggo na kaming hindi nakakakuha ng enerhiya mula sa mga kalalakihan, ha? Tell me how, Victoria!" "I'll get you a group of men," suhestiyon ko, dahilan para tumigil sa pagsaksak si Leila sa unan. "Then I'll bring them here. Mark them and after that, I'll force them to fall asleep." "Good idea," Leila murmured and licked the edge of the knife. "You are making me drool, Victoria. By just thinking about those men that you will bring, it really made me so damn excited," she said, almost whispering. "But I just can't let you go out!" tutol ni Alexiana. "I won't let you jeopardize yourself just for us, Victoria." "Huwag kang mag-alala, Alexiana. I can handle myself. Just let me do you both a favor. Ito lang kasi ang naiisip kong paraan nang sa ganoon kahit papaano ay mabayaran ko rin ang ginawa ninyong mabuti para sa akin," sagot ko. "Okay," pagsang-ayon niya. "Just be careful. Be alert always." ~•~ INAYOS KO ang suot kong itim na dress. Itinaas ko nang bahagya ito nang sa ganoon ay ma-expose pa lalo ang hita ko, at itinali ko rin ang buhok ko para malayang makita ng lahat ng nagmamayabang kong harapan. Nang masiguro kong katakam-takam na ang aking ayos ay naglakad na ako papasok sa bar. Napangisi ako nang makita ang mga mata ng mga kalalakihang sumusunod sa bawat galaw ko; at ang bawat pagtirik ng mga mata ng mga kababaihang inggit na inggit sa akin. Pagkapasok ko ay tila nabuhay ang aking diwa nang maamoy ko ang nag-uumapaw na libog ng mga tao sa paligid. Ugh! This is the best place to hunt for a prey! Iginala ko ang aking mata sa buong bar para maghanap ng dadalhin ko kina Alexiana at Leila. Kahit dalawang lalaki lang, sapat na. Umangat ang sulok ng labi ko nang makita ko ang tatlong lalaking nag-iinuman sa sulok ng bar. Nilapitan ko sila at mas napangisi pa lalo nang maamoy ang nag-uumapaw nilang pantasya sa mga kababaihan. Akmang tatawagin ko na sana sila nang may humarang sa aking isang lalaking nakasuot ng puting v-neck shirt at faded jeans at puting rubber shoes. May magulo siyang buhok na halos tinatakpan na ang kaniyang mga mata. Hindi ko makita ang kaniyang buong mukha dahil na rin sa dilim ng buong paligid. "Hi!" bati niya. Umangat ang kilay ko nang wala akong maramdamang kahit na anong pagnanasa sa kaniya. Imposible. Even the purest and most innocent man in the world do have a hidden lust towards others. At isa pa, hindi ko maipaliwanag kung bakit kusang tumataas ang kilay ko sa kaniya. Hindi ko siya pinansin at tinignan lang ang mga target ko. Maglalakad na sana ako ulit nang hawakan na naman niya ako. "Sandali, puwede bang malaman ang pangalan mo?" nakangisi niyang saad bago inilahad ang kamay niya. "I am Karim Samuel, and you are?" Tinignan ko lang ang kamay niya saka siya nilagpasan. That man is something. He has this aura that really irks the hell out of me. Heck. ###
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD