KARIM TUMIGIL KAMI sa harap ng dating bahay namin ni kuya. Hinubad ko ang suot kong helmet at tinignan ang succubus. "Ayos ka lang?" Tumango lang siya bago bumaba. Inilibot niya ang tingin niya sa buong paligid, naniniguradong wala ng tamers na nagmamasid. Pinagmasdan ko lang siya at hindi mapigilang mapaisip. Sino kaya ang babaeng ito noong siya ay tao pa lang? Sino rin kaya ang walang pusong pumatay sa kaniya? Kung titignan mo ay hindi mo talaga aakalaing demonyo ang babaeng ito. Sobrang bait at amo ng mukha niya para sa isang demonyo. Ngunit ika nga nila, kung sino pa ang may maaamong mukha, ay sila pa ang may demonyong ikinukubli. Pero kahit na ganoon, hindi ko pa rin maiwasang humanga sa angkin niyang ganda. May kung ano sa babaeng ito na hinahatak ako sa aking limitasyon. Na