KARIM NAGISING AKO sa kalagitnaan ng gabi. Rinig na rinig ko pa rin mula sa malayo ang malakas na tugtog na at hiyawan, pero mas nangingibabaw ang tunog ng bawat hampas ng alon sa dalampasigan. Marahang bumaba ang tingin ko sa tulog at hubad na succubus. Pinagmasdan ko ang kaniyang mukha at hindi napigilang humanga sa taglay niyang ganda. Hindi mo rin aakalaing isa siyang succubus sa amo ng kaniyang mukha. Nanatili akong nakatingin sa kaniya hanggang sa bumaba ang mga mata ko sa kaniyang mapupula at malambot na labi. Ewan ko pero parang hinihila ako nito palapit sa kaniya, kung kaya't hinyaan ko na lang ang puwersang ito na hatakin ako papunta sa kaniyang mga labi. Nang ilang pulgada na lang ang agwat nga ming mga labi ay biglaan siyang nagmulat ng mata. "Anong ginagawa mo?" Kaagad ak
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books