Lorabelle’s P.O.V. Dalawang araw ko nang napapansin na palaging nasa hacienda si Gavin minsan gabi na ito umuuwi at sa umaga paggising ko ay wala na ito sa aking tabi. Hindi naman ako nahirapan dahil palaging naka-alalay sa akin si Micah ‘yon nga lang mas gusto ko si Gavin ang narito sa tabi ko. “Hello tita ganda!” Ang masayang bati ni Bernard sa akin napangiti ako dahil ang cute lang niya tingnan sa sout niya ngayon. “Micah mauna na kami ni Bernard sa baba kapag tapos ka na sumunod ka na lang.” Ani Lora! “Nakahanda na ang breakfast mo sa baba susunod ako ilalagay ko lang itong mga damit sa washing machine.” Magalang na sabi ni Micah! Napatango si Lora at bumaba na sila ni Bernard. Pagdating namin sa mesa bigla akong natakam sa nakahain na pagkain sa mesa. Inilayayan ko si Bernard para