JAXON "Miss okay na, pwede ka ng matulog sa loob," bungad ko sa babaeng hawak ang magasin ng baril na tila ba sinusuri nito kung may natira pa na bala sa loob. Wala itong kibo na tumayo at tinungo ang silid na tinutuluyan ko dahil hindi ko naman pwedeng ipagamit sa kan'ya ang silid ng mag-asawa. "Saan ka matutulog?" seryoso ang mukha na tanong nito. "Ah, sa labas na lang. Ayos lang ako doon," kumakamot sa batok na sagot ko. "Listen, kapag may narinig kang kahina-hinala o kaya kakaiba, huwag na 'wag mong bubuksan ang pintuan. Gisingin mo ako kung kinakailangan," bilin nito. "O-okay," sagot ko. "Saan ka pupunta?" tanong agad nito ng makitang humakbang ako papunta sa maliit na kama na dati ay gamit ko. "Pasensya na kukunin ko lang ang kumot," sagot ko dahil nakalimutan kong dalhin p