CHAPTER 1

4830 Words
Sa gitna ng malawak na bakuran na nalalatagan ng tila banig na bermuda grass at napapalibutan sa paligid ng mga halaman at mga bulaklak na nagbibigay ng luntiang kulay, matatag na nakatayo ang isang malaking bahay na may tatlong palapag na moderno ang arkitektura at istilo. May humaharang na mataas na bakod na gawa sa bakal at stainless steel ang buong paligid at tarangkahan sa gitna. Makikita sa loob ng bahay ang magandang itsura. Karamihan sa mga gamit ay fully furnished na at pawang mga mamahalin. Sa pag-akyat sa hagdanan papunta sa ikalawang palapag, sa dulo ng hallway, bandang kaliwa ay matatagpuan ang isang maliit na kwarto kung saan sa gitna ng apat na sulok nito ay nakaupo sa isang may kataasang upuan si David Garcia-Lopez na abala sa kanyang ginagawa. Nakapalibot sa paligid ng buong kwarto ang iba’t-ibang klase ng paintings na kanyang likha. Magaganda ang mga iyon at iba’t-iba rin ang subject ng kanyang mga likha mula sa abstract, kalikasan, mga bagay na makikita sa paligid, mga hayop at meron ring tao. Ito ang nagsisilbing haven ni David. Ang kwartong ito ang masasabi niyang personal space dito sa loob ng mansyon. Ang apat na sulok ng kwartong ito ang hingaan niya. Sa bawat hagod ng kanyang paint brush, gumagaan ang kanyang pakiramdam. Sa bawat lagay niya ng iba’t-ibang kulay ng pintura sa imaheng kanyang iginuhit sa canvass ay sumasaya siya. Tila binibigyang kulay nito ang kulay grey niyang mundo. Sa pagpipinta, masasabi niyang malaya siyang nagagawa ang lahat. Malaya niyang naipapahayag ang kanyang mga saloobin kahit na walang salitang namumutawi sa kanyang bibig. Natatakasan niya ang pagkakulong sa malaking mansyon na ito. Ang pagpipinta ang nagbibigay sa kanya ng kalayaan... bagay na wala siya sa reyalidad. Napatigil sa ginagawang pagpipinta si David. Malalim siyang napabuntong-hininga saka natulala. Makikita sa kanyang mapupungay na mga mata ang kalungkutang kanyang nadarama dahil sa biglaan niyang pagtigil pero hindi iyon nakabawas sa kagwapuhang taglay niya. Halos lahat ng pangarap ng lahat ay na kay David na... kagwapuhan, kakisigan, kayaman... ngunit hindi ang kalayaan na matagal na niyang gustong makamtan. Sa edad na bente-sais, masasabing maamo at baby face si David at tila hindi angkop ang kanyang edad sa itsura ngayon. Mukha pa rin kasi itong disi-otso anyos kung titingnan. Malago ang buhok na kulay itim na nasa gilid ang hati at natatakpan ng bangs na wavy ang noo. Makinis ang kanyang maputlang balat. Matangos ang ilong at manipis ang natural na mapulang labi. Matangkad at maganda ang hubog ng kanyang katawan kaya kahit simpleng t-shirt at short lamang ang kanyang suot ay dalang-dala niya. May utak rin siya at nakapagtapos ng may master degree sa kursong Fine Arts. Masasabing ang asset niya ay ang kanyang mga mata at leeg. Malalim kung tumingin ang mga iyon at ang kanyang leeg na may malaking adam’s apple sa gitna at hindi niya alam kung bakit pero gustong-gustong hinahawakan at hinahalikan ng kanyang asawa na si Bertrant Lopez. Napangiti ng may pait si David nang maalala si Bertrant Lopez. Si Bertrant Lopez, bente-otso anyos, ang kanyang asawa for almost three months. Kakakasal lamang nila at dahil iyon sa isang arrange marriage na pinagkasunduan ng kanyang ama at ama nito. Ulila na sa ina si David. Colon cancer ang ikinamatay nito noong nakaraang taon na labis niyang pinagluksa. Kumpara sa kanyang ama, mas malapit siya sa ina kaya masakit sa kanya ang mga nangyari. Sumunod pa sa kamalasan ay ang pagkalugi ng kumpanyang gumagawa ng beauty products na itinatag ng kanyang ama kaya naman para maisalba pa ito ay ipinakasal siya kahit labag sa loob niya at hindi iyon kagustuhan. Mahinang nagbuga nang hininga si David. Kung alam lang niya na daranasin niya ang mga bagay na ni sa hinagap ay hindi niya naisip na magagawa sa mga kamay ni Bertrant edi sana mas naging matapang siyang suwayin ang kanyang ama at wala sana siya sa sitwasyong ito ngunit dahil sa masunurin siyang anak, sinunod niya ito. Bagay na ngayon ay labis niyang pinagsisisihan. Ubod ng yaman ni Bertrant Lopez. Ang pamilya lang naman nito ang nagmamay-ari ng pinakamalaking cosmetics company sa bansa. Sa edad na bente-syete, naulila ito sa ina at isang buwan pa lang ang nakakaraan, sumunod naman ang kanyang ama na aksidente sa kotse ang ikinamatay kaya ulilang lubos na ito. Walang kapatid katulad ni David kaya siya at ang kumpanya na lang na pagmamay-ari nito ang meron ito. Matalino at tuso si Bertrant. Nakapagtapos ng Business Administration sa isang prestihiyosong unibersidad sa ibang bansa at may master degree. Walang date na nangyari kay David at Bertrant. Isang beses lamang silang nagkita at kaagad ay nagpakasal. Sa una, mabait ang impresyon ni David kay Bertrant dahil sa matatamis na salitang namumutawi sa bibig nito pero masasabi lang pala talaga ang tunay na ugali ng isang tao once na makasama na ito sa iisang bahay. Hindi ikakaila ni David na nagwapuhan siya kay Bertrant, ngunit hanggang doon lang iyon. Maangas ang mukha nito, matalim kung tumingin ang mga chinito nitong mga mata, matangos ang ilong at manipis ang labi nitong medyo mapula lang ang kulay. Makinis ang mestisong balat. Medyo matangkad sa kanya ito at maganda ang hubog ng katawan nitong nasa gitna ng slim at bato-bato, iyong tipong tama lang ang laki. Magaling din magdala ng damit dahil na rin sa President at CEO ito kaya kailangan laging presentable. Sa labas ay isa itong mabait na tao ngunit pagdating dito sa loob ng bahay, tila nag-iibang anyo ito. Nagiging halimaw na labis na ikinasisindak ni David. Gusto ni David na intindihin ang sitwasyon ng asawa lalo na at kamamatay lang ng ama nito ngunit alam niya rin sa kanyang sarili na kung magpapatuloy ang ganito, tiyak na maiisip niya ring umalis na rin sa puder nito kapag hindi na siya nakatiis pa. Kaya naman sa pagpipinta na lamang niya idinadaan ang lahat para kahit papaano’y makatakas siya sa mapait na sinasapit niya ngayon. --- Nakatayo si David sa harapan ng isang malaking litrato na nakakabit sa pader ng sala. Gusto niyang mapangiti dahil sa nakikita niya ang saya sa sariling larawan katabi ang kanyang asawa na si Bertrant ngunit hindi niya magawa. Ang wedding picture nilang dalawa na sa likod ng saya na makikita sa larawan ay nababalot ng lungkot at sakit. “Kung alam ko lang sa una na hindi langit ang pinasok ko... edi sana wala ako sa impyernong kinasasadlakan ko ngayon,” bulong ni David sa hangin. Kumislap ang kanyang mga mata ngunit hindi iyon dahil sa galak kundi dahil sa nangingilid ang luha niya. Napabuntong-hininga nang malalim si David. Tama nga ang kasabihan na sa una lang masaya ngunit darating din ang panahon na mapapalitan ito ng lungkot at pighati. Naging masaya siya sa una dahil naiahon ang kumpanya nila ngunit dumating din sa puntong muling dumalaw ang malas sa pamilya Garcia kung saan kasabay ng pagbagsak muli ng kumpanya ay ang pagbagsak rin ng katawan ng kanyang ama na ngayon ay nakaratay na sa ospital dahil sa sakit sa puso. Dagdag dagok pa sa kanya ang nangyayari sa buhay may-asawa niya ngayon. Walang-wala na sila at kung hindi siya aasa sa kayamanan ni Bertrant, tiyak na pupulutin siya sa kangkungan. Sinisi ni David ang ama sa mga nangyayari sa buhay niya ngunit nawala rin ito dahil sa mga nangyayari ngayon sa pamilya nila. Sa oras na ito, ang nasa Itaas na ang sinisisi niya dahil sa mga kamalasang nangyayari sa kanya at sa pamilya niya. Bakit Niya hinayaang magkaganito ang lahat? Bakit Niya dinala ang pamilya niya sa pinakamabigat na sitwasyon? ‘Unfair Ka din talaga. Hindi naman ako masamang tao ngunit bakit nagkakaganito ang buhay ko? Bakit Mo ako isinasadlak sa malalim na hukay na ito?’ sa isip-isip ni David. Bahagya na lamang nagulat si David nang may biglang yumakap sa kanya ng mahigpit. Sa amoy pa lang ng pabango nito, kilala na niya pero hindi man lang niya namalayang nakalapit na pala ito sa kanya. “Good evening,” pabulong na may halong lambing na pagbati ni Bertrant. Hindi sumagot o ngumiti man lang si David. Naramdaman niya ang paghalik-halik nito sa kanyang leeg. “Ang gwapo at ang bango mo talaga,” nangingiting pagpuri ni Bertrant sa asawa. “Itong leeg mo, akin lang ito at ako lang ang pwedeng humawak nito,” malambing at may halong gigil na wika pa nito. Nakagat na lamang ni David ang ibabang labi niya. Hindi niya gusto ang ginagawa nito ngunit nagiging tuso ang kanyang katawan. “Hindi ko talaga kayang mabuhay ng wala ka. Mahal na mahal kita David.” Sa isipan ni David ay natawa siya ng pagak sa sinabi ni Bertrant. ‘Ako? Mahal mo?’ tanong nito sa isipan. Isang kasinungalingan. ‘Nagmamahal ka pero at the same time ay nananakit ka. Anong klaseng pagmamahal ang nararamdaman mo? O baka naman hindi talaga pagmamahal ang nararamdaman mo kundi isang kabaliwan,’ wika pa niya sa kanyang utak. Kailanman ay hindi iyon naramdaman ni David mula sa asawa bagkus pagkasakal ang kanyang nararamdaman ngayon gaya nang paglagay ng mga braso nito sa kanyang leeg habang hinahalik-halikan siya nito. Kung mahal siya nito, hindi malayong mahalin niya rin ito pabalik ngunit hindi iyon nangyari. “Tara sa kwarto,” pabulong na aya ni Bertrant na may himig rin ng pang-aakit. Hindi kumilos si David. Nanatili lamang siyang nakatayo at yakap ni Bertrant. May kabang nararamdaman sa kanyang dibdib. “Tara na,” madiin na pag-uulit ni Bertrant. Bahagyang tumalim ang titig niya kay David. Sa hindi mabilang na pagkakataon, wala na namang nagawa si David kundi ang magpaubaya. Kung bakit ba kasi isa siyang napakalaking duwag. --- Sa loob ng kwarto nilang mag-asawa. Nakatingin lamang si David na nakaupo sa kama kay Bertrant habang isa-isa nitong hinuhubad ang mga suot na damit. Nakangisi naman si Bertrant habang diretsong nakatingin sa asawa. “Maghubad ka na rin,” nangingiting utos ni Bertrant. Pero hindi natinag si David. Nanatili lamang siyang nakaupo at nakatingin kay Bertrant. Hanggang sa mahubad na ni Bertrant ang kanyang mga panlabas na damit. Ang panloob na lamang ang natira dito kung saan mas nakikita na ang magandang hubog ng pangangatawan nito at ang bukol na bukol sa suot nitong boxer short na naninigas na pag-aari. Dahan-dahang nilapitan ni Bertrant si David. Tumayo siya ng tuwid sa harapan nito. Napangisi si Bertrant saka hinimas ang makinis na mukha ni David. Sa unang kita pa lamang niya kay David, hindi niya ikakailang hulog na hulog na kaagad siya, baliw na baliw siya rito. “Asawa kita kaya gawin mo ang trabaho mo,” madiin na sambit ni Bertrant sabay madiin na hawak nito sa baba ni David at tiningala ang mukha nito. Hindi ipinakita ni David na nasasaktan siya pero sa totoo lang, sobrang nasasaktan siya sa ginagawa ni Bertrant. Hanggang sa marahas na binitawan ni Bertrant si David. Inilabas ni Bertrant ang kanyang p*********i at isinampal-sampal sa mukha ni David. “Isubo mo,” nag-iinit na utos ni Bertrant kay David. Hindi pa rin natinag si David. Tila natulala lang siya kahit na sinasampal-sampal sa kanang pisngi niya ang malaki at matigas na pag-aari ni Bertrant. "Sinabi kong isubo mo!!!” Sumigaw na si Bertrant. Nangangalit na ang panga nito dahil sa galit. Kapag sumisigaw na si Bertrant ay doon na nakakaramdam ng takot si David kaya naman kaagad na niyang sinunod ang utos ni Bertrant. Malaki rin ang b*rat ni Bertrant na abot ng sais pulgada. Mataba rin ang katawan lalo na ang ulo. Kahit na nabubulunan ay patuloy ang pagsipsip, dila at himod ni David sa matigas na pag-aari ni Bertrant. "Aaahhh!!! Sheeettt!!!” Punong puno na ng laway ni David ang b*rat ni Bertrant na panay naman ang malakas na pagpapakawala nang ungol dahil sa sarap na nararamdaman nang paglabas-masok ng p*********i niya sa bibig ng asawa. Dumidiin naman ang paghawak ni Bertrant sa ulo ni David. Ilang minuto pa ang lumipas nang simulang isubo muli ni David si Bertrant pero nagulat siya nang biglang hablutin nito ang buhok niya patayo. "Tuwad!!!" malakas na utos muli ni Bertrant. Mistulang wala namang narinig si David. "F*ck!!! Ang sinabi ko tumuwad ka!!!" malakas na sigaw ni Bertrant sabay tulak niya ng malakas kay David pahiga sa kama at pinatalikod ito sa kanya. Wala ng nagawa si David. Napatuwad na lamang siya sa kanyang tuhod. Hinubad na ni Bertrant ang short nito sa bandang pwetan. Dinakma ng magkabilang palad ni Bertrant ang pisngi ng pwet ni David saka iyon mariing pinisil-pisil. Dinuraan din ito. Kinalat sa butas ng pwet niya. "Bert-" ang tanging nasabi ni David nang maramdaman ang papasok na ulo ng b*rat ni Bertrant. "Aaahhh!!!" Napalakas ang sigaw ni David sa pagpasok ng b*rat sa kanyang butas. "Aaahhh!!! Sh***ttt!!! Aaahhh!” malakas na ungol ni Bertrant habang labas-masok na ang kanyang naninigas na p*********i sa madulas na butas ni David. Bumibilis ang pagbayo ni Bertrant kay David. Napapaiyak na si David sa kirot na nadadama dahil sinasamahan pa iyon nang pagpalo ng malakas ni Bertrant sa magkabilang pisngi ng pwet niya. "Aaahhh!!! Aaahhh!!! Aaahhh!!!" Patuloy na naglalabas-pasok nang mabilis ang b*rat ni Bertrant na sarap na sarap. Kitang-kita ito sa pawisan niyang mukha. "Ooohhh!!! F***ckkkk!!! I’m C***mmmiiinnnggg!!!" malakas na sigaw na pag-ungol ni Bertrant. "Aaahhh!!!" kaunting labas-masok pa ng b*rat ni Bertrant ay nanigas na ang mga hita nito at nagpaputok ng sunod-sunod sa kalooban ni David. Ramdam ni David ang sunod sunod na pagputok ng alaga ni Bertrant sa loob niya. Nanghina si David sa pagod at kirot na nadarama kaya napahiga ito ng padapa sa kama. Hindi niya tiningnan ang asawa niya. Mabilis na tumabi naman sa kanya si Bertrant. Niyakap niya si David mula sa likod at hinalik-halikan ang leeg nito. “Ang sarap mo,” nangingiting pagpuri ni Bertrant kay David habang patuloy sa paghalik sa leeg ng asawa. Kinagat na lamang ni David ang ibabang labi niya. Hinayaang tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata. --- Kasabay ng pagtulo ng tubig mula sa shower papunta sa hubad na katawan ni David ay ang pagtulo ng kanyang masaganang luha. Sa muling pagkakataon, para na naman siyang puta na binaboy ng sariling asawa. Iniiwasan niyang magkatunog ang pagluha niya dahil nasa labas lamang ng banyo ang kanyang asawa. Sa totoo lang, lihim na lamang siyang umiiyak dahil ayaw ni Bertrant na nakikita siya nitong umiiyak. Pakiramdam ni David, ang dumi-dumi niya at hindi na alam kung malilinis pa ba ang sarili niya o habang buhay na siyang ganito. Kinagat nang madiin ni David ang ibabang labi niya. ‘Hanggang kailan pa ba ako magtitiis?’ tanong nito sa isipan. --- Nasa loob ng kanyang home office si Bertrant. Naka-dekwatrto ng upo sa inuupuang swivel chair habang nakatingin sa pinapaikot na ballpen na hawak sa kamay nito. Nakasilay ang natutuwang ngiti sa kanyang labi. Masaya ang pakiramdam niya. Umaayon sa kanya ang mga plano niya. “Napabagsak ko na ang kumpanya nila David kaya tiyak na wala na siyang kakapitan kundi ako lang,” may pagmamalaking sabi niya sa kanyang sarili. “Para siyang linta na kakapit sa akin at wala na siyang choice kundi ang gawin iyon dahil kung hindi... mamamatay siya,” dugtong pa niya sa sinasabi saka nakakalokong tumawa. Siya ang nag-ahon ng kumpanya, siya rin ang nagpabagsak nito na naging dahilan para magkasakit ang ama ni David. Nang makuha niya ang kanyang gusto na mapakasalan si David ay saka niya ginawa ang mga plano. Dumaloy sa alaala ni Bertrant ang unang beses na nakita niya si David. Ang unang beses kung saan iyon din ang araw na nag-umpisa ang pagmamahal niya para kay David. Inilapag ni Harry, ama ni Bertrant ang folder sa mesang nasa harapan din ng anak. Napatingin naman doon si Bertrant saka nagtatakang tiningnan ang ama. “Ano ‘yan Dad?” nagtatakang tanong ni Bertrant. “Pumili ka diyan ng pakakasalan mo,” seryosong utos ni Harry. “Lalaki at babae ang pagpipilian mo,” dugtong pa nito. Hindi naman lingid kay Harry kung ano ang sekswalidad ng anak. Sa una ay hindi niya matanggap pero dahil sa matalino at mapapakinabangan naman ang anak pagdating sa negosyo ay natanggap na rin niya ito. Napangisi si Bertrant. “Seryoso ka talagang ibebenta mo ako?” Nag-smirk ang ama ni Bertrant. “Hindi kita ibebenta. Gusto ko lang na lumaki ang kumpanya natin at ma-secure ang kinabukasan mo,” sagot ni Harry sa tanong ng anak. Umiwas nang tingin si Bertrant. Tiningnan ang folder na nakalapag sa mesa. Malalim na napabuntong-hininga ito saka iyon kinuha. “Kapag nakapili ka na ay balikan mo ako para maasikaso na kaagad ang pagkikita ninyo.” Mabagal na tumango-tango na lamang si Bertrant sa sinabi ng ama. Iniwan na muna siya ni Harry dito sa loob ng home office nito. Binuksan ni Bertrant ang folder. Inisa-isang tingnan ang nilalaman nito. Napapangisi siya kapag may nakikitang magandang babae at gwapong lalaki. Pasok na pasok rin sa kwalipikasyon ang mga ito dahil galing sa kilala at respetadong pamilya. Pero ang huling pahina ang pumukaw sa kanyang atensyon. Doon nagtagal ang paningin ni Bertrant. Binasa niya ang mga nakasulat pero mas natuon ang pansin niya sa litratong nakalarawan doon. Maamo ang mukha, maputla ang maputi at makinis na balat. Matangos ang ilong at natural na mapula ang manipis nitong labi. Maganda rin ang hugis ng mukha, ang mas nagustuhan pa niya ay ang leeg nito. Iniisip niya na mukhang masarap iyon halik-halikan. Gwapo sa paningin niya ang ibang kandidato para mapangasawa niya pero ang huling tiningnan niya ang angat sa lahat. Napangisi si Bertrant. --- Sa isang restaurant nagkita sila Bertrant at David Garcia. Magkatapat silang nakaupo ngayon sa isang pandalawahang mesa na nasa bandang dulo. Nagkakatinginan pero madalas si David ang unang umiiwas nang tingin. Halata sa kanya na kinakabahan siya ngayong kaharap si Bertrant. “I’m Bertrant Lopez,” pagpapakilala ni Bertrant sa sarili. Napatingin si David kay Bertrant. Tipid siyang ngumiti. “I’m David Garcia-” “I know,” putol ni Bertrant sa pagpapakilala ni David. Napangiti lamang muli ng tipid si David. ‘Mas gwapo at may dating pa pala siya sa personal.’ puri ni Bertrant kay David sa isipan. “Anyway, aware ka ba sa dahilan nang pagkikita nating ito?” maangas na tanong ni Bertrant. Marahang napatango-tango si David. “At mukhang wala man lang yatang pagtanggi mula sayo.” Pilit na ngumiti si David. “Wala naman kasi akong magagawa.” Napangisi si Bertrant sa sinabi ni David. “I like that.” Kumunot ang noo ni David. “Ha?” nagtatakang tanong ni David. Mas lalo namang napangisi si Bertrant. “Anyway, mukha namang walang pagtanggi mula sayo kaya walang magiging problema,” ani ni Bertrant. “Hindi na kailangan patagalin pa ang lahat kaya kami ng bahalang umayos sa lahat, pangako, sa oras na maikasal ka sa akin ay makukuha mo ang lahat ng gusto mo.” Napangiti na lamang ng tipid si David. ‘Wala ka na talagang magagawa David dahil akin ka na,’ madiin na wika ni Bertrant sa isipan habang iniinom nito ang kape sa hawak na tasa at nakatitig ang mga mata kay David. Naputol ang pagdaloy sa alaala ni Bertrant ng mga nangyari sa kanila ni David nang biglang pumasok naman ito dito sa loob ng kanyang home office. “Oh-” “Anong ginawa mo?” galit na galit na tanong ni David. Matalim ang tingin at nangangalit ang mga panga nito dahil sa nararamdamang sobrang galit. “Bakit mo pinalayo at binantaan ang mga kaibigan ko? Bakit ayaw mong makipagkita ako sa kanila?” nagagalit na asik pa niya. Napangisi si Bertrant. Umayos ito sa pag-upo. Binitiwan at inilapag sa office desk ang hawak nitong ballpen. “Calm down-” “Paano ako magka-calm down kung pati ang mga kaibigan ko, inaalis mo na rin sa buhay ko? Hindi pa ba sapat sayo na pinabagsak mo ang kumpanya ni Dad na naging dahilan ng pagkaratay niya sa ospital?” mabilis na tanong ni David. Nangingilid ang luha nito. Naluluha siya sa sobrang frustration na nararamdaman. Ang mga kaibigan na nga lang niya na sila Gary, Timothy at Dale ang siyang natatakbuhan niya sa tuwing kailangan niyang makahinga pero pati iyon ay tinanggal sa kanya ng magaling niyang asawa. Tumalim ang tingin ni Bertrant sa asawa. “Magdahan-dahan ka sa pananalita mo,” madiin na banta ni Bertrant. “Bakit? Totoo naman, ‘di ba? Wala kang ibang ginawa kundi ang pasakitan ako,” madiin na singhal ni David. Dahan-dahang tumayo si Bertrant mula sa inuupuan nito. “Mga wala silang halaga sa buhay mo. Mga walang kwenta na gaya ng damo sa hardin at ano bang ginagawa sa mga damong iyon? Pinuputol at inaalis, ‘di ba?” nakakalokong ani ni Bertrant habang naglalakad palapit kay David. “Mga walang kwentang tao na hindi dapat umaaligid sa napakahalagang taong katulad mo,” nangingiting sabi pa niya. Masama ang tingin ni David kay Bertrant. Minsan lang siyang magalit pero matindi ngunit hindi iyon uubra kay Bertrant. “Napakasama mo!” galit na galit na usal ni David. Isang malakas na sampal sa kanang pisngi ang natanggap ni David mula kay Bertrant na nakalapit na sa kanya. Halos tumabingi pakaliwa kanyang mukha. “Ako? Masama?” nanggigigil na tanong ni Bertrant. Nagagalit ang mga panga niya. Kaagad niyang hinablot ang kanang braso nito at madiin na hinawakan. “Ginagawa ko lang kung ano ang makakabuti sayo at hindi sila mabuti sayo,” madiin ang bawat pananalita ni Bertrant. Nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin kay David. “N-Nasasaktan ako-” “Mas masasaktan ka kung hindi ka susunod sa akin,” asik kaagad ni Bertrant sabay marahas na binitawan si David. Napatingin at napahawak naman si David sa nasaktan niyang braso. Nakita niya ang pamumula nito at ang bakat ng kamay ni Bertrant doon. “Simula ngayon ay huwag ko ng malalaman na nakikipagkita ka pa sa kanila dahil kung hindi, mas matindi pa diyan ang aabutin mo,” mariing pagbabanta ni Bertrant. Muling tiningnan ni David si Bertrant. “Wala kaming ginagawang masama. Mga kaibigan ko sila at kilala mo naman sila, ‘di ba? Hanggang ngayon ba pinagseselosan mo pa rin sila?” mariing pagtatanong ni David. Napangisi si Bertrant. “Walang kahit na sinong lalaki ang pwedeng lumapit sayo kundi ako lang. Ako lang naiintindihan mo ba?” madiin na pagtatanong ni Bertrant sabay dukdok ng daliri nito sa kanang sentido ni David. “Ako lang, David! Ako lang!” wika pa niya habang madiin na dinudukdok ang hintuturong daliri sa sentido ni David. Tuluyang napaiyak si David. Hindi niya na alam kung ano ang gagawin niya sa pagiging possesive at paranoid ni Bertrant. Napangisi si Bertrant saka ito naglakad palabas. Naiwan si David na patuloy lamang sa pag-iyak. Ito lang naman ang magagawa niya. --- Sobrang sama ng loob ni David kaya naman naisipan niyang pumunta sa mall sa halip na magpinta na lang. Tila nawalan siya ng gana na gawin iyon at mas gusto niyang makakita na lamang ng ibang tao at ibang paligid bukod sa bahay. Napatingin si David sa dalawang guard na nakasunod sa kanya sa likod. Napabuntong-hininga siya. Sa tuwing aalis siya ng bahay, may mga body guard siyang kasama. Kung hindi siya papayag na meron, hindi siya makakaalis. Batas si Bertrant at wala siyang magawa para baliin iyon. Tumingin na lamang si David sa paligid. Napangiti siya ng tipid dahil kahit papaano ay gumagaan ang loob niya sa mga magagandang nakikita, lalo na ang mga bata na naglalaro kasama ang kanilang mga ina at ama. Nakaramdam ng pag-ihi si David kaya huminto siya sa paglalakad. Napahinto rin ang dalawang guard na nakasunod at nagbabantay sa kanya. “Yes Sir? May kailangan ho ba kayo?” tanong ni Ismael. “Pupunta lang ako ng restroom,” wika ni David nang hindi tumitingin sa mga guard niya. “Sige Sir at samahan na namin kayo.” Sa pinakamalapit na restroom sila nagpunta. Muling huminto si David at hinarap ang dalawa niyang guard. “Huwag niyo na akong sundan sa loob,” ani ni David. “Pero Sir-” “Please, Hindi ako tatakas,” putol ni David. Napatango na lamang ang dalawang guard sa kanya. Pumasok sa loob ng cr ng mall si David. Pumunta sa cubicle para umihi. Matapos iyon ay humarap siya sa salamin. Hinugasan ang mga kamay sa sink. Tiningnan ang sariling repleksyon sa salamin. Hindi maiwasang makaramdam ng awa si David sa sarili. Hinawakan niya ang sugat sa gilid ng labi niya. Ito ang tinamo niya sa malakas na sampal ni Bertrant. Bukod sa pasa sa pisngi na tinakpan lamang niya ng concealer ay may sugat rin siya sa labi dahil sa pagputok nito. Sinilip ni David ang dalawa niyang guard sa labas. Nakatayo ang mga ito sa magkabilang gilid ng pinto. Malalim na napabuntong-hininga siya saka muling hinarap ang salamin. Ilang beses na ba siyang nagtangkang tumakas pero lagi rin siyang nahuhuli at sa bawat pagtakas niya, bugbog ang inaabot niya mula kay Bertrant. Gustuhin man niyang lumaban pero kapag kaharap na niya si Bertrant, tila nawawalan siya ng lakas. Hindi na nga niya alam kung anong gagawin niya sa kanyang katawan na wala rin namang kwenta. “Please Attorney tulungan niyo naman ho akong ipawalang bisa ang kasal ko kay Bertrant.” “I’m sorry, Mr. Lopez.” “Magsasampa ako ng kaso kay Bertrant... please tulungan niyo ako naman ako, Attorney.” “I’m very sorry, Mr. Lopez.” “Please ikulong niyo ang asawa ko. Nakikita niyo ba itong mga sugat at pasa ko sa katawan, siya ang may gawa nito.” “Pasensya na Mr. Lopez.” Sa tuwing hihingi siya ng tulong, kundi sorry, pasensya lang ang matatanggap niya. Ilang attorney na ang nilapitan niya, ilang pulis na rin ang kinausap niya ngunit lahat sila, tumalikod sa kanya. Mga nabayaran at nakausap na ni Bertrant para hindi siya tulungan. Pakiramdam niya, tinalikuran na siya ng mundo lalo na ngayong wala na rin sa kanya ang mga kaibigan niyang tinakot ng asawa niya. Pinunasan ni David ang luhang tumulo mula sa kanyang mga mata. Tumingala siya at kumagat labi para mapigilan ang mas lalo pang pagbuhos nito. Nakakaawa siya... awang-awa na siya sa kanyang sarili. Sawang-sawa na rin siya sa kanyang sitwasyon ngunit anong magagawa niya para makatakas? “Maghiwalay na tay-” Isang malakas na sampal ang natanggap ni David mula kay Bertrant. “Anong sinabi mo? Maghiwalay?” tanong ni Bertrant. “Please! palayain mo na ako-” Isang malakas na sampal muli ang natanggap ng mukha ni David. Halos mabingi siya at mamanhid iyon dahil sa sobrang sakit. “Akin ka lang! Akin ka lang David!” madiin at malakas na sigaw ni Bertrant. Nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin sa puno ng takot na si David. “Hindi ka kailanman makakawala sa akin, maliwanag ba?” malakas na tanong pa nito. Hindi na nakasagot si David. Mas lalo lamang siyang napaluha. Muling tumingin si David sa salamin. Mapait siyang ngumiti. Naalala niya na minsan, inisip na din niyang magpakamatay na lamang para takasan ang buhay niyang puno ng paghihirap. Nakatayo nang tuwid si David sa pader na railings ng rooftop. Pumasok lamang siya sa mataas na gusali at diretsong nagpunta sa lugar na ito. Nakatitig si David sa makulimlim na kalangitan na tila ang lapit-lapit lamang sa kanya. Hinahayaang tumulo ang kanyang masaganang luha. “Hanggang kailan ba ako maghihirap? Hanggang kailan niyo ako balak subukan? Wala ba kayong magandang balak sa akin o ito talaga ang balak niyo? Kung oo... ma-mas mabuti na lang siguro na... na... na mawala ako kaysa magdusa ng ganito kahit wala naman akong kasalanan,” nahihirapang sambit ni David. Patuloy ang pagluha ng mga mata niya. Inalis ni David ang tingin niya sa kalangitan at tumingin sa ibaba. Nasa mataas na lugar siya kaya kitang-kita niya ang buong syudad. Bumakas ang takot sa mukha ni David at bahagyang napaatras ang mga paa niya. Dumagundong ang kaba sa dibdib niya. Ngayon niya napagtanto na napakataas pala talaga ng kinalulugaran niya. Sunod-sunod na napalunok si David. May pagdadalawang-isip na siya kung itutuloy ba niya ang binabalak niya. Kung itutuloy niya, mangyayari ang gusto niyang mawala na sa mundo ‘yun nga lang, hindi magiging maganda ang katapusan niya dahil siguradong para siyang karne na babagsak sa lupa dahil lasog-lasog na siya. Kung hindi naman itutuloy ni David ang balak niya, tiyak na magiging matagal pa ang paghihirap niya sa kamay ni Bertrant. Madiin na ipinikit ni David ang kanyang mga mata. Kumuyom pabilog ang mga kamay niya. Kinagat niya ang ibabang labi niya ng madiin pagkatapos ay huminga nang malalim. Gulong-gulo ang utak niya sa kung ano ang dapat niyang gawin. Maya-maya ay marahas na bumuntong-hininga si David. Dahan-dahan niyang idinilat ang kanyang mga mata. Pinili ni David na bumaba sa pader na railings. Dahan-dahan siyang napaupo at doon, walang sawa siyang humagulgol sa pag-iyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD