Chapter 1

1904 Words
"Ma’am Ivory, pinapatanong po ng Don kung sasabay ka sa kanila sa pag-uwi." I sighed for the nth time. Nakakabagot na pakinggan ang mga sinasabi nila. "Tell dad na ayaw ko pang umuwi," sabi ko habang pina-polish na ng manikyurista ang mahahaba kong kuko. Perfect! "Tapos na po ma'am," tinignan ko ang P.A ko at agad niyang naiintindihan ang gusto kong sabihin. Kinuha niya ang bag ko at taas noong pinuntahan ang bagong kotse na binili ni dad para sa 'kin. What a life! "Please, go to David's house." Utos ko habang nakasandal sa upuan. Having a life like this is a life. Wala na 'kong hahanapin pa. Dahil hindi naman traffic, mabilis kaming nakarating sa bahay ng fiancé ko. Nagmamadaling umikot ang P.A ko para payungan ako. Sobrang init ng panahon, ayaw kong umitim para sa up coming wedding ko with David. Nang nasa gate na kami, agad akong hinarangan ng guard. Is he new? Hindi niya ba kilala kung sino ako? "Umalis ka diyan," sabi ko at pinandilatan siya ng mata. "I'm sorry po ma'am pero bawal po kayo pumasok." Anong bawal? At bakit naman ako bawal pumasok sa bahay ng fiancé ko? Is he out of his mind? "Anong pangalan mo?" tanong ko. "Eduardo po ma'am." "Mawawalan ka ng trabaho. Tawagin mo si David. Sabihin mong hinahanap siya ng fiancé niya," umiinit ang ulo ko sa lalaking ito. "Ma'am wala po si sir David sa loob." Ngayon naman, si David ‘yong nawawala? Ano ‘to? Lokohan? "Ary, get my phone at e dial mo ang number ni David," kinuha ng P. A ko ang cellphone sa bag na hawak niya at dinial ang numero ni David. Naghintay ako ng limang minuto pero wala pa rin. "Ma'am, hindi po ma-reach si sir David e," aniya na ikinalaki ng mata ko. "Anong hindi? Call him again," gaya kanina, ay hindi pa rin ito ma contact. Nasaan ba si David? Humarap ulit ako sa guard at pinilit na tawagin si David. "David!" "Ma'am, wala po talaga si sir sa loob." "Tumahimik ka! DAVIIIIID!" Bumukas ang pinto ng bahay. Nakahinga ako ng maluwag dahil pupuntahan na 'ko ni David pero nawala ang ngiti sa mukha ko nang makita na hindi si David ang lumabas kun'di ay ang isang babae na buntis. 'Sino siya? Pinsan ni David?' tanong ko sa sarili. As far as I know, nag-iisang anak si David so bakit may babae na buntis sa bahay niya? "Kuya Eduardo, sino itong babae na 'to?" tanong ng babae na mukhang pinsan ng fiancé ko. "Hinahanap niya po si sir David ma'am." Nang humarap siya sa 'kin ay taas noo akong nagpakilala. "Hi, will you tell that guard na papasukin ako? You must be David's cousin, right? By the way, I'm May Ivory Vitaliano." Tinignan niya ang kamay ko na ipinasok ko pa sa gate nila para makipag shake hands sa kaniya. Ang ngiti na ibinigay ko ay unti - unting naglaho. After what she did, alam ko na ang sasabihin niya. "I'm not his cousin," sabi nito. "His long lost sister, perhaps?" paniniguro ko habang kinakabahan. Don't tell me David is cheating on me? "I'm his fiancé. Magkaka-anak na kami kaya kung sino ka man, umalis ka na." Tuluyang nawala ang ngiti na pinaskil ko sa mukha ko. Nagulat ako sa sinabi niya. Paanong siya ang naging fiancé kung ako ang pinangakuan na pakasalan? "Anong ikaw? Ako! Ako ang fiancé niya. Look!" Pinakita ko sa kaniya ang engagement ring namin ni David. "Pathetic. Meron din ako niyan na bigay niya," itinaas niya ang kamay niya at nandoon nga ang singsing na mas malaki pa ang bato sa 'kin. Para akong tinubuan ng sungay habang nakatingin sa mukha niya na nakangisi. Halatang iniinis ako. "Ikaw ang mas pathetic," sabi ko at tumalikod para mag martsa pabalik sa bago kong sasakyan. "At paano ako naging pathetic?" aniya. Huminto ako at nginisihan siya. "Kasi ‘yang singsing mo, fake. Parang ikaw. At least sa 'kin, totoong bato ang binigay niya." I smirk before leaving her dumbfounded. Buti nga sa 'yo. Sa dami ng alahas ko, it's easy for me to identify the real ones to fake. --- "Masson, napag-usapan namin ni papa na sa ‘yo namin muna ibibigay ang hacienda at buong farm natin sa Villanueva,” said by our old man. I lazily sighed while Maddix tap my shoulder and Maddox laugh mouthing the word “s*cks” I raised my middle finger to him pero tinawanan lang ako ng loko. “Are you fine with it son?” ano pa nga ba ang magagawa ko? Though kung ako papipiliin mas gusto ko sa Manila than province at hawakan ang kompanya namin dito pero mukhang alam ko na ang nasa isip ni dad. Kay Maddox niya ‘yon ibibigay and I understand him. “By the way, pwede ko bang paki alaman ang lupa sa Villanueva?” May plano akong gawin doon. Since I’m staying there, I might as well fulfil that promise. “No. Ikaw lang ang mamamahala but it doesn’t mean na ililipat ko na sa pangalan mo ang farm at hacienda. Baka nakakalimutan niyo ang kasunduan?” “No way dad. Mas mauuna pa sa ‘min ni Maddix si Maddox.” I don’t want to get married yet. It’s a pain in the ass. “I agree. I don’t want to tie with someone else. They are just after us because of money.” I zip my mouth on what Maddix said. Even Maddox, he didn’t say a word about Maddix’s statement kahit na kanina pa nalukot ang mukha niya nang marinig na siya ang una maikakasal sa ‘min. “Why do you need us to get wed first bago mo kami pamanahan?” I don’t understand his sentiments at all. We can live without a woman. Besides, matagal ko ng pinangarap ang lupa namin doon. I’m planning to buy that from him but he said no since ipapamana naman niya ‘yon sa amin. We just need money to have a life. Break the norms. Not all the times gonna be like that. “Masson, don’t question my authority.” “But dad-“ “No buts son. Hangga’t hindi kayo nakakasal, hindi niyo makukuha ang gusto niyo.” He knows how to play with us. What a cunning man. “Fine! Just give me a lil. time,” province is boring. I’m in needs and I know for sure that once I started to handle the farm, mauubos ang oras ko doon. “No problem,” our old man said it in a cool tone. He’s always been like that! “Let’s drink later Son,” bulong ni Maddox at balak pang umalis nang tawagin siya ni dad. “Don’t you dare to leave this room Maddox.” I smirk and excused myself. “Ako na lang kaya sa province dad,” rinig kong sabi ni Maddox “No! May iba akong e a-assign sa ‘yo.” Huling dinig ko bago ko isara ang pintuan sa library ni dad. Nakasalubong ko si mommy na mukhang papunta pa sa library. “Masson, how are you? Naka-usap ka na ba ng daddy mo?” “Yes mom! Don’t worry” “How was it? Are you fine with that?” “Yes mom, I’ll just need to ready myself” “Matured as ever,” she said and pat my shoulder bago nagpatuloy sa paglalakad. Am I? ----- “Itapon niyo na ‘to,” sabi ko sa mga bodyguards sabay bigay sa isang box na puro gamit ni David. “Itatapon na ito lahat ma’am?” “Yes. Ayaw kong mag tambak ng basura sa bahay ko.” Nanggagalaiti pa rin talaga ako sa galit kapag naalala ang kabit ng hayop na iyon. How dare him cheated on me? Alam niya ba kung anong sinayang niya? Mabuti sana kung mas maganda pa sa ‘kin ang pinalit niya pero sa itsura ng ahas sa bahay niya? Nakakainsulto talaga. “Ma’am Ivory, hinahanap ka po ni sir David sa labas.” Sabi no’ng isa sa bodyguard. Ano namang kailangan ng loko na iyon sa ‘kin? “Ary, ihanda mo na ‘yong paliguan ko. Gusto ko mag bubble bath.” “Masusunod po ma’am Ivory.” Magdusa ka David. Pinaghintay mo ‘ko sa labas ng bahay niyo, pwes maghintay ka sa ‘kin sa labas. “ ‘Wag niyong papasukin. Hayaan niyo siya sa labas. Maliligo muna ako,” sabi ko sa kanila bago umakyat sa taas ng kwarto ko. ----- “Pumayag na ba si Dianne na pakasalan ka?” tanong ni Sadik while tossing me the glass of alcohol in his hand. “No brute. For the nth time, tinanggihan niya ‘ko.” “Akala ko ba ayaw mong matali?” “Yeah. May annulment naman so it’s okay.” “So anong plano mo ngayon?” “To get wed? Just like what my old said?” “You wanted that land that much? Na pumayag kang itapon doon?” napailing ako sa sinabi niya. “Itapos is too much.” I said while sipping the wine in my glass. “Living in province is really svcks for me. No party clubs, puro greenery makikita.” “Isn’t it nice? Relaxing?” “Naaah! I prefer to see p*****s in the club.” He’s hopeless. “Bumili ka nalang kaya ng ibang lupa doon?” Sadik suggested. “Brute, kami lang Villaranza, ang may hawak ng malawak na lupa sa Villanueva. So wala akong mapagbibilhan doon kun'di si dad lang din. And I tried that at ilang beses na rin niya akong tinanggihan.” “Sucks!” he commented. “The wala kang choice but to find someone to marry. Iyong easy to negotiate.” “Yeah. I’m thinking that too. If may kilala ka, please tell me. Handa ako magbayad kahit na anong halaga.” “Makaka-asa ka bud. Akong bahala sa ‘yo.” Napailing nalang ako. Sadik can pull this kind of stuff. Him and his connections are jaw dropping. ----- After I take a bath, saka lang ako lumabas. Isa’t-kalahating oras ako sa banyo, dalawang oras nag bihis at nag apply ng skin care sa katawan plus almost one hour na nagsuot ng alahas. So nakaka amaze na nasa labas pa rin siya at naghihintay. “Anong ginagawa mo dito?” tanong ko nang makalapit ako sa harapan niya. “Honey, I’m so sorry. Please, don’t leave me,” pagmamakaawa niya. Nakaka-awa siya. “Sorry pero ayaw ko sa may kahati,” sabi ko habang sinisipsip ang juice na hawak ni Ary. “Sumama ka sa ‘kin hon. Uuwi tayo sa Villanueva. Let’s go back to the province,” aniya. Nakakasuka siya maging kababayan. Kahit pa ‘yong papa niya ang mayor sa bayan namin, hindi ko na siya papatulan pa. Magdusa siya. “Tapos isasama mo ang kabit mo?” “She’s pregnant with my child hon. Please understand,” Anong understand pinagsasabi niya? Hindi ako maintindihin baka nakakalimutan niya. “Umalis ka na David. Nakakasuka ka.” “Hon, please listen to me.” “Shut it! Besides, we're the same. I cheated on you too. So we’re quits.” “What?” hindi makapaniwalang tanong niya. Nginisihan ko lang siya at pumasok sa loob ng bahay kahit na tinatawag niya pa ako. Serves him right.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD