3 - Rejecting Kindness

2183 Words
Alya Maia “AMARIE” Rientes Habang nakapikit ang aking mga mata ay panay naman ang yugyog sa akin ni Yna. Hindi siya makapaniwala sa aking desisyon nang sabihin sa kanya ang aking plano. Alam naman niya ang aking dahilan ngunit gusti niyang pag-isipan ko pa ng isang beses ang aking desisyon. “Gumising ka nga riyan!” sabi niya. Tinalikuran ko siya at tinakpan ng unan ang aking mukha. Agad niyang tinanggal iyon at sinermonan na naman ako. “Tinatanong kita! Sagutin mo ako, Alya!” Sa tono ng kaniyang boses ay alam ko ng naiinis siya. Wala akong nagawa kundi ang umupo sa aking kama, “Yna, sigurado na nga po ako sa aking desisyon. Isang linggo ko na nga pong pinag-isipan iyon!” giit ko. Tumabi siya sa aking tabi, “Hindi naman ako tututol sa iyong desisyon kung iyan talaga ang iyong gusto. Ikaw lang ang aking inaalala.” Niyakap ko ang kaniyang braso at inihiga ang aking ulo, “Magiging masaya po ako kung matutulungan ko ang mga pasyente sa foundation. Aanhin ko naman po ang madaming pera kung wala rin naman po akong paglalaanan, ‘di ba? Sobra-sobra naman po ang aking kinikita kaya hindi naman mo kawalan kung magiging sponsor ako sa ospital.” Pinikit ko ang aking mata, “Nakita ko sa kanilang mga mata kung gaano sila kasaya, Yna. Iyong maramdaman ang pagmamahal sa ibang tao na hindi nila nakuha sa kanilang pamilya.” “Ayan ka na naman! Alam mong ayokong nakikita kang emosyonal sa tuwing pinag-uusapan natin ang mga ganiyang bagay.” Idinilat ko ang aking mata at tumingin sa kaniya, “Hindi naman, ha!” tanggi ko. Ngumiti ako, “Tawagan niyo na lang po si Dr. Kael para personal ko siyang maka-usap.” “Bakit hindi na lang natin siya papuntahin dito sa bahay?” suggest niya. “Mas magiging maayos ang inyong pag-uusapan kung personal kayong mag-uusap.” Tama si Yna pero nag-aalangan naman akong sabihin na iyon talaga ang aking balak na gawin. “Kayo na po ang bahalang mag-set, Yna. Mamayang gabi pa naman po ang aking tapping kaya’t madami pa akong oras.” Tinapik niya ang aking kamay, “Pupuntahan ko siya at dadalhin ko rito. Hindi magiging maganda ang kahihinatnan kung sa labas pa kayo magkikita. Maraming mata ang mga nakabantay sa iyo ngayon kaya’t kailangan nating mag-ingat.” Niyakap ko siya, “Thank you, Yna ko!” pasasalamat ko. “Minumura mo ba ako?” biro niyang tanong na sagot sa aking sinabi. Napahagikgik naman ako sa tawa nang marinig ang kanyang sinabi. Sa unang rinig ay para kasing minura ko siya sa aking pagtawag sa kanyang pangalan. Nang maka-alis si Yna ay sinimulan ko namang mag-inat-inat ng aking katawan. Nang makatayo sa aking kama ay dumiretso na ako papunta sa banyo upang maligo. ‘Bilang isang artista ay dapat palagi kang presentable sa lahat ng tao. Kailangan ay ready ang beauty mo kahit nasa bahay ka lang.’ Binaba ko ang magazine na aking hawak nang marinig na tumunog ang aking cellphone. Si Yna ang tumatawag kaya’t agad kong sinagot iyon, “Papunta na kayo rito?” sagot ko sa kabilang linya. “Yep! On the way na kami, Alya,” sagot niya. “Okay po. Hintayin ko na lang po kayo. Thank you, Yna!” Almost half an hour nang marinig ko ang busina ng kotse sa labas ng aming bahay. Sumilip pa ako sa bintina para lang makasigurado na sina Yna nga ang dumating. Nang mahawi ang kurtina ay nakita ko ang nakatayong lalaki sa labas ng kotse. Hinihintay niya si Yna na makababa roon. ‘His broad shoulder, height, and charming appeal, nakaramdam ako ng kakaibang t***k sa aking puso.’ A few seconds nang maikurap ko ang aking mga mata ay nawala na sila sa aking paningin. “Good morning,” bati ko pagbukas ko ng pintuan. Nagulat naman sila dahil sa aking ginawa. “Sorry!” hingi ko ng tawad. Niluwagan ko ang pintuan at hinayaang makapasok ang dalawa sa loob ng bahay. ‘Thank you for coming, Dr. Kael.” Puno ng ngiti ang aking labi nang muling magsalita. Wala siyang sagot sa akin at seryoso ang mukha na nakatitig sa akin. “Ehem!” sabat ni Yna. “Alya, may-aayusin lang ako sa taas. Ikaw na ang bahala kay Dr. Kael.” Tumingin siya sa lalaki, “Si Alya na ang bahala sayo, Dr. Kael. Please, suite yourself.” Muling bumaling ang tingin niya sa akin. “Sa study room na kayo mag-usap.” “Thank you, Yna!” sagot ko. “Yaya,” tawag ko sa aming kasambahay. Nang makalapit sa akin ay nakisuyo ako, “Pakidalhan naman po kami ng snack and juice sa study room. Thank you, ‘Ya!” lambing ko. “Shall we?” tanong ko sa aking kaharap na lalaki. “Lead the way, Miss Amarie!” Nakaramdam ako ng pagkailang nang tawagin niya ako sa pangalan na iyon. Ngumisi ako at naglakad patungo sa study room. Nasa likuran ko siya at sinusundan ako sa aking paglalakad. Binuksan ko ang pintuan ng study room at hinintay siyang makapasok. ‘Have a seat, Dr. Kael.” alok ko. Magkatapatan kaming nakaupo sa sofa. “Let’s get to the business, Miss Amarie.” “Please, Alya na lang! Hindi ako sanay na tawagin sa pangalan na iyan dahil nandito lang naman tayo sa bahay.” Inayos ko ang aking pagkaka-upo. “Gusto kong mag sponsor sa foundation mo.” “Why?” tanong niya. “Why?” ulit ko. “Hindi ba pwedeng walang dahilan?” balik kong tanong. “Miss Alya, I want to know your real purpose dahil ayokong gamitin mo ang foundation para mas lalong pasikatin ang pangalan mo. I value our patients. We do our best para hindi sila maging mukhang kaawa-awa sa paningin ng ibang tao. So, if your reason is -” Na-offend ako sa kanyang sinabi kaya hindi ko na siya pinatapos sa kanyang pagsasalita. “I’m not!” mariin kong sabi. “Hindi iyan ang dahilan ko kaya gusto kong tumulong. I’ve been - “ Naputol ang aking pagsasalita nang makarinig ang katok sa pinto. Tumayo ako upang buksan iyon, “Pakilagay na lang po sa lamesa.” Ilang minuto rin kaming nagkaroon ng katahimikan sa kwarto. “I’m sorry!” sabi niya. Nahimasmasan naman ako sa kanyang paghingi ng tawad, “Okay lang. Kahit na sino naman siguro ay iisipin ang ganyan dahilan.” Bumaba ang aking tingin sa baso at uminom ng kaunti. Nang makainom ay muli ko siyang kinausap, “Malapit ang mga katulad nila sa akin. I swear, gusto ko lang talagang tumulong.” “Because?” Natahimik ako sa muli niyang pagtatanong. “Ano ba ang gusto mong ibigay kong dahilan?” sarkastiko kong sagot. “Gusto kong magpakatotoo ka, Alya! I’m a doctor. At alam kong may dahilan ka kung bakit gusto mong magpa-check.” Ngumisi ako, “I’m also a doctor. Hindi ko nga lang tinapos.” Huminga ako ng malalim. Alam kong duda na siya sa akin. Isa siyang magaling na doktor kaya’t alam ko na ina-assess na rin niya ako. “Please, ‘wag mong gamitin sa akin ang knowledge mo bilang isang psychiatrist. Hindi naman iyan ang rason kung bakit ka nandito.” Tumayo ako at naglakad patungo sa ibabaw ng lamesa. Kinuha ko roon ang isang tseke na inihanda ko kanina. “Here,” abot ko sa kanya. Napangiwi siya, “Bago mo tulungan ang ibang tao, tulungan mo muna ang iyong sarili.” Tumayo siya, “Thank you for your kindness, Miss Alya.” “Seryoso ka? Hindi mo ba talaga kukunin ito?” Hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi. Hinabol ko siya at sinubukang pigilan palabas ng pintuan. “Hindi ka makaka-labas ng kwarto na ‘to hangga’t hindi mo tinatanggap ito.” banta ko sa kanya. Nawala naman ako sa ulirat nang ilapit niya ang kanyang mukha sa aking mukha, “No!” malambing niyang salita. Para akong nahipnotismo sa kanyang ginawa. Nakatulala lang ako habang pinagmamasdan ang kanyang mukha. He snap his finger kaya bumalik ako sa aking sarili. Natunghayan ko ang magagandang ngiti sa kanyang labi. “If you’ll excuse me, kailangan ko pang bumalik sa ospital.” “Teka!” malambing kong sagot. “Kunin mo na nga kasi ‘to,” pilit ko. Umiling-iling lang siya. “My time is precious, Miss Amarie.” “Fine!” talunan kong sagot. Pinagbuksan ko siya ng pintuan at hinayaang makalabas ng kwarto. Nang madatnan si Yaya sa sala ay inutusan ko siyang tawagin si Yna. “Maupo ka na muna riyan at hintayin lang natin si Yna. Ipapahatid kita pabalik sa ospital.” “Thank you!” nang-iinis niyang tugon. Nakaramdam ako ng pagka-inis nang tuluyan na nga siyang maka-alis. Hindi naman ako makakapayag na basta-basta na lang magpatalo sa lalaking iyon. ‘Hindi ko alam kung ano ang kaniyang dahilan para tanggihan ako.’ Naka-isip ako ng paraan. Dinayal ko ang number ni Irish, “Hello,” tugon ko sa kabilang linya. “Napatawag ka, Madam?” sagot sa akin. “Pahingi ako ng number ni Dr. Kiendra.” ma-awtoridad kong sinabi. “At bakit?” tanong na naman niya. Nawawalan na ako ng pasensya, “Ibibigay mo ba o hindi?” pananakot ko sa kanyan. “Sabihin mo lang para ngayon pa lang ay tatapusin ko na ang ugnayan nating dalawa!” “Hala ka! Tinatakot mo ba ako, Alya Maia?” Pinantayan niya rin ang tono ng aking boses. “Humanda ka talaga kay Yna. Isusumbong kita,” kunwari niyang iyak. “Ise-send ko na lang sayo! Pasalamat ka mahal na mahal kita.” “Alam ko naman iyon! Hindi mo naman ako matitiis, ‘di ba?” Tinawanan ko lang siya dahil sa inaasal niya. “Treat kita ng lunch, ipapadala ko na lang diyan. Thank you. Love you.” Ilang sandali pa nga ay nakuha ko na ang number ng kapatid ni Kael. Hindi na ako nagdalawang isip na tawagan iyon. Nung una ay ring lang ng ring. Sa pang-apat kong pagdayal ay sumagot na siya. “Hello, who’s this?” tanong niya. “Hi, Dr. Kiendra. Si Amarie ito.” pakilala ko. “Amarie? As in Amarie na famous celebrity?” Sa tono ng kanyang boses ay puno na iyon ng galak. “Ako nga. Nahingi ko kay Irish ang number mo” “Wow! Talaga? Flatter naman ako dahil nag-abala ka pang hingin ang number ko. Bakit ka nga pala napatawag?” pag-uusisa niya. “Kailangan ko kasi ng tulong mo. Magdo-donate sana ako sa foundation. Kaya lang ang Kuya mo ay tinanggihan ako.” Sumbong ko. “Really?” hindi siya makapaniwala. “Why?” “Ewan ko sa kanya. Basta ayaw niya lang tanggapin.” “That sound ungrateful!” “True! Pwede bang ideposit ko na lang sa account mo ang pera tapos ikaw na ang bahala na mag transfer sa foundation? Siguradong hindi ka pagdududahan ng kuya mo. Baka kasi kapag nalaman niyang bigay ko, ibalik na naman sa akin.” “Pero wala naman siyang reason para gawin iyon, ‘di ba?” “May saltik siguro ang kuya mo.” dahilan ko na lang. Natawa si Kiendra, “Totoo! Baka nahawa na sa mga pasyente niya.” “O tingnan mo, pati ikaw sumasang-ayon sa akin. O basta i-send mo sa akin ang account number. Basta secret lang ‘to!” “Basta ba friends na tayo?!” “Oo naman.” Wala naman akong dahilan para tanggihan si Kiendra sa inaalok niyang pakikipag-kaibigan. ‘Thank you, Kiendra.” Pagkatapos kong maibaba ang tawag ay napasigaw ako ng, “Yes!” Nakangiti ako habang nire-replayan si Kiendra. “Cut!” sigaw ni Direk. “Good job!” Naglapitan sa akin ang mga staff at ang aking co-workers, “Maaga tayong makakapahinga ngayon!” sabi nila. “Chill-chill muna tayo?” yaya nila. “Oo nga!” sabat ko. “Ang tagal na kayang walang ganap.” “May alam akong bar na pwede nating puntahan. May private booth kaya sure na mag-eenjoy tayo. Ano game?” “Tara na/Let’s go!” sabay-sabay naming sagot. Nung una ay game na game ako, pero nang nasa kalagitnaan na kami ng pag-iinuman ay naramdaman ko ang pagod at antok. ‘Alam ko ang aking limitasyon pagdating sa pag-iinom. Ayoko rin naman magkalat sa mga public places at ibandera ang aking pag-iinom dahil ayokokong mabansagang Lasengera Queen.’ “Nandiyan na ang driver sa parking lot,” sabi ni Yna sa kabilang linya. “Thanks, Yna. Pauwi na po ako.” Pagbaba ko ng aking telepono ay nagpaalam na ako sa aking mga kasamahan na mauuna nang umalis. Gusto nilang ihatid ako pero tumanggi ako dahil nagkakasiyahan silang lahat. Ayokong masira ang kanilang gabi dahil sa akin. Mabuti na lang at madilim ang paligid kaya’t walang nakakilala sa akin. Malapit na ako sa exit ng bar ng makabangga ko ang isang lalaki. Nagkatitigan pa kaming dalawa bago tuluyang lumabo ang aking paningin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD