5 - Facing the Past

2132 Words
Alya Maia “AMARIE” Rientes  “Aray, Yna!” Hinimas ko ang aking braso na pinalo niya. “Ang sakit naman ng palo mo, e!” reklamo ko. “Aba, Alya!” Tumindid siya at dinuro ako. “Kung hindi dahil kay Dr. Kael baka kung ano na ang nangyari sa iyo kagabi?! Paano na lang kung ibang tao ang nakakita sa iyo? Baka pinag pyestahan ka na sa bar na iyon.” “Hindi na po mauulit, Yna!” Tinaas ko ang aking kanang kamay at nanumpa sa kaniyang harapan. “Promise!” Nang ibaba ko ang aking kamay ay muli akong nagsalita. “Kaunti lang po ang ininom ko kagabi. Kaya siguro bigla na lang ako nawalan ng malay ay dahil sa pagod.” Tumayo ako sa aking kama at niyakap siya. “Sorry na po!” Naramdaman ko ang kaniyang yakap. “Basta huwag mo ng hahayaang maulit muli ang nangyari. Ayoko lang na mapahamak ka! Hindi mahalaga sa akin ang iyong image bilang artista kundi ikaw. Ayokong mapahamak ka.” “Opo!” tipid kong sagot. ‘Simula noon ay hindi nagbago ang turing ni Yna sa akin. Sa lahat ng aking desisyon ay nariyan siya para suportahan ako. Nariyan siya para pangaralan at itama ang aking mga pagkakamali. Kahit kailan ay hindi niya pinaramdam sa akin na hindi kami totoong magkadugo. Mula noon hanggang ngayon hindi nagbabago ay kanyang pagmamahal sa akin.’ Nakapatanong ang aking kamay sa mukha upang takpan ang aking mga mata. Pag-gising ko kanina ay masakit na talaga ang aking ulo. Nakakatamad kumilos pero kailangan kong magtrabaho. Kung pwede lang may absent sa taping gagawin ko kaya lang ay hindi maaari dahil hindi lang ako ang maaapektuhan kung hindi pati ang mga iba kong mga ka-trabaho. “Miss Amarie,” tawag ng isang tinig. Tinaas ko ang aking kamay upang makita kung sino ang tumatawag sa akin. Isa siya sa mga crew dito sa studio. Umupo ako mula sa pagkakahiga sa aking folding bed. Inabot niya sa akin ang isang kape at maliit na paper bag, “Deliver po para sa inyo,” nakangiti niyang sabi. “Pero wala naman akong in-order.” Pilit kong binabalik ang inabot niya sa akin pero mapilit din siyang ipinagduldulan iyon sa akin. “Nakasulat po ang pangalan niyo sa card. Baka may nagpapabigay po sa inyo. Alam niyo naman ang dami niyong fans. Ang dami niyo rin secret admirer.” Napabuntong hininga na lang ako nang umalis ng tuluyan ang crew. Binaba ko sa side table ang kape at binuksan ko naman ang small paper bag upang makita ang laman. Hindi ko napigilan mag-crave ng maamoy iyon. ‘Parang ang sarap-sarap.’ “Erie Italian Restaurant?” basa ko sa nakasulat sa paper bag. Napatingin ako sa taong tumayo sa aking harapan at kinuha ang paper bag, “Wow! May pa breakfast ata ang mga fans o admirer?” tanong niya. Isa sa mga co-star kong lalaki. Inirapan ko siya at binawi ang paper bag, “Admirer!” sagot ko sa kaniya. Dali-dali kong kinuha ang pagkain sa paper bag. Uumpisahan ko na sanang kainin iyon nang siya pa ang naunang kumagat. "Kadiri ka, Aaron!” inis kong sabi sa kaniya. “Hahaha! Ang bagal mo kasi, e! Masarap ang Brioche sa Erie kaya dapat bilis-bilisan mo ang pagkain.” “Whatever!” Papaluin ko sana siya nang bigla siyang tumakbo habang tawa ng tawa. Nag peace sign na lang siya sa akin at bumalik sa pagte-taping. Tiningnan-tingnan ko ang tinapay bago kagatin. Kahit may kagat na ni Aaron ay ayaw ko namang sayangin ang pagkain. Kinain ko iyon kasabay ng kape na ibinigay sa akin. ‘Ang sarap, grabe!’ Bawat nguya ay panalong-panalo. Sa bawat kagat ibang linamnam talaga ang malalasahan mo. Naiwan sa ere ang pagkagat ko sa natitirang piraso ng aking kinakain nang tawagin ako ni Direk Almar. “Susunod na ang scene mo Amarie. Mag-ready ka na.” “Opo, Direk.” sagot ko. “Aww!’ Nabigla ako nang maramdaman ang ngipin sa aking daliri. “Aaron!” galit kong tawag sa kaniya. Nginunguya niya ang natitirang pagkain ko na kinain niya. “Palitan mo ‘yan, ha? Nakakainis ka!” “I’ll treat you later,” sabi niya sabay kindat. “Susunod na scene natin, halika ka na!” Hapon na nang matapos ang tapping ko. Tumingin ako sa orasan at nakitang mag a-alas kwatro na pala. ‘Kaya pala kanina ko pa nararamdaman ang gutom,’ sabi ko sa aking isip. Dinayal ko ang number ni Yna upang yayain siyang kumain sa Erie Italian Restaurant pero apahinto ako nang makita ang malaking paper bag na naka hang sa tapat ng aking mukha. “Here!” abot ni Aaron. “Gusto ko pa sanang sabayan kang kumain kaya lang ay may photo shoot pa ako sa kabilang studio. See you, babe!” Ninakawan niya ako ng halik sa pisngi sabay kumaripas ng takbo paalis. Pagdating sa kotse ay binuksan ko ang paper bag. Iba’t-ibang mga klase ng pagkain ang mga nakalagay doon. “Kuya Jeff, miryenda po muna tayo!” yaya ko sa kaniya. “Kakakain ko lang po, Ma’am!” tanggi niya. “Sige na! Hindi ko naman po ito kayang ubusin kaya saluhan niyo na ako.” Pinilit kong inabot sa kanya ang dalawang klase ng pagkain. Isang pasta at pizza. “Salamat po, Ma’am!” “You’re welcome po. Kain na po tayo.” “Tumawag po pala si Yna. Nasa susunod na po siyang location ng tapping. “5:30 pa naman po iyon, Kuya Jeff. Mahaba-haba pa ang oras natin.” Habang nasa byahe papunta sa susunod namin location ay nakatanggap ako ng tawag.mula kay Yna. “Hello, Yna!” “Huwag na kayong tumuloy sa location. Sa pangatlong location na kayo dumiretso dahil nagkaroon ng problema dito sa area. Doon na tayo magkita sa ise-send kong address sayo.” “Nandito na kami sa parking lot, Yna.” “Ha? Huwag na kayong tumuloy dito. Umalis na kayo.” Nagtataka ‘man ako sa inaasal ni Yna habang kausap siya ay hindi na ako nag-urirat pa sa kanya. “Kuya jeff, huwag na daw po tayong tumuloy. Sabi ni Yna sa susunod na location na raw po tayo pumunta.” Kakahinto lang niya sa makina at heto kami aalis na naman. Nag-bwelo na si Kuya Jeff paalis nang may narinig kaming mga pulis na nag-sisidatingan. Kasunod ng mga pulis mobil ang ambulansya. “Ano po kaya ang nangyayari?” tanong ni Kuya Jeff sa akin. “Hindi ko rin po alam, Kuya. Wala naman nabanggit si Yna.” Sagot ko habang ang tingin ay nasa gawi nang mga nagkakagulo na mga tao. Sinubukan kong tawagan si Yna ngunit hindi na siya sumasagot. Dahil sa pag-aalala sa kaniya ay nagpasya akong bumaba at puntahan si Yna. “Ma’am, delikado po na bumaba. Huwag na po kayong tumuloy. Baka magalit po si Yna kung …” Hindi ko na siya pinakinggan at ginawa ko pa rin ang aking gusto. Malapit na ako sa area kung saan dapat gaganapin ang taping. Pinalibutan ng pulis ang buong area. Nang mas makalapit ay doon nakita ko ang dalawang duguang tao na nakahandusay sa daanan. Nang makita iyon ay bigla na lang nag flashback sa aking isipin ang nakaraan. Napatakip ako sa aking tenga at nawala sa aking sarili. “Mamatay ka na!” “Mamatay ka na!” Naramdaman ko ang butil-butil na pawis, panlalamig, at halo-halong emosyon. Naglakad ako papalayo sa pinangyarihan ngunit hindi pa rin nawawala ang takot at kaba na bumabalot sa aking isip at puso. “Amarie?” “Amarie?” “Amarie?” Naririnig ko lang ang mga tinig sa aking tenga nang tuluyan nang bumagsak ako at mawalan ng malay. Nang magising ay nasa isang private room na ako ng isang ospital. “Alya?” tawag sa akin ng isang pamilyar na boses. “Bakit tumuloy ka pa kanina? Binalaan na kita!” “Inaalala kita, Yna. Baka kasi kung ano na ang nangyari sa iyo.” “Maayos ako! Kaya kita hindi pinapapunta dahil sa nangyaring gulo. Iniisip ko na baka pag nakita mo ang mga nangyari ay kung ano na naman ang mangyari sa iyo. Hindi nga ako nagkamali.” Nakita ko ang pag-aalala sa mata niya. Hindi rin siya mapakali. Umupo siya sa aking tabi. “Magpagamot ka na Alya. Habang tumatagal ay hindi nagiging maganda ang kalagayan mo. Agapan na natin iyan hanggat hindi pa lumalala.” Dahil sa kagustuhan ni Yna ay pumayag na akong magpatingin. Ayaw ko na ring bigyan si Yna ng alalahanin. Nang malaman ng production ang nangyaring pagkakahimatay ko ay binigyan nila ako ng dalawang araw na pahinga. Si Yna na ang nagpaliwanag na nabigla lang ako sa aking nakita kaya’t hindi ko kinaya. Hindi naman sila nagduda. “PTSD is a mental illness that is triggered because of a traumatic event - either witnessing or experiencing it.” “Gumaling na ako sa sakit ko na ito, bakit bumabalik na naman?” tanong ko kay Dr. Kael na kaharap ko ngayon. “Because of your work environment,” direktang sagot niya sa akin. “Ano-ano ba ang mga symptoms na nararamdaman o nararanasan mo?” pag-uusisa niyang tanong. “This past few months nahihirapan akong matulog, uncontrollable thoughts kapag naaalala ko ang nangyari. Dumadalas din ang nightmares ko. Sometimes I can control myself, pero dumadating sa point na hindi ko ma-handle.” “Hindi na ako mahihirapan sa iyong magpaliwanag dahil mismong ikaw ay alam mo na ang sakit mo. What we should do right now is magsimula ka na ulit uminom ng gamot at therapy. Hindi mo dapat palalain ang sakit mo, Alya!” “Alam ko.” pagsang-ayon ko sa kaniya. “K-kaya nga ako nandito para magpagamot.” “Good! Now I explain to you the treatments and therapies. Are you ready?” seryosong tanong niya habang nakatitig sa akin. Tumango lang ako sa kaniya bilang pagtugon. “The main treatments I will give are both psychotherapy and medications.” “Bakit kailangan ng psychotherapy? Pwede naman antidepressants lang, ‘di ba?” sabi ko. “Sino ba ang doktor sa ating dalawa? Ikaw o ako?” balik niyang tanong. “We should work together, Alya. Hindi ‘yung ako lang ang gagamot sa iyo, tapos hindi mo gagamutin ang sarili mo.” “My ears are all yours, stop nagging.” “I’ll give you antidepressant to control your emotions. Makakatulong din ang depressant para sa pagtulog mo at maiwasan ang mga nightmares.” “I know! Para maging manhid ako.” sabi ko sa kaniya. Bumuntong hininga siya at nagpatuloy. “For psychotherapy, do you want one-on-one or by group?” “Sa tingin mo?” pabalang kong sagot. “Then, I consider a group psychotherapy?” “Of course, no! One-on-one lang!” sagot ko. Ngumisi sa aking sagot, “Sa umpisa mahirap talagang harapin ang nakaraan, pero kapag unti-unti mong nailabas iyan ay mas giginhawa ang iyong nararamdaman. Our psychotherapy will last up to 12 weeks, but it may last longer depende sa development mo.” “I understand. Ibigay mo sa akin ang schedule mo para makapag-adjust ako.” “No! Give me your schedule at ako ang mag-a-adjust. Okay?” “Okay! Si Yna na ang bahala na magbigay sayo ng aking schedule.” Nagkatitigan kaming dalawa. Para niyang binabasa ang aking isip, “Relax your mind, Alya. Past is past. Kung nakaya ng iba na gumaling, gagaling ka rin. I know it’s hard, but you should focus on your future and not in your past.” “I’m trying, Dr. Kael! Pero hindi ganoon kadali, gaya ng sinasabi mo. Kaya nga nag-aral ako ng medecine para maintindihan ang lintik na nararamdaman ko. Ang daling magsabi ng ganito…ganyan…etc… But no one will understand my feeling dahil hindi ikaw o sila ang naka-expereince.” “Relax, Alya! I’m not your enemy. I’m your doctor. Kung anuman iyang nararamdaman mo ay naiintindihan ko. Hindi naman natin kailangan madaliin ang lahat. While on the process malalampasan mo rin ang lahat.” Umiwas ako ng tingin sa kanya at nilaro ang aking mga daliri, “I’m sorry!” hingi ko ng tawad. “Can I go now?” Gusto ko ng iwasan ang kaniyang mga tanong dahil iba lang ang kahihinatnan nito. “Tatawagin ko si Yna. Kayong dalawa na ang bahalang mag-usap sa schedule. Sa kaniya mo na rin ibigay ang reseta ng gamot na kailangan kong inumin.” Tatayo na sana ako ng pigilan niya ako. “Treat me as your friend, in that way mas madali kang makakapag open-up sa akin.” “I will try!” malamig kong sagot. Hinawi ko ang kaniyang kamay at umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD