Masaya at maingay na sa buong bahay pagsapit ng alas-onse, isang oras at pasko na nga. Humalukipkip ako habang pinanonood sila Samantha sa isang lamesa malapit sa pool. Naglalaro ang mga ito ng beer pong. Tawa sila ng tawa ni Armie dahil pulang-pula na si Cuttie, siya palang kasi ang umiinom. Ni hindi pa natatalo si Sean na siyang kalaban niya. Natatawa na rin sila Tito Tyler dahil sa nangyayari. Nanatili ang mga mata ko kay Armie, at sa mga kamay nitong nakakapit nang husto sa braso ni Xian. Nakahilig pa nga ito kanina. Uminom akong muli sa beer na hawak ko, nangangalahati na ako rito habang tahimik na pinapanood sila sa isang tabi. Naglalaro sa isip ko kung aalis nalang ba ako o mananatili kahit pakiramdam ko ay hindi ako belong. Ngayon ko lang naramdaman ito. Maybe because their f