"Yes, he. Nagawa kong saktan ang isang taong naging sobrang malapit sa akin. Ni hindi ko naibigay ang totoong rason kung bakit ko iyon ginawa sa kaniya. At baka nga katulad mo'y galit rin ito sa mga ginawa ko." She sighed. Dahil wala namang akong ibang taong tinutukoy kundi siya lang. Siya lang ang nag-iisang tao na nasaktan ko at hanggang ngayon pinagsisisihan ko iyon. "It was stupid, really. I was stupid to hurt him." "Wala ka bang balak na sabihan sa kaniya ang rason kung bakit mo siya sinaktan?" Malamig na tanong nito na siyang kinayuko ko. Meron ba? Sa tingin ko alam ko na ang sagot. "I’ve learned my lesson. But I still don't trust him. Hindi ko pwedeng iasa sa kagustuhan ko lang ang buhay ko. Hindi porket siya ang nagpasaya sa akin noon ay masisigurado kong kahit ngayon ay s