"Tulungan mo akong gawing tunay na lalaki ang anak ko Rohws, 'yun lamang ang hinihingi ko sa'yo bago ko ibenta ang lupang sinasabi ng pinsan mo. Sa totoo lang nag-usap na kami tungkol roon pero ayaw ni Zerrah na pumayag na gawin iyon kaya nagulat nga rin ako dahil ikaw ang pinapunta niya rito." Agad na nagulantang si Rohws sa narinig mula mismo sa tatay ni Ken. Akala niya ba tanggap na nito ang pagkatao ng anak? Pero bakit ngayon ay kita sa mukha nito ang pagkabahala. Tiyaka ano raw? Alam na ng pinsan ko na ganito ang kondisyon na hinihingi ni Mr. Madrigal? So bakit pa ako pinapunta rito? E' mukhang napakaimposible naman ng hinihingi ni tito. Wait—kaya ba hindi ito tumuloy at ako ang pinapunta? “Hindi naman siguro natin madidiktahan si Ken lalo't na ngayon pa na may karelasyon na ito