Alam mo ba 'yung pakiramdam na madami kang tanong pero wala kang mahanap na sagot? 'Yun ang nararamdaman ko ngayon at hindi ko alam kung may pagkakataon pa ba ako na maayos ang sarili ko. Hindi ko kasi makalimutan ang mga nangyari, pati na ang malaking kasalanan na ginawa ko. Ang araw na kung saan kinailangan kong kausapin si Rohws ay ang araw na nawala ang ate ko. Imbes kasi na ako ang sasakay sa sasakyan na sumabog noon kasama ang asawa ni ate ay kabaliktaran ang nangyari. Sapagkat sa gabing iyon nagpalitan kami ng katauhan na siyang naging rason upang siya ang umako ng sitwasyon na dapat ako ang naroroon. Pero may kaibahan ba? Sa tingin ko wala. Dahil tila pinapatay rin ako ng konsensyang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko matingnan ang aking pamangkin ng hindi nakakaramdam ng lun