Rohws POV FLASBACK . . . . “Of course not. Nababaliw ka na ba? Bakit ko naman gugustuhin na magkaganito ka?" 'Bakit nga ba?' Iyun ang agad na naisip ni Rohws. Dahil hindi ba't naging madali lamang dito ang saktan siya? Kaya bakit niya pa iisipin na may pake pa ang dalaga sa kaniya? "Kung ako nga lang ang papipiliin mas gugustuhin ko pang pakisamahan ang dating Rohws kaysa ang ganitong pag-uugali na pinapakita mo! Kaya please lang itigil mo na ito Rohws!” Talaga lang ba? Kung talagang gusto nito ang dati niyang pinapakita rito, e' bakit kinailangan pa siya nitong iwan at layuan? Sa tingin ba nito ay mauuto pa ulit siya nito gamit lamang ang mga salita? “Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito Zey. Kaya bakit hindi mo na lang ibigay sa akin ang gusto ko? Dahil ba iniis