Nanlalanta ang aking pakiramdam dahil mas lalo lamang lumalalim ang bawat palitan namin ng halik. At hindi ko maunawaan ang sarili niya ko kung bakit labis na lamang ang aking panghihina, pero alam ko na hindi ko kayang tanggihan ang binata. Hindi ko magawang talikuran ito at itulak sapagkat narinig ko mismo sa bibig nito na tinawag niya ako sa tunay kong pangalan. Tinawag niya akong Briel, isang bagay na matagal kong hinangad. Na baka balang araw magagawa nitong masabi na ako talaga ang mahal nito at hindi si Zey. Sandaling naghiwalay ang aming mga labi at habang hawak pa rin nito ang aking mukha, ay napangiti ako. Pinagmasdan ko ang nakapikit nitong mga mata at ang paraan nang pag-awang ng labi nito. "Zey..." bigkas nito at tila binuhusan ako nang malamig na tubig sa aking narinig.