Flashback "Apo alam kong hindi ako nararapat humarap sa'yo ngayon." Kuyom ang mga kamaong nakatalikod ako rito habang nagkukunwari akong tinitingnan ang tanawin sa labas ng bintana. Kung saan nakikita ko ang hardin na matagal bago nabuo at napaganda ng aking ina. Gaya ng pamilyang ito na matagal na pinilit ng nanay ko na taniman ng pagmamahal pero hindi gaya ng hardin nito ay hindi iyon nagkaroon ng bulaklak at namukadkad. Hindi tumubo ang pagmamahal bagkus pawang mga halaman na may tinik lamang ang tumubo. "Simula nang marinig mo ang nangyari noon, ni hindi mo na ako kinakausap Briel ngunit pitong tao na ang lumipas at matagal na akong nagtitiis apo. Matagal akong naghihintay na mapatawad mo ako—" "Ganoon kadali? Pitong taon at ngayon nandito ka para sabihin na hindi ka makapaghintay?