Kabanata 6

1865 Words
Breathtaking Tinuloy ko ang pagmamasid sa mga obra ni Cindy pero hindi ko mapigilang ibalik ang mga tingin dito na siya na ngayong sumulyap sa akin. Mabilis akong umiwas ng tingin at inabala ang sarili sa mga gown na nasa aking harapan. Hanggang sa maramdaman kong tumayo ito at dahan-dahang naglakad palapit sa direksyon ko. Hi!" he greeted. I slowly nod, I have to admit, he is totally breathtakingly hot, with angular face, dark brows and expressive pair of eyes, fine nose and heart shape lips. Pansin ko ang pirming nginiti nito na hindi inaalis buhat pa kanina. "What's that smile for?" Naiirita kong itinanong. "Nothing.. It's just a small world." I rolled up my eyes and ignored him. "Ganyan ka ba talaga ka sungit?" Mas lumawak ang ngiti nito sa akin. "Masungit lang ako sa mga feeling gwapo at antipatiko na katulad mo." I twitched my lips at my remark. Umigting ang panga nito sa akin bago tumalikod at naglakad patungo sa front desk. Sinundan ko ito ng tingin na ngayo'y kausap si Lenny, sa tingin ko ay nagkaka-igihan ang dalawa base na rin sa maharot na pagtawa ni Lenny na tila sila lang ang tao sa loob ng boutique. I rolled up my eyes again and removed my sunglasses impatiently. Inumpisahan ko ng humakbang palabas ng boutique. "Ma'm. Margaux aalis na po ba kayo?" Lenny asked me with the big smirk on her face. Matalim ko siyang tiningnan, matapos ay sa lalaking antipatiko na tila hindi nawawala ang ngisi sa labi. "Oo, siguro sa ibang araw nalang ako magpapa sukat ng gown, may biglaan kasi akong meeting." I slothfully said. "Ah, ganoon po ba? Sige po sabihan ko nalang po si ma'am pag dumating, ingat nalang po kayo," aniya na maluwang pang ngumiti sa akin. Tuluyan na akong lumabas dala ng iretasyon. Pabalang kong binuksan ang pinto ng aking kotse at padabog na pumasok doon. Ilang minuto pakong naka tingin lang sa daan. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, bigla akong nakaramdam ng inis sa eksenang nakita kanina. Kinalma ko muna ang sarili bago ko binuhay ang Ignition para magulat sa sunud-sunod na katok sa bintana ng aking kotse. Si Cindy ang sumilip mula doon. Mabilis ko naman binaba ang bintana, "Margaux, saan ka pupunta? Diba ngayon ka magsusukat ng gown?" Kunot ang noong tanong nito sa akin. "May biglaan kasi akong meeting kaya puwedeng next time nalang ako magsukat, tutal nad'yan naman si Lawrence siya nalang muna ang sukatan mo." Madiin kong sinabi na hindi makatingin sa kanya ng diretso. "Oh my God, nakilala mo na s'ya? ano masasabi mo? Diba ang gwapo?!" Sunod-sunod na tanong nito na kinikilig pa. Oo gwapo nga at malandi, "Ah, yes, na meet ko na siya." I replied, bago buhayin muli ang makina ng kotse. "Wait, talaga bang hindi ka magpapasukat ngayon?" she asked with wrinkle brows. Nakaramdam naman ako ng guilt dahil sa totoo lang wala naman talaga akong meeting na pupuntahan gusto ko lang umiwas sa eksena kanina. "Alright, I will cancel all my meetings for today at magpapasukat ako ngayon." Sabi ko na pinatay muli ang ignition saka lumabas ng sasakyan. Nagliwanag ang mukhan nito at niyakap ako ng mahigpit, "Kaya love na love kita e." "Good morning Ma'am!" everyone greeted her when we enter the boutique. "Morning.." "Ma'm, Margaux akala ko po naka-alis na kayo?" Nagtatakang tanong ni Lenny sa akin. "Nagbago ang isip ko." sagot ko dito na siyang tipid na ngumiti. "Hi, Lawrence, kanina kapa?" Abot-abot ang ngiti nito sa kaharap. "Hindi nama, kadarating ko lang," he said in his husky voice. Humakbang pa ito para gawaran ng halik ang pisngi ni Cindy bago sumulyap sa akin. Isang hagikgik na pagtawa naman ang iginanti ni Cindy dito na siya ko lang inirapan. *** I could feel the heat stare of Lawrence behind my back. Pakiramdamam ko tuloy ay pulang-pula ang mukha ko habang sinusukatan ng gown. Sinulyapan ko ito, and the heat comes out from his made me uncomfortable. "Feeling ko type ka ni boylet." Bulong sa'kin ng coordinator ni Cindy. "Hindi ko s'ya type!" Pagtanggi ko dito. "Sus, e kanina ko pa napapansin panay rin ang sulyap mo." Tudyo nito sa akin. Hindi nalang ako nag komento sa bagay na 'yon dahil aminado naman ako sa sinabi niya. Matapos i-fit ang gown at magsukat ng ilan pa ay sa wakas nakapili na rin si Cindy ng susuotin kong gown. "Aright, you will be wearing a baby pink heart shape corset gown. Paniguradong angat ang ganda mo sa gabing 'yon." I shook my head, "Ayos lang naman sa akin kahit hindi bongga, besides it's your wedding day not mine." "Bestie naman, I want you to be the most beautiful next to me, dahil alam kong deserve mo 'yon at wala silang magagawa dahil kahit basahan pa ang isuot mo, titingkad at titingkad ang ganda mo," aniya na tila pinapalubag ang loob ko. "Gusto ko, ikaw ang mag suot ng pinaka-maganda kong obra, because you deserve it." Ngumiti ako sa tinuran nito, napaka swerte ko nga na s'ya ang naging bestfriend ko, kahit na sa unang pag lkikita palang namin ay na wierdohan na ako sa kanya dahil sa pagka immature niya pero ngayon I'm proudly say that she is my best friend. "Lunch na pala, tara sabay-sabay na tayong mag-lunch," wika ni Cindy. Siniko ko s'ya at pinandilatan ng mata ngunit parang wala itong balak magpatinag sa akin. "Lawrence, sumabay kana sa amin mag-lunch," Patuloy nito. "Sure no problem." Lawrence responded. Inumpisahan na nitong tumayo. "Then, let's go!" Maagap na sinabi ni Cindy at walang pasabing ginagap ang kamay ko palabas ng naturang boutique. Sa isang sikat na restaurant kami inaya ni Cindy. Nag simula na'ng dumating ang in-order namin pero 'di pa rin maawat ang bibig nito kaka-tanong kay Lawrence. "Mahilig ka pala talagang business, ako medyo focus muna sa pagiging fashion designer kesa sa family business namin, which is kinda boring." She rolled her eyes on him. "Pero itong si Margaux, tutok din yan sa family business nila, sigurado akong mag kakasundo kayo nito." Bumaling ito ng tingin sa akin na siyang pinanlakihan ko muli ng mata pero wala pa rin epekto dito. "Really? It's good to hear that. I actually manage my own resort." ani ni Lawrence na sa akin na naka-tuon ang pansin. Pakiramdam ko ay nag-init ang dalawang pisngi ko dahil sa maiinit nitong pag titig sa akin. "I heard the up coming event of Collin's hotel." Saka ito sumubo ng pasta na in-order niya. "Ah.. yes three months from now pa naman 'yon kaya marami pang time para maghanda." Tipid kong sinagot. "Great, so you two can work together. Kilala kasi ang Saavedra catering services pagdating sa malalaking event, they serve a high class food and beverages." Sabat muli ni Cindy. "I think that's a good idea!" Lawrence agree. "Of course it's a brilliant idea!" pagsang-ayon din dito ni Cindy bago maluwang na ngumiti sa akin. "Si dad kasi ang nag aasikaso ng lahat." Pag tanggi ko, ngunit ang totoo ay ako talaga ang inatasan ni daddy para sa event, "But I'll try what I can do, I will inform dad about it," Pinili ko pa rin sabihin. Tumango tango lang ito sa akin bago bumalik na sa pagkain. Hindi pa man kami nagtatagal ay biglang may isang babae ang lumapit sa amin. "Baby?" Lawrence shock with an unexpected forth coming. Halos masamid ito habang umiinom ng juice. "Teriss, what are you doing here?!" he surprisingly said. "Why aren't you answering my calls? I was worried about you! That's why, I fly back here in Manila!" Pa-islang nitong sagot at walang pasabing humila ng silya pa-upo katabi nito. Hindi naman agad nakapagsalita ang kaharap nito. Tila gulat pa rin sa babaeng dumating. Hindi ko maiwasang pagmasdan ang babaeng kaharap namin ngayon. Matangkad, balingkinitan ang katawan, kulay mais ang buhok, masusutlang kutis, at medyo revealing manamit. Naka-mini skirt lamang ito at naka spaghetti strap top. Cindy cleared her throat para agawin ang pansin ng dumating. "Oh, you have a company?" she exclaimed, tila ngayon lang kami nito napansin na siyang nagbaba ng sunglasses na suot. "Yes, actually, this is Cindy, Carrick's fiancée and her friend, Margaux." Pakilala ni Lawrence sa amin. "This is Teriss Mondragon a friend of mine." Sumulyap lamang ito sa akin bago humarap kay Cindy, "So you are the beloved fiancée of Carrick, I'm glad to finally meet you!" Ginagap nito ang kamay ng huli. Hinila naman agad ito ni Cindy na tila hindi konmportable sa kanyang ginawa. "So would you mind if I join you guys?" she excitedly said, hindi na kami hinintay pang sumagot dahil sumenyas na ito sa waiter. Wala na kaming nagawa kundi ang magkatinginan ni Cindy bago ito umiling sa akin. Mabilis na namin tinapos ang pagkain at nag pasyang mag paalam na sakanila dahil wala pa atang balak iwan ng babaeng ito si Lawrence. Nang makalabas sa restaurant ay hindi na napigilan ni Cindy ang mapa-buga ng hangin sa ere. "Sino ba yong babae na 'yon? She ruined our lunch!" Naiirita nitong sinabi. I blew out a sigh, "Hayaan mo nalang." "Look best, 'di hamak na mas maganda at sexy ka pa dun no! Nakasuot lang siya ng revealing clothes, pero panis pa rin siya sa beauty mo!" Paghihimutok nitong sinabi. I laugh a bit at her remarks and shake my head. "At natatawa ka pa? Harap harapan niyang nilalandi si Lawrence, no!" she frustratedly said. "Ano naman gusto mong gawin ko? besides magkakilala naman sila at 'di naman kami mag boyfriend no! Tigilan mo nga ang karereto mo sa akin pwede?" I said, tinalikuran ko na ito para sumakay sa sariling kotse. "Okay, fine! Pero wala akong tiwala sa itsura non." Matapos ay tumulak na paalis. Diretso na rin akong umuwe sa condo at nahiga sa kama para sana magpahinga nang tumunog ang aking cellphone sa night stand. "I'm sorry for what happened earlier," anang nagpadala ng mensahe. Nagtataka man ay may pantaha naamo kung sino 'yon. "Saan mo nakuha ang number ko?" I replied. "Kay, Cindy.." Humawak ako sa sariling noo bago madiin na nag-type ng reply. "Okay.." I texted back. Pumikit na ako at naghanda na sa pagtulog nang muli itong tumunog. "Are you mad?" he asked. Napa labi ako bago ako muling mag-type. "No, I'm not." reply ko. "Sorry, kung kinuha ko ang number mo nang walang paalam." he texted again. "No problem its just a number.." Mabilis mong reply dito. "I know we don't have a good start, pero pwede naman siguro tayong maging magkaibigan?" I lick my lower lip, sandaling nag-isip ng ire-reply sana dito nang muli itong mag text. "It's okay if you don't want to." He texted back. Napa-hawak ako sa sariling noo dahil sa sunod niyang sinabi. Wala naman masama kung makikipag kaibigan ako sa kaniya pagkatapos ng nangyari sa pagitan namin. "Sure no problem." Sa wakas ay reply ko sa kanya. "Thanks!" He replied back. Wala sa loob na ngumiti ako at pinatay na ang aparato bago pinasya ng matulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD