Kabanata 1

1519 Words
PINAGSALIKOP ko ang aking mga palad sa loob ng bridal car. Hindi mawala ang kaba sa aking dibdib habang naghihintay. Mataman akong nakatingin sa mga tao sa loob ng simbahan na tila nagkakagulo. Maya-maya pa’y lumapit ang aking Mommy Letizia sa limousine na sinasakyan ko. Bakas ang pagkabalisa sa mukha niya. “Hija, anak!” tawag niya sa pagitan ng mga katok sa bintana ng kotse. I slowly rolled down the window for her. “Mommy, ano po’ng nangyayari?” Tila hindi siya mapakali at lumingon-lingon muna sa paligid. Doon na ako kinabahan. Umayos ako ng upo at muling nagsalita. “Mom!” “Hija, wala pa kasi si Lester. Dapat ay kanina pa siya nandito. Mag-iisang oras na siyang late,” she said. “Baka po na-traffic siya o baka nasiraan? Subukan ko pong tawagan,” I said quickly and nervously fished the phone inside my clutch bag. Nakapatay ang phone ni Lester. Ayokong isiping gagawin niya ito, pero iisa ang pumasok sa isip ko: hindi siya darating! Nabitiwan ko ang phone ko at agad na lumabas ng sasakyan. Wala akong pakialam kung pagtinginan man ako ng mga tao sa loob ng simbahan. Agad akong lumapit sa mama ni Lester at mahigpit siyang niyakap. “Ma, hindi ko po ma-contact si Les . . .” I said between my rapid breathing. Ginagap niya ang dalawang kamay ko. “Hija, kanina pa rin namin hindi ma-contact ang cell phone niya.” Umiling-iling ako. “He can’t do this to us, Maricar. Hindi niya tayo puwedeng ipahiya sa mga tao dito!” galit na sambit ni Don Simon, ang papa ni Lester. Lalong lumakas ang t***k sa aking dibdib. Lumabas ako ng simbahan. “No. Panaginip lang ito,” I whispered. Mariin akong pumikit at kinurot ang aking braso. Pakiramdam ko ay bumagsak sa akin ang langit at lupa. Namuo ang luha sa aking mga mata. “Sabi mo, mahal mo ako? Nasaan ka na?” nanlulumo kong sambit. Lumapit sa akin si Cindy, ang matalik kong kaibigan. Niyakap niya ako nang mahigpit at umiyak na rin tulad ko. “Margaux, huminahon ka. Baka na-late lang talaga si Lester,” wika niya habang hinahagod ang aking likod. Mabilis ang ginawa kong paglingon. Pinahid ko ang aking luha, matapos ay inilahad sa kaniya ang aking palad. “Where’s your key?” “Saan ka pupunta? Just wait a little more. Baka dumating pa siya,” she insisted, tila hindi nawawalan ng pag-asang darating pa si Lester. “Ibigay mo sa akin ang susi mo!” I shouted. Napabuntonghininga siya bago muling nagsalita. “Sa lagay mo ngayon, siguradong hindi ka makakapag-drive nang maayos. I will drive for you.” “Just give me your f*cking key!” malakas at madiin kong sigaw. Tila nabigla si Cindy sa tinuran ko at napaawang ang labi sa akin. Sa huli ay inabot niya ang kaniyang susi habang nasa mga mata ang matinding kaba. I heard my dad called me. “Margaux, anak!” Sinulyapan ko lamang si Dad bago ako tumakbo patungo sa kotse ni Cindy. Nakita ko ang tangka nilang paghabol ngunit pinaharurot ko ang sasakyan paalis. Ni hindi ko alam kung saan ako pupunta. “I’m so sorry, Mom and Dad,” I whispered. Pinunasan ko ang mga luhang patuloy na pumapatak. Alam kong na-disappoint ko sila sa pagkakataong ito. Kung puwede ko lang sanang ibalik ang oras ay hindi ko gugustuhing mapahiya sila sa harap ng maraming tao. “F*ck you! B*stard!” sigaw ko. Kung kailang handa na ako, kung kailang gusto ko nang bumuo ng pamilya kasama siya ay saka pa niya ito ginawa. Ano ba’ng nagawa kong mali sa relasyon namin? Sobrang sakit. Hindi lang dahil napahiya ang pamilya ko sa harap ng maraming tao kundi dahil pinagmukha niya akong tanga. Wala akong maisip na dahilan kung bakit niya ito ginawa. Sa tatlong taon na pagsasama namin ay masasabi kong smooth ang relationship namin. Madalas siya pa mismo ang nag-e-effort dahil sa sobrang busy ko sa trabaho. Siya rin ang nangulit na magpakasal na kami dahil ako na raw ang ihaharap niya sa dambana. P*tris na dambana ’yan! Mariin akong bumusina sa biglang nag-overtake sa akin. “F*ck you! You godd*mn b*stard!” Laking gulat ko nang biglang huminto ang sasakyan sa harapan ko. “Stupid!” I blurted out bago magpreno. Agad akong bumaba. Naka-gown ako but the hell I care! Kinatok ko ang halos kalahati lamang na bukas na bintana ng sasakyan at humalukipkip. “Hoy, kung sino ka mang nasa loob niyan, lumabas ka riyan! You don’t own this road at wala kang karapatan na bigla na lang huminto sa gitna ng kalsada matapos mong mag-overtake!” I shouted with rage. Ganoon na lang ako umatras nang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang matangkad na lalaking naka-sunglasses. He was breathtaking in his white polo shirt and dark pants. Subalit bigla akong nahimasmasan dahil sa busina ng mga sasakyan sa likuran namin. “Pakasalan mo na kasi para hindi ka hinahabol sa kalsada!” sigaw ni Manong Driver na ngumingisi sa amin. Pati ang mga pasahero sa jeep ay natatawa. May mga nagkukurutan sa kilig. Are they serious? Akala nila iniwan ako ng lalaking ito sa kasal namin at naghahabol ako? May nang-iwan talaga sa ’kin pero hindi ang mokong na ito. Inirapan ko ang mga nanonood at hinarap ang lalaking nakapamulsa habang nakahilig sa pinto ng kaniyang kotse. “Mr. Whatever, akala mo kung sino kang basta na lang hihinto sa gitna ng kalsada! Paano na lang kung hindi ako agad nakapreno? Eh ’di nabunggo na ako sa kotse mo?!” Gusto kong ilabas ang lahat ng sama ng loob ko kahit alam kong may kasalanan din ako sa nangyari. Hindi naman ito nagsalita. Aghh . . . antipatikong lalaki! Nagbuga ako ng hangin at naniningkit ang matang tumitig sa kaniya. “Are you deaf or something?” “Wala akong nakikitang masama sa ginawa ko. Ikaw pa nga ang may mali dahil sa pagmumura mo sa akin,” he said while crossing his arms. “Excuse me? So ako pa pala ang may kasalanan?” I heard him curse while clenching his jaw. Ilang beses din siyang lumunok. Bahagya akong natigilan habang nakatingala sa kaniya, lalo pa nang bigla siyang humakbang palapit. “You’re the reason why I’m late, Miss Runaway Bride,” he whispered. I swallowed hard. What did he just say? Nag-init ang dalawang pisngi ko sa gigil. “Ako pa ngayon, eh ikaw itong walang pakundangang huminto sa gitna ng daan! Isa pa, hindi ako runaway bride, ’no!” Tumikhim muna siya bago nagsalita. “Mukha namang walang damage ’yang kotse mo. Unless . . . gusto mong magpabayad, ’di kaya?” “Aba’t—” Sasagot pa sana ako pero biglang lumapit sa amin ang isang traffic enforcer. “Ah, mawalang-galang na nga po. May problema ho ba dito?” tanong ng lalaking nakauniporme at naglabas ng pang-ticket niya sa amin. “No, nothing. We’re just having a small talk,” the man in sunglasses confidently said. His hands were now inside his pockets. “Kung ganoon po ay baka puwedeng tumabi kayo dahil nakakaabala na kayo sa daloy ng trapiko,” naiinip na sabi ng enforcer. Nakita ko pang sinipat niya ako ng tingin. “It’s okay. I have a meeting to attend to so I better be going,” ani ng antipatiko bago tapikin sa balikat ang enforcer. He turned his gaze at me before he shrugged his shoulders. “Ikaw naman, miss, baka ma-late ka pa sa kasal mo. Sayang ang gown at makeup mo kung tatakbuhan mo lang. Ikaw rin!” Tatawa-tawa pa siya matapos ay umiiling na sumakay ng kotse. Napangiwi ako dahil sa kaniyang tinuran. Pinaharurot ng antipatikong lalaki ang sasakyan niya at inilabas pa ang kamay sa bintana para kumaway. “F*ck you, b*stard!” sigaw ko. Wala na akong nagawa pa kundi bumalik na lang sa loob ng sasakyan ko. “May araw ka rin sa akin, mayabang na lalaki ka!” Deretso na akong umuwi ng condo at doon ibinuhos ang sakit at sama ng loob sa nangyari sa simbahan. Hinubad ko ang aking gown. Mapait ang ngiti ko nang itapon ito sa basurahan. Pumasok ako sa banyo at hinayaang umagos sa katawan ko ang tubig na nagmumula sa dutsa. Kasabay niyon ang pag-agos ng masaganang luha. Isang oras akong ganoon bago ko maisipang magbihis. Dahan-dahan akong humiga sa kama habang iniisip ang nangyari sa simbahan, dahilan para pumatak muli ang luha sa aking mga mata. Wala na akong ibang nararamdaman sa puso ko kundi puro sakit. Napabangon ako nang marinig ang pagkatok nina Cindy at Mommy sa labas. Nakikiusap silang buksan ko ang pinto. Hanggang sa mawala ang ingay sa labas. Marahil ay nanawa sila o baka piniling bigyan ako ng panahon para mapag-isa. Ilang oras din ang ginugol ko sa pag-iyak bago ako hilahin ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD