HIGH SCHOOL DAYS
Maezie's POV
"Good afternoon tita," bati ni Cedric kay mama nang makapasok kami sa gate ng bahay. Busy si mama sa kaniyang mini garden. Kaya naman ang buong bahay ay puno ng mga namumulaklak na halaman.
"Good afternoon din, iho. Oh anong nangyari d'yan?" tanong ni mama nang mapansin niya ang aking hitsura.
Napapangiwi kasi ako sa sakit ng aking puson.
"May bwisita po siya," sagot ni Cedric habang kakamot-kamot sa kanyang ulo. Nagpatuloy kami sa paglalakad papasok ng bahay.
"Bwisita? Sinong bwisita?" kunot-noo namang tanong ni mama habang nakahabol ng tingin sa amin ni Ced.
"Meron po ako, ma," nakangiwi ko pa ring sagot.
"Kumain na lang kayo d'yan. May mirienda akong niluto."
"Opo."
Nakapasok na kami ng bahay at sinalubong agad ako ng aking cutie tabachingching na 5 year old younger brother.
"Ate!" Yumakap siya kaagad sa aking mga binti. "Andito ka uyit?" masungit niyang tanong kay Ced.
"Oh bakit? Lalaban ka sa akin?" maangas namang tanong ni Cedric sa aking bunso na may kasamang panlalaki ng mga kanyang mata.
Parang natakot naman ang bata at nagtago pa sa mga hita ko.
"Hindi po. Paya nagtatanong 'yang eh," nakanguso niyang sagot.
"Bago ka magtanong ayusin mo muna 'yang pananalita mo, ha. Bulol ka," masungit niyang sabi sa bata. Bully talaga 'tong kumag na ito eh. Pati bata pinapatulan.
Hindi na nakaimik ang aking kapatid at napapahikbi na siya. Namula na ang kanyang mga pisngi at ilong. Pati ang kanyang mga mata ay nagluluha na rin.
Pasimple kong kinurot sa tagiliran si Cedric na katabi ko lang naman. 'Yung hindi makikita ni Jr.
"Aray," pabulong niyang daing tapos umupo sa sofa at binuksan ang kanyang bag.
May inilabas siyang medyo malaking box. Kaya naman pala parang ang laki-laki ng bag niya ngayon eh.
"Come here. May pasalubong ako sa 'yo," tawag niya kay Jr na nakakapit pa rin sa mga hita ko.
Pero hindi kaagad lumapit sa kanya si Jr. Takutin ba naman niya eh.
"Halika dito. Hindi mo ba naaamoy ang ate mo? Ang baho niyan. May dugo. Nakayakap ka pa sa hita niya eh akin lang 'yan," pabulong na 'yung tatlong word na sinabi niya.
Sinamaan ko siya ng tingin at ngumisi lang naman siya sa akin.
Binuksan niya ang box at inilabas doon ang isang kulay red na kotse with remote control.
Ramdam kong lumuwag ang pagkakayakap ng maliliit na kamay ni Jr sa aking hita.
"Oh see? Naku, ang ganda nito. Pag ayaw ni Jr, ibibigay ko na lang ito doon sa kapitbahay niyo. Ano nga ulit ang name noon?" tanong niya habang itinaas-taas sa ere ang kotse at parang pina-i-inggit kay Jr.
"Nonoy. May yayuan na 'yun eh," sagot ni Jr habang lumalapit na ng dahan-dahan kay Cedric.
"Oh eh, 'di magiging dayawa na ang yayuan niya. Tapos ikaw ay wayang ganino," panggagaya niya sa pagsasalita ni Jr. Natatawa tuloy ako sa kaniya dahil nagmukha siyang ngongo.
Napahikbi ulit si Jr at tuluyan ng lumapit sa kaniya. Kumalong pa ito kay Cedric. Todo pigil sa pagtawa ang magaling kong boyfriend.
"Waya akong ganyan eh," nakangusong sabi ni Jr habang titig na titig sa laruan na hawak ni Cedric.
"Eh tayagang waya kang ganyan. Ako meyon. Gushto mo ba ito?"
Tumango naman kaagad si Jayar.
"Apir muna." Itinaas niya muna ang palad niya sa harap ni Jr. Nagliwanag naman kaagad ang mukha ng bata at mabilis na nakipag-apir kay Cedric.
"Bati tayo ha. Huwag mo 'kong niaaway. Babawiin ko 'yan."
"Opo! Thank you po!" masayang sigaw ni Jr at mabilis inagaw ang kotse sa kanyang kamay.
"Oh dito ka muna. Huwag kang maingay ha. Ihahatid ko lang ang ate mo sa kwarto niya. Atin-atin lang 'yun," bulong niya kay Jr at ibinaba ito. Kumindat pa siya sa akin.
Inerapan ko lang siya. Kung ano-anong kalokohan.
Ibinaba na niya si Jayar sa sofa at lumapit sa akin.
"Halika na. Gagawa tayo ng pangalawang J-aray!" natatawa niyang daing nang hampasin ko siya sa braso.
"Puro ka kalokohan," sabi ko at nauna na akong umakyat sa itaas. Ramdam ko naman ang kanyang pagsunod.
"Hindi ako marunong magluko, babe. You know that," aniya sabay hapit sa aking baywang at magkasabay kaming umakyat ng hagdan.
"Sinabi mo eh."
First year high school noong maging close kami at diretso ligaw na rin niya. Second year highschool noong sagutin ko siya. At ngayon ay third year na kami at mahigit one year na rin ang relationship namin.
Okay naman siya. Ni minsan ay hindi ko pa talaga nalamang nakipaglapit siya sa ibang girls. Binu-bully, oo. Ganun siya. Mahilig siyang mam-bully kahit lalaki man o babae yan.
Wala namang makaalma sa kaniya dahil binabasag niya talaga ang mukha ng mga ito kapag sinubukan nilang lumaban.
Sa akin naman ay para siyang tatay, kuya, asawa, kaibigan at boyfriend.
Para siyang tatay kung pagsabihan ako, kailangan masunod. Para siyang kuya ko kasi minsan ay kinokutongan niya ako. Kainis! Para siyang asawa ko kasi kung makayakap, halik, hawak dito, hawak doon, akala mo ay mag-asawa na kami. Pero hawak-hawak lang naman ang kanyang ginagawa. Bawal pa ang duguan.
Para siyang kaibigan ko kasi minsan inaalaska niya rin ako at para siyang bestfriend na nag-o-open ng mga problem niya. And lastly, boyfriend. Sobrang sweet at bantay sarado niya ako lalo na kapag nasa school kami or kapag may mga trippings or outings kami.
Walang pwedeng dumikit sa akin na kahit sino. Si Selenah lang talaga ang pinapayagan niyang kasama ko dahil may pagka-inosente at pagkatanga daw 'yung babaeng 'yun. Oh diba, kahit bestfriend ko ay binubully niya. Minsan nga ang tawag niya don ay monggoloid.
Sira-ulo talaga.
Pagdating namin sa silid ko ay dumiretso agad ako ng banyo para maglinis ng aking dinuguan. Naiwan sa kama si Cedric at siguradong nakahiga na 'yun at nangangalkal sa aking phone.
Kung ano-anong ginagawa sa phone ko. Minsan makikita ko na lang na puno na ng kanyang selfie. May nakadila, may nakaangas, may pa-cute, may papogi, may naka-wacky. Ganyan siya kakulit.
Pero ang lahat ng kanyang pag-uugali ay wala akong reklamo. Tanggap ko ang lahat sa kaniya. Ganoon ko siya kamahal.
Though bata pa naman kami. Pareho lang kaming 15. Kaya hindi ko pa rin masabi kung true love na ba ito or is it just a puppy love.