CHAPTER 8 BABAERO

1114 Words
GRADUATION PARTY CELEBRATIONS "Kumain ka lang ha. Huwag kang mahihiya, wala ka naman no'n e-aray!" Kinurot ko na sa tagiliran ang makulit kong boyfriend pero sa huli ay humalakhak pa rin at saka muling lumapit sa akin. "Bakit ka ba nangungurot? Gusto mong makagat?" pangungulit pa rin niya habang kami ay nasa harapan ng pagkain at nasa harapan ng aming mga magulang. "Ang kulit mo. Mahiya ka nga," mariin kong bulong sa kaniya. Kanina pa kasi nila kami pinagtitinginan at kanina pa rin sila nagngingitian sa amin dahil kanina pa ako hinaharot nitong si Cedric. Okay lang sana kung kami lang dalawa eh ang kaso maraming tao ang nakakakita sa mga kaharutan namin. "Why am I? You're my girlfriend. Ipinagmamalaki ko at ipinagsisigawan sa buong mundo na ikaw ang girlfriend ko at pinakamamahal ko," saad niya na tila proud na proud. Naiiling-iling na lang habang may ngiti sa mga labi ang kaniyang parents habang nakatingin sa amin. "Mukha talagang tuluyan na tayong magiging magbalae nito ano, pare?" sabi ni tito Liandrake kay papa. Magkumpare sila dahil inaanak ni tito Liandrake at tita Cecil si Jr. Since kinder pa lamang kasi kami ni Cedric ay nagkakilala na ang parents namin sa tuwing inihahatid kami sa school at every activities ay nagkakasama at nagkakakwentuhan sila kaya naman habang tumatagal ay lumalim na rin ang kanilang samahan. 'Yong lolo lang talaga ni Cedric ang kaiba sa lahat. "Kung walang magiging problema, pare eh bakit hindi?" sagot naman ni papa. "After nilang maka-graduate, siguro ay pwede na silang magpakasal no'n," saad naman ni tita Cecil. "Kung anong magiging desisyon nila. Sila pa rin naman ang masusunod, mare," sagot naman ni mama. "Tuwang-tuwa?" bulong ko kay Cedric na ngiting-ngiti sa aking tabi dahil sa kaniyang mga naririnig. "Aw.." daing ko nang pisilin niya ang aking ilong. "Kunsabagay, hindi na rin kami makapaghintay ng little Cedric na makulit na tatakbo-takbo dito sa mansion," tila excited na wika ni tito Liandrake. Isang ingay ng tila nalaglag na kubyertos ang nakaagaw ng atensyon naming lahat. "Ahm, sarrey," maarteng sabi ng babaeng anak daw ng kanilang business investor. Narito pa rin sila at kasama namin sa hapagkainan. Ang kwento ni Cedric ay naging malapit daw kasi sa kanila ang pamilya kaya palagi nila itong nakakasama. Tinanong ko siya kung bakit hindi na lang ang babaeng 'yan ang kaniyang niligawan pero ang sagot niya ay, 'Bakit ko siya liligawan, kung ikaw naman mahal ko?' Tsk. Kanina pa ako tinataniman ng mga masasamang tingin ng babaeng ito. Akala naman niya ay aatrasan ko siya. Ipinanganak yata akong palaban. Ano pa't pagpupulis ang aking pinangarap? "Sorry for our daughter's behavior. Matagal na kasi niyang crush iyang si Cedric kaya siguro ay nasasaktan din naman siya sa kanyang mga naririnig at nakikita," sarkastikong sagot ng kanyang ina. "Mom," saway sa kaniya ng anak. Ang kaniya namang daddy ay tumighim lang at uminom ng tubig. Natahimik kaming lahat at walang nagtangkang sumagot. "So paano, we have to go. It's getting late. Liandrake and Cecil, thank you so much for inviting us. Congratulations, Cedric. Goodluck sa susunod na pag-aaral. Mas pagbutihin mo pa," pamamaalam ng kaniyang daddy. "Thank you din po. Ingat po kayo," sagot ni Cedric. "Ahm...Ced, pwede mo ba kaming ihatid? I j-just have somethin' i wanna tell yah'," maarte niya pa ring sabi. Tumingin sa akin si Cedric. 'Yong tingin na nagpapapigil. "Let's go, Thalia, Tanya. Excuse me guys, we really have to go." Nauna nang tumayo at lumabas ang kanyang daddy. Ang kaniya namang ina ay sumunod na rin na hindi na umiimik at hindi na rin nagawang magpaalam. Samantalang ang babaeng ito ay nakatitig pa rin kay Cedric at naghihintay ng pagpayag. Hindi talaga yata siya aalis hangga't hindi siya hinahatid. "Huwag mo naman akong payagan babe?" bulong ni Cedric sa aking tainga. Natatawa naman ako sa ginagawa niya. Ayos lang naman iyon sa akin. Malaki naman ang tiwala ko sa kaniya pero sa babaeng ito ay wala...kaya sige na nga. Ako na ang tumayo. Napatingin naman silang lahat sa akin. "Saan ka pupunta, anak?" tanong ni mama. "Ahm..ihahatid lang po namin siya ni Cedric sa labas. Tara, babe?" yaya ko sa kaniya kasabay ng pagkindat ko sa kanya. Kaagad naman siyang nangiti at agad tumayo. "Ahm..nevermind na lang po," sagot naman ng babae na mabilis tumayo at nagmadaling lumabas. Napabuntong-hininga na lang ang daddy ni Cedric. "Tsk. Sorry, pare. Ahm, siguro ay misunderstanding lang," paghingi ng pasensiya ni tito Liandrake. "Okay lang, pare." "Ituloy na natin ang pagkain. Pwede tayong mag-shot maya-maya. May drinks tayo dyan," sabi ni tito Liandrake. At masaya pa rin naming ipinagpatuloy ang aming pagkain. "Ahh..tita, tito may outing nga po pala kami bukas kasama ang buong grupo ng CAT sa Batangas. Ipagpapaalam ko lang po si Maezie. Celebration lang po ng graduation," paalam ni Cedric sa parents ko. Muntik ko ding makalimutan iyon. "Ah ganun ba? Meron ba kayong sasakyan?" tanong naman ni papa. "May bus po kaming service. Sinagot lahat ni commander ang gastusin kaya no problem po. At saka ako na pong bahala kay Maezie." "Oh sige. Basta mag-iingat kayo doon. Malayo-layo din 'yon." "Opo, tito." "Saan ba sa batangas?" tanong naman ni mama. "Matabungkay lang po." "Hmnn..balita ko maganda doon ah. Sama kaya kami," sagot naman ni tita Cecil. "Mom, 'wag na!" angal kaagad ni Cedric. "Asungot lang kayo doon. Hindi kami makakapagsolo," bubulong-bulong niya sa aking tabi. "Oo na nga. Joke lang naman eh. Hay naku, pinagdaanan na namin 'yan. Alam ko na 'yan, Cedric. 'Di ba, Lian?" baling ni tita Cecil kay tito Liandrake. "Aba, ewan ko. Ganun ba 'yon, pare?" baling naman ni tito Liandrake kay papa na tila inosenteng nilalang. "Naku, lalo naman ako. Wala akong alam dyan," sagot naman ni papa. "Mga dahilan ng mga babaero," parinig ni tita Cecil habang sumusubo ng cake. Bigla namang nasamid si tito Liandrake na mabilis inabutan ni papa ng tubig. "Sinong babaero?" tatawa-tawang tanong ni mama na tila may pinariringgan. Si Jr naman ay tahimik lang na kumakain sa kanyang tabi. "Baka 'yong isa dyan?" sagot pa rin ni tita Cecil. Hindi na napigilan ng lahat ang matawa. "Sana lang ay hindi magmana ang anak," sabing muli ni tita Cecil. "Huwag mo nga akong dinadamay, mom! Nananahimik ako dito eh," angal naman ni Ced sa aking tabi. "Hmmnn. Sabi mo eh." "Isa lang ang mamahalin ko sa buong buhay ko...at si Maezie lang 'yon," sabi niya at hinalikan pa ang aking mga kamay. Nangiti na lang ako sa kaniya. Sana nga. Sana ay kami talaga at walang magbago sa aming dalawa...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD