CHAPTER 10 GAME

1175 Words
MATABUNGKAY BEACH RESORT Pasado alas sais na ng gabi nang kami ay makarating ng Matabungkay Beach Resort. Marami ng tao ang beach dahil summer ngayon pero hindi na kami nahirapan pa sa cottage dahil bago pa lamang kami bumiyahe patungo rito ay nakapagpa-reserve na kaagad si commander Clifford ng dalawang cottage. Isa sa gilid ng beach at ang isa ay cottage floating. Nagtulong-tulong kaming lahat sa paghahanda ng aming mga pagkain. May nagsaing sa malaking rice cooker na aming dala, may nag-ihaw at nagluto ng aming ulam, may naghanda ng aming mga inuming tubig. Inabot kami ng gabi sa paghahanda at sabay-sabay din kaming kumain at nagligpit. Si Selenah ay balik ulit sa dating gawi na nagpapasaway. Parang kanina lang sa bus ay halos maiyak na siya pero noong may tumabing pogi at inalok ng candy ay bigla ulit sumaya. Tinanaw ko naman si Skipper ngunit dedma lang ang manhid. "Okay, guys. Line up!" sigaw ni commander sa aming lahat. Nagsunuran naman kaming lahat. Kung ano ang aming pila sa CAT ay 'yon ang aming sinunod. "Okay guys, good evening." "Sir, good evening, sir!" sabay-sabay din naming sagot at dahil sa ingay namin at sa formation namin ay nakaagaw kami ng atensiyon ng mga taong naririto. "Alright, listen. Magkakaroon tayo ng games. Humanap ng partner ang bawat isa. Kahit sino pwede, boy and girl or same boy, same girl. It's up to you, basta ang importante ay magawa niyo ng tama at maipanalo niyo ang games natin ngayong gabi dahil?!.....Mayroon tayong prizes!" Na-excite naman kaming lahat pero nakakakaba. Ano kayang palaro ang inihanda ni commander? "Ang prize?!....Mamaya ko na sasabihin. Sige na, choose your partner first." Automatic na yumakap kaagad sa aking likuran ang pamilyar na amoy ng aking boyfriend. "Bakit pa 'ko hahanap o pipili ng iba kung narito ka na?" bulong niya sa akin sabay halik sa aking pisngi. "Sus, kung wala ako eh malamang na hahanap ka ng iba," kunyari ay inis kong sabi. "Hindi no...hindi na lang ako sasali. Kaya ko din namang maglaro ng mag-isa pero nakakapagod kung mag-isa ka lang. Ginagawa talaga 'yon ng dalawang tao. Mas masarap 'yon." Huh? Ano daw? Napalingon ako sa kaniya. Saka ko lang nalaman ang ibig niyang sabihin nang makita ko ang pilyo niyang ngiti. Iba na naman nasa utak nito eh. "Okay na ba, guys?" Napalingon kami kay commander na pumapalakpak. "Skipper, tayo na lang!" sigaw naman ni Selenah kaya sa kanya naman ako napabaling. Ngunit hindi man lang siya nilingon ni Skipper kahit halos magkalapit lang sila. "Tayo na lang, Selenah. Wala pa akong partner eh," sabat ni Silver na siyang katabi niya kanina sa upuan sa bus. Napatingin naman si Selenah kay Silver. Tila hindi malaman kung papayag ba siya o hindi. "Tayo na lang, mukhang ayaw naman ni Ski--ah...hehe...s-sige 'w-wag na nga," kakamot-kamot na bawi ni Silver. Mabilis akong napalingon kay Skipper at huling-huli ko 'yon! Ang sama-sama ng pagkakatingin niya kay Silver pero nang si Selenah na ang lumingon sa kaniya ay biglang nablangko ang mukha niya. Hmnn...anong kaartehan ito ni Skipper? "Told you," bulong sa aking tainga ni Cedric. Napakunot naman ang aking noo. "So, you mean may something," bulong ko din sa kaniya. "I'm not sure." Nagkibit-balikat lang siya. "Okay na ba ang lahat? Sure naman na mayroong partner ang bawat isa dahil twenty kayo. Dapat ay magiging ten pairs tayo." "Okay na, sir!" sigaw nila. Pinagmasdan ko si Selenah at yumuko na lang siya sa gilid. "Okay, start na tayo. Come closer." Nagsilapitan na kaming lahat kaya nawala na ang tamang hanay. Nilapitan ko si Selenah at hinila palapit sa amin ni Cedric. Niyakap ko siya sa kanyang baywang. "H-hindi na lang ako s-sasali. W-wala akong partner eh," mahina niyang sabi sa akin. "Meron, kaya kasali ka," sagot ko naman. "Huh? Huwag mong sabihing ikaw?" "Anong siya? Akin 'yan. Walang sa 'yo-aray, babe!" banat naman sa kaniya ni Cedric kaya kinurot ko sa tagiliran. "Kaya nga! Wala naman talaga akong pag-aari eh. Hmp! Sa cottage na lang ako," nakasimangot niyang sagot kay Ced. Tumalikod na siya at nag-umpisa ng humakbang pero agad siyang hinawakan ni Skipper sa braso at hinila pabalik. "Ay! Kalabaw na buntis!" Nagulat siya sa malakas na pagkakahila sa kanya ni Skipper pero kaagad din namang natigilan at natulala nang ma-realize kung sino ang humihila sa kaniya ngayon. "Guys, makinig." Bumaling na kami kay commander. "Ito ang gagawin. Nakikita niyo itong hawak ko?" Itinaas niya sa aming harapan ang 10 small balls na may iba't ibang kulay. "Every pair ay isang kulay. Now, i have box here na naglalaman ng sampong papel kung saan nakasulat ang mga kulay. Dudukot kayo dito, every pair ng isang papel. Kung anong kulay ang nakasulat sa papel na inyong makuha, iyon ang magiging color ng balls niyo. Huwag niyong babanggitin kung anong color ang inyong nakuha. Basta itago niyo ang papel dahil d'yan ko malalaman kung anong kulay talaga ang inyong nakuha.....so, bumunot muna kayo at saka ko i-eexplain ang next step." "Babe, ikaw na ang bumunot. Ikaw naman ang swerte ko eh," saad ni Cedric sa akin. "Bola ba 'yon?" nakangiwi kong tanong. "Ha? Yeah, bola nga. Ayon oh, hawak ni commander. Bola," natatawa niyang sagot. "Hmp! Ewan ko sa 'yo." Lumapit na ako at nakidukot na rin sa box na hawak ni commander. Bumalik ako kay Ced pagkatapos ay sabay namin itong binuksan. Red. Yiiieehh..swerte ba 'yon? Sana nga.. "Okay na? Alam niyo ng lahat ang inyong kulay?" tanong ulit ni commander sa amin. "Yes, sir!!!" sigaw naming lahat na muling nakaagaw ng atensiyon ng mga tao. Hinanap ng aking paningin si Selenah. Nasaan na ba 'yong babaeng 'yon. Nang makita ko ito ay napatanga na lang ako sa nakita kong hitsura niya. Tulala siya ngayon habang nakatitig kay Skipper. Si Skipper naman ay naka-poker face habang nakatuon ang paningin kay commander. "Now, nakikita niyo ba ang hilera ng mga floating cottage na 'yan? Simula sa kabilaang dulo. Every cottage ay nariyan nakatago ang mga balls. Hahanapin niyo sa bawat sulok ng cottage. Now, kailangan niyong makuha ang kulay na naka-assign sa inyo. Kung ano 'yong nabunot niyo. But....listen carefully, guys. Kung makita niyo ang ibang kulay na balls...maaari niyo itong kunin ng sa gano'n ay mababawasan ang balls ng iba at maaaring hindi nila makumpleto ang kanilang kulay. Every pair ay mayroong tag 15 balls. Kung sino ang may pinakamaraming nakuhang color balls na nabunot niyo ay iyon ang tatanghalin nating panalo at magwawagi ng ticket prize to Boracay for four people. 3 days and 2 nights...with pocket money, food, hotel at iba pa. Is that clear?!" "Yes, sir!!! Whoaaaa!!!" "So, game na?!" "Game na!!!" May pagtaas pa kami ng aming kanang kamao sa ere. "Exciting 'to," bulong ni Cedric sa aking likuran na akala mo ay linta. Hindi maalis-alis sa pagkakakapit sa akin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD