NINE YEARS AGO
Maezie
"HARAP SA KANAAAN, RAP!"
"HARAP SA KALIWAAA, RAP!"
"BILANG HAKBANGGG, NA!"
"ISA! DALAWA! TATLO! APAT!"
***
"Babe!" sigaw ko kay Cedric sabay hagis sa kanya ng isang bottled water. Mabilis naman niya itong nasalo.
"Nice! Ang sweet talaga ng girlfriend ko!" sabi niya habang may nakakalokong ngiti.
"Sana all sweet," rinig kong sabi ni bitter Selenah na nasa aking likuran. She's my bestfriend na kasali din sa CAT. Pag mag-bestfriend kasi kung saan daw ako ay doon din daw siya. Gaya-gaya eh.
Pero kunyari pang ginagaya niya ako pero ang totoo ay gusto niya lang din makasama ang kaniyang numero unong crush na si Skipper simula pa noong elementary magpa-hanggang sa ngayon na nasa third year highschool na kami. Ang kaso, numero uno ding isnabero ang lolo niyo.
"Unahan mo na kasi. Una-una lang 'yan eh. Sige ka baka iba ang mauna diyan," sabat naman ni Cedric nang marinig din ang sinabi ng bestfriend ko. Naglalakad na siya palapit sa akin.
"Haaayst, ginawa ko na. Nidedma lang ang lola niyo," nakasimangot niyang sabi habang nakatanaw kay Skipper na tahimik na umiinom ng tubig habang nakaupo sa mesang bato na kasunod ng mesang kinaroroonan naman namin. Ang paa naman niya ang siyang nakapatong sa upuang bato.
"Aray, sakit noon ah," pang-aasar pa ni Cedric.
"Sinabi mo pa, tagos. Tsk," sagot muli ng bestfriend ko.
"Huwag kasing pilitin ang ayaw, baka lang dumugo," sagot muli ni Cedric.
"Talikod," pautos niyang sabi sa akin nang makalapit na siya at agad naman akong sumunod.
Naramdaman ko ang pag-angat ng aking CAT white uniform sa aking likuran at ang paglalagay niya ng towel sa aking likod dahil pareho kaming basang-basa ng pawis.
"Huh? Anong dumugo?" may nagtatakang tanong ni Selenah. Natatawa naman ako sa kaniya sa kainosentehan niya o green lang talaga kaming pareho ni Cedric.
"Basta lahat ng dumudugo," sagot pa rin ng boyfriend ko habang abala siya sa pag-ayos ng aking uniform.
Pareho kaming kasali sa CAT o Citizenship Advancement Training dahil pareho din naming pangarap maging pulis.
"Okay na, harap," pautos pa rin niyang sabi at mabilis din naman akong humarap sa kanya. May isa pa siyang towel na hawak at ipinunas niya sa aking mukha at leeg. Ganoon din sa aking mga braso.
At pagkatapos niyang gamitin sa katawan ko ang kanyang towel ay siya naman ang magpapapunas ng kanyang pawis gamit pa rin ang kanyang towel na ginamit niya sa akin.
Oh di ba? Naghalo-halo na ang aming mga katas.
"Let's eat, gutom na gutom na 'ko," pagyaya niya kasabay ng pagsakbat sa kanyang balikat ng aking bag na ipinatong namin kanina sa mesa.
"May isang subject pa tayo ah," sagot ko naman sa kanya.
"Hayaan mo sila." Umakbay na siya sa akin at nagsimula na kaming maglakad patungong canteen.
"Hoy! Magjowang haliparot, hintayin niyo ko! Sama ako!" sigaw ni Selenah nang iwan namin siya ni Cedric ng walang paalam.
"Huwag mong pansinin," bulong sa akin ng boyfriend ko.
"Aw!" daing niya rin nang kurutin ko siya sa kanyang tagiliran. Natatawa naman ako sa kaniya. Puro kasi kalokohan.
"Hoy! Grabe kayo sa akin!" sigaw ulit ni Selenah mula sa likuran at ramdam kong malapit na siya sa amin.
Ramdam kong natatawa si Cedric. Mas humigpit ang pagkaka-akbay niya sa akin at mas binilisan ang aming paglalakad.
Tumungo muna kami sa locker para iwan ang aming mga gamit bago kami dumiretso ng canteen.
Since kinder garten ay magkaklase na kami ni Cedric hanggang sa tumuntong kami ng elementary. Noong elementary ay basta classmate lang kami. Hindi magfriends, basta natural lang na magkaklase.
Pasaway kasi siya noong elementary. Lahat ng classmate namin ay binu-bully niya at ako lang ang hindi. Takot daw siya sa akin sabi niya noong naging boyfriend ko na siya kasi binabalikan namin paminsan-minsan 'yong mga moments namin noong kami ay mga bata pa lang.
At noong tumuntong na kami sa first year highschool ay naging malapit na kami sa isa't-isa.
Nagtutulungan na kami sa paggawa ng mga assignments and activities. Palagi siyang pumupunta sa bahay samantalang ako ay tuwing may occassion lang nakakapunta sa kanila. Natatakot kasi ako sa lolo niyang pulis. Masyadong masungit at matalim kung makatingin. Para kang lalamunin.
Ang sabi ni Cedric ay sobrang higpit daw talaga ng lolo niya, maging sa parents niya.
Siya daw ay palaging isinasama ng lolo niya sa mga training camp simula pa noong siya ay bata pa lang. At doon, kung ano-ano ng itinuturo sa kaniya maging ang paghawak ng baril ay alam na niya.
Minsan nga daw ay isinasama siya sa gubat at iniiwan doon ng mag-isa.
FLASHBACK~~~
Cedric ( 7 years old )
"Lolo, ano pong gagawin natin dito?" tanong ng batang paslit sa kaniyang lolo habang iginagala niya ang kaniyang paningin sa buong kagubatan.
Marami siyang naririnig na mga huni ng hayop. Matataas ang mga puno at matatalas na mga talahib.
"Mamamasyal lang tayo. Huwag kang maingay para hindi mo maistorbo ang mga hayop dito," sabi naman ng lolo niya kaya naman nanahimik na siya.
Lakad lang sila ng lakad hanggang sa madapa siya at tumama ang kanyang tuhod sa bato.
"Waahhh! Lolo may shugat po akhoo, huhuhu," pag-atungal niya sa kaniyang lolo pero hindi siya pinansin ng kaniyang lolo. Nagdire-diretso lang ito sa paglalakad samantalang ang batang paslit ay nakadapa pa rin sa lupa.
"Lolohhh!" iyak pa rin niya. Tinangka niyang tumayo pero sumabit sa ugat ng kahoy na may naka-usling matalas na sanga ang kaniyang paa dahilan ng muling pagkahiwa ng kaniya namang paa.
"Lolohhh!! " mas malakas na niyang atungal pero ang lolo niya ay tila naging bingi sa kanya. Hindi pa rin siya pinakinggan hanggang sa iwan na niya ang bata sa kagubatan.
Sumakay ito ng kaniyang kotse at humarurot paalis. Iniwan ang batang walang kamuwang-muwang sa kagubatan. At hindi alintana ang panganib na maaaring kaharapin nito na dala ng mga mababangis na hayop.
***
PRESENT TIME
"Bakit ikaw bes? Pinadugo ka na ba nitong si Cedric?" biglang tanong ni Selenah sa kasagsagan ng aming masarap na pagkain dito sa canteen.
Pareho kaming nasamid ni Cedric at halos mabulunan sa aming kinakain.
"Oh." Kaagad ini-umang sa aking bibig ni Cedric ang isang baso ng tubig. Iisa lang ang baso namin. Lahat iisa, isang plato, isang kutsara, isang tinidor, isang baso at isang tissue. Isa lang ang ginagamit namin at pareho lang kaming nagsusubuan.
Ako ang una niyang pina-inom bago siya ang sumunod.
"Hay naku, nakakainis talaga kayong kasama sa pagkain," reklamo ni Selenah at halos hindi maipinta ang kanyang mukha.
"Ah kaya pala habol ka ng habol sa amin," pambabara naman ni Cedric.
"HA. HA. HA. Betlog mo, ano nga?" baling niyang muli sa akin.
"Anong ano?" natatawa kong tanong.
"Pinadugo ka na ba nito?" Seryoso talaga ang kanyang mukha sa tanong niyang 'yon. Alam ba niya kung ano ang itinatanong niya?
"Oo," biglang sagot ni Cedric. Nanlaki naman ang aking mga mata sa kaniya. Anong sinasabi niya?
"Pag pumayag siya, paduduguin ko siya," nakangisi niyang sagot. Pinaghahampas ko naman siya sa kaniyang brasong matitigas at humagalpak lang siya ng tawa sa akin.
***
"Bes, psst."
"Bakit?" tanong ko kay Selenah sa harapan ng salamin habang siya naman ay nasa aking likuran dito sa loob ng restroom.
"Ang galing naman ni Cedric. Kasasabi lang niya kanina na paduduguin ka eh pumayag ka na agad?" Nagtaka naman ako sa kanyang sinabi.
"Ano?" kunot-noong tanong ko sa kanya.
"Ayan oh! 'Yong palda mo puro dugo!" sigaw niya kaya naman naglingunan ang iba pa naming kasama dito sa loob.
Napatingin naman ako sa likuran ng suot kong palda at halos tumalon ang aking mga mata nang makita kong puno ng dugo ang aking pang-upo!
Omg! Meron ako!