"The Distinguished Gentleman's Ride!"

3793 Words
(You raise me up....To walk the stormy sea ..I am down when I...) dali-daling pinatay ni Dwayne ang tunog ng kanyang cellphone habang naririnig niya itong nagriring habang naaalimpungatan....at napapailing na binuksan kung sino ang tumatawag... Pambihira ka talaga Dare!! sambit nito habang sinasagot ang nasa kabilang linya.. Oh ano bakit na naman?? Bawal ba akong tumatawag?? natatawang sagot nito... Eh pano pinalitan mo na naman 'tong ringtone ng phone ko...angal nito sa kaibigan habang nakapikit pa ang mata... Hahaha...kasi naman sabi ko sayo wag mo na iwan kung saan saan yang phone mo...natatawang asar nito sa kaibigan.. Oh bakit napatawag ka eh kagagaling mo lang dito kagabi sa dorm natin..tanong nito sa kaibigan.. Tumawag sa akin si Marco nag-update lang sa atin tungkol dun sa event..ani nito sa kaibigan Oh ano daw balita? May pagbabago ba? asik nito.. Wala pa naman pero asahan nalang natin na malamang may pagbabago..Basta balitaan nalang kita pag may pagbabago.. Oh cya...paalam na, kasi may gagawin pa ako may pinapagawa sa akin si Mommy..pamaalam nito Huh?!! Yun lang itinawag mo sa akin wala ka namang eksaktong ibinalita ah...angal nito sa kaibigan na akmang babangon sa higaan... Hahahaha..Tsinitsek ko lang kung okay ba yung ringtone ng phone mo...gumagana ba...natatawang asar nito...O cya, bye bye na my loves... Loko!!! sigaw nito sa kaibigan at inis na inihagis ang phone sa ibabaw ng bed habang agad na bumangon ng maalala na may aayusin at lalakarin siya ngayong araw na to... Nagmamadaling pumunta sa banyo si Dwayne dahilan sa nakalimutan niyang may pupuntahan siya at wala na siyang oras para magtatagal pa sa higaan... Makaraan nang ilang sandali dumiretso na siya sa labasan kung saan ang kanyang motorbike ay nakapark para magpaandar nito at pagkatapos pinaharurot niya ito papunta sa kanyang destinasyon kung saan mag aantay ang kanyang mga kabarkada maliban kay Dare... Oh pare.... Andyan ka na pala!!! sigaw ni Arjho Agad nagkamayan ang mga ito pagkatapos niyang bumaba sa kanyang motor... Oh kamusta?! tanong agad ni Howard na kakarating lang din dahil sa galing din ito sa probinsya ng kanyang nobya sa Zambales.. Okay lang..ikaw? Balita ko isasakal kana?? pang aasar na tanong ni Dwayne sa kaibigan na tinawanan ng iba pang barkada nila... Abah....Abah....Sino namang chismoso nagbalita sayo niyan?? nakangising tanong nito... Walang iba kundi si Dare...sabat ni Marco sa lahat na nang aasar narin... Ganun??!!! Teka san ba yung taong yun?! balik tanong ni Howard kay Marco.. Ba't mo sa akin itanong?? Dyan mo itanong sa asawa niya...nagsipagtawanan ang lahat sa sagot ni Marco... Tama na nga dun na tayo sa loob..sabat ni Arjho.. Naisipan ng magbabarkada na magkitakita sa araw na ito dahilan sa event na gaganapin at gusto ng mga ito na paghahandaan ang lahat at kung ano ang kanilang maitutulong sa fund raising na ito maliban kay Dare dahil sa napagutusan ito ng ina na wala sa oras... Kasalukuyang nagkukwentuhan ang magkakaibigan ng may dumating na food delivery.. Food delivery poh kay Mr. Marco Salvacion...sabay tinginan ng mga ito ng magsalita ang nagtatao poh sa labas.. Oh pare food delivery daw..sita ni Arjho kay Marco ng matulala ito na nakatingin sa babae... Ah Oo...agad na sagot nito... Pasensya na Miss medyo nakalimutan ko..nawawala sa isip ko saglit ng makita kita...bola nito sa babae na nagdedeliver.. Okay lang poh...nahihiyang sagot ng babae na si Mae Ann Valdez...na tinatawag sa totoong Marjorie Anastacia Valdez na nagtatrabaho bilang isang part time cashier sa isang restaurant na napagutusan ng amo na siyang magdeliver dahil sa absent ang kanilang delivery man at walang ibang magdedeliver na alam magmaneho ng motor.. Sa susunod oorder tayo ulit pagmay salo salo tayo 'tol...ganda pala ng magdedeliver napatulala si Marco eh..natatawang agaw pansin ni Howard na siyang ikinatawa ng lahat na siyang nakapagpabalik naman ng gunita ng dalawang nagkatitigan.. Ah.. eh.. 786.00 poh lahat Sir.. nahihiyang paalala naman ni Mae Ann sa natulalang si Marco . Ah...Oo teka sandali..saka kumuha ito ng pera sa bulsa ... Eto Miss..pasensya kana...keep the change nalang kapalit ng pangalan mo...natatawang napakamot ito sa ulo .. Naku, Sir bibigyan poh kita ng sukli...natarantang iwas nito sa binata at kumuha ng sukli sa belt bag nito at dali daling umalis... Saka naman humagalpak ng tawanan ang lahat na nasa likod niya..Napakamot na lamang ito ng ulo sa sarili... Natatakot ata sayo 'tol!! pang-aasar na tapik ni Dwayne sa kaibigan.. Kasi naman dapat dahan dahanin mo...gayahin mo si Dwayne at si Dare...sapaw ni Arjho na natatawa na rin..Saka naman biglang dumating si Dare.. Oh ba't naririnig ko pangalan namin ni Dwayne dyan?? takang tanong nito sa lahat .. Gwapo ka daw kasi kaya dami mo babae..sabat ni Howard Nagkibit-balikat nalang ito ng lahat ay nagsipag-ayunan nalang sa sinabi nito... Kala ko ba di ka pupunta? tanong ni Dwayne Aga natapos eh..Siya nga pala pinapasabi ni Mommy pag okay kana sa pagpapaenroll dalaw ka daw minsan sa kanya...Ikaw ata ang anak eh mas ikaw pa yung namimiss..angal nito sa kaibigan na kunwaring nagseselos... Natatawa na lamang si Dwayne kasi alam niya parang kapatid na rin ang turing ni Dare sa kanya dahilan sa halos lahat magkakapareho sila ng hilig at wala itong ibang kapatid na kasundo.. Bakit? San ka ba nagpunta Dare?? takang tanong ni Marco.. Eh di ba nagpaalam ako sayo mahal?? natatawang biro ni Dare kay Marco na tinatawanan ng lahat dahil sa biro nito sa kaibigan.. Pambihira kaya walang babae na papansin sa akin eh ....natatawang angal nito... Oh siya...siya...tama na yan..magsimula na tayo total andito na lahat eh..sabat naman ni Arjho at saka sinimulan na nga ng mga ito ang mga plano nila sa kanilang sasalihan na event sa susunod na buwan..Tahimik naman na napasunod ang lahat at makaraan ng ilang oras tagumpay naman na natapos ang pinagmemeetingan ng mga ito... Oh pa'no kita kita nalang ulit..agad na paalam ni Howard sa mga ito.. Naku nagmamadali ata si Howard ngayon ah ...angal ni Marco sa kaibigan.. Eh pare lam niyo na yun...natatawang napakamot ito sa ulo habang nagpapaliwanag sa mga kaibigan..sa lahat kasi ng mga ito si Howard lang ang may girlfriend na seryoso at tanggap na nang pamilya... Oh pare..tandaan mo hindi pa tayo tapos ng college magsisimula pa lang tayo sa susunod na pasukan ..paalala naman ni Arjho na parang nakatatandang kapatid sa lahat...Si Arjho lang kasi ang medyo seryoso pagdating sa pag aaral maliban kay Dwayne.. Oo na Kuya..alam mo naman na pag andyan ka mas daig mo pa mga magulang ko ...natatawang sagot ni Howard.. O siya sige na mauna na ako sa inyong lahat..sabay tapik nito sa balikat ng mga kaibigan at napatango nalang ang mag ito.. Basta wag mo kalimutan ha...pahabol na sigaw ni Dare na nakangisi... Ang alin?takang tanong ni Dwayne kay Dare... Wala...ngisi nito sa kaibigan na may kahulugan... Eto talaga kung ano naiisip...angal naman ni Arjho na natatawa naman at binalingan si Marco.. Oh ano tulala ka parin ba dyan??tanong sa kaibigan ng malingunan ito na parang may iniisip .. Hoy!! Marco!!!..sabay sigaw ng tatlo na natatawa na rin dahilan sa bigla nalang itong napatayo.. Pambihira naman kayo Oo...angal nito.. Pano naman kasi para kang pinagbagsakan ng langi't lupa sa iniisip mo...asik ni Dwayne dito... Eh ..may naisip lang ako...nakakamot na sagot nito .. Ano??!! sabay ng tatlo .. Naku poh...pagpalain niyo poh kami ng mga may kagandahang babae...sabay antanda nito sa sarili dahil sabay itong nagreact ang tatlo na ikanahagalpak naman ng tawa ng lahat.. Oh ano tara na...aya ni Dare sa lahat at sabay sabay na nga silang umalis sakay sa mga motor ng mga ito .... Mae ANN's POV? Kainis...kala mo kung sinong mga gwapo.. Ang yayabang!!! Kala mo kung sino di naman mga artista...pinagpala lang...inis nitong naalalang pangyayari kanina... Hay nku..pasalamat sila wala ako sa mood na makipagsuntukan...pagmamayabang nito sa sarili... Habang iniisip ang kaninang pangyayari di niya namalayan lapit na pala siyang makarating sa restaurant na pagtatrabahuan niya...at kaagad naman siyang nakarinig ng sigaw sa likod nang makababa na siya sa kanyang motor at inayos ang sarili ... Hoy Manang...!! sigaw ni Danica papalapit sa kaibigan ..Si Danica Samonte isa sa mga kaibigan niyang naging matalik simula nung makilala niya ito sa paaralan nung unang pasukan pa lamang ng klase nung first year highschool nila ..nakilala niya ito nung unang araw dahil papasok ito sa school at nakasunod siya habang dumadaan sa tambayan ng mga basketball player nila sa school muntik na kasi itong ma bully noon dahil ewan parang lampayatot ata ito kasi ang bilis matisod o madapa kahit hindi naman lubak lubak ang daanan o sadyang sinasadya lang nito para mapansin..naiiling na alaala niya sa pangyayari dati... At buti nalang andun siya sa likod at nahawakan niya ang damit nito agad para di madapa..kaya sa kabiglaanan niyakap siya nito at hinalikan na siya namang kantiyaw ng lahat ng mga nakakita ..at binalingan niya ito pinakitaan niya ng kanyang maliliit na bisig na parang handang makipagsuntukan na siya namang ikinatikom ng bibig ng lahat dahil sa pagkabigla ng reaction niya sa mga ito ..Kaya simula nun wala nang halos makipagkaibigan sa kanila o makipagkwentuhan kasi kala nila magsyota silang dalawa..natatawang alaala niya sa lahat ng pangyayari .. Oh bat ka natatawang bigla dyan?nagtatakang tanong ni Danica... Panong hindi ako matatawa eh naalala ko yung mga nangyari sa atin noon...sagot niya rito na agad na pumasok sa loob at sinundan ng kaibigan.. Si Mommy hinanap ka...saad nito na parang nagmamaktol.. Bakit nakabusangot ka?lingon niya rito... Eh pano di niya maalala na ikaw yung inutusan niya na magdeliver ng food..nakapameywang na sagot sa kaibigan.. Hahaaha...Si Tita talaga napakaulyanin...natatawang sagot niya sa kaibigan..Tita na kasi tawag niya rito simula nung ipinakilala at nagkwento si Danica sa mga magulang nung nangyari sa kanila dati..At si Danica narin ang nagpasok sa kanya para magparttime sa restaurant na pagmamay-ari ng mga ito kahit ayaw nitong pumayag dahil may pera naman sila at bawal din sa kanyang edad na magtrabaho..Mapilit kasi siya dahil gusto niya magkaroon ng sariling pera lalo na panggaas ng motor niya o kaya pampaayos nito kasi ayaw siya bigyan ng mga magulang niya para sa motor niya kesyo daw delikado magdrive sa motor kaya ayaw na ayaw ng mga ito pagbigyan siya ng kanyang luho para sa motor niya..kaya ang ginawa niya ay pumasok sa restaurant para magparttime rito..kaso may pagkakasunduan naman..kaya pumayag na lamang siya..kasunduan na kelangan na laging nakamonitor yung Kuya Cedric niya araw-araw na gusto naman nito dahil gusto rin siyang asarin nito palagi lalo na ang bilis niyang maasar... Uy! Mae Ann...tawag pansin ng Mommy ni Danica sa kanya na siyang nakapagpahinto sa pag-iisip niya... Hey Tita..sagot niya rito Bakit ikaw yung naghahatid ng delivery? Di ba sabi ko bawal ka umalis pagmagdadrive ng motor??angal nito sa kanya... Eh tita wala kasing ibang maghahatid eh ..tsaka ako lang kasi ang marunong magmotor dito ..paalala niya sa Mommy ni Danica.. Ay, Oo nga pala..natatawang tampal nito sa noo.. Naalala ko tinawag kita kanina pero di ko naman sinabi kaw ang maghatid ..sisi nito sa sarili .. Sabi ko sa'yo Mommy eh..sabat naman ni Danica sa ina na may halong paninisi. .. Oh siya sige na pasensya na...Sobra ko na atang stress...natatawang sagot nito sa anak... Hindi Mommy matanda na talaga kayo kaya di na kayo makaalala..angal naman ng anak at palihim niyang kinurot ito dahil sa asal na ginawa nito sa ina kahit pabiro lang.. Oh siya sige na magtrabaho na kayo baka hindi ko kayo pagswelduhin sa araw na ito..natatawang sambit nito .. Kelangan ko na pala magdagdag ng magdedeliver ..dagdag nito sa sinabi.. Oo nga Mommy...ayon naman ni Danica.. Oo na pagiisipan ko yan bukas ...sabay talikod... Ikaw talaga masyado mo ng ginaganyan si Tita..angal niya sa kaibigan... Hay naku...Sanay na yan si Mommy simula nung naging kaibigan kita..asar nito sa kanya... Abah ..ako pa ang pinagbintangan..loko to ah...asik niya rito na totoo naman kasi simula nung magkaibigan sila natutong maging pasaway si Danica pasaway na mabait..Marunong na kasi itong magbiro o manloko...kaya wala ng basta basta makakaloko sa kanila..tsaka nagsimula na nga itong magpaturo sa kanyang magmotor... Nga pala..agaw nito sa kanyang iniisip... Oh bakit? Ano na naman? angal niya sa kaibigan... May tumawag dito kanina sa phone kala ko nga mag-oorder eh.. Yon pala tinatanong lang pangalan mo...banggit nito.. Huh?! Sino raw? taka kong tanong... Sinabi ko na pangalan mo..Eh gwapo ata eh..tsaka tingin ko mabait..Ganda kasi sa pandinig nung boses..ngisi nito.. Ano?! Sinabi mo yung pangalan ko kahit di mo kilala??singhal niya rito na siyang ikinalingon ng halos lahat ng costumer.. at dali dali namang tinakpan ni Danica yung bibig niya... Ano ka ba?! Hindi naman buong pangalan mo binigay ko..angal rito sa kanya... Tsaka baka malay mo siya na yung Mr. Right mo..pang-aasar nito sa kanya..Napapailing na lamang siya sa rason nito.. Mr. Right agad di mo pa nga nakikita o nakilala ...angal niya sa kaibigan at saka tinalikuran nalang ito at hinarap ang bagong pasok na customer.. Good morning poh Mam...How may I help you? tanong niya rito.. Ammm ..Ano bah meron kayo na pwede makalimutan ang isang tao? natatawang sagot nito sa kanya... Ah eh Mam...marami...sabat ni Danica na ikanatawa nila pareho ....At sinabi naman nito ang mga specialty na meron sila...tsaka naman ito namili at umorder.. Eh Mam dine in poh ba or dine out?tanong niya sa customer .. Pwede ba akong pumwesto dito nalang sa loob? kumportableng sagot nito na ikinatuwa nila pareho.. No problem poh Mam ..natatawang sagot ni Danica at itinuro nito ang upuan na bakante.... Salamat...tsaka wag niyo na ako tawagin na Mam...tingin ko magkasing-edad lang tayo...nakangiting baling nito sa dalawa .. Nakakahiya naman poh ata Mam..atubiling reklamo ni Mae Ann ... Don't worry I will be your regular customer from now on ..And by the way call me Elaine..ani nito na nakangising inabot ang kamay para makipagkamayan sa dalawa at nagpakilala naman ang mga ito kay Elaine...At dun na nga nagsimula ang pagkakaibigan nilang tatlo.. Excuse me...tawag ni Elaine ulit sa dalawa habang napansin niyang hindi na masyadong busy ang mga ito..tsaka naman lumingon si Mae Ann dito... Yes Elaine...nakangiting tugon rito.. Amm..ehh..tanong ko sana kung ano oras out niyo? nahihiyang tanong rito na nakangiti... Sorry...bawi nito sa napatanga na si Mae Ann dahil sa nagtataka sa biglang tanong ni Elaine sa oras ng labasan nila... Ah eh...mga 8pm oa siguro ..Bakit nagtatakang? tanong ni Mae Ann Eh kasi gusto ko sanay sumabay sa inyo. ..nakangising sagot nito saka naman sumingit si Danica .. Ai di poh pwede Mam Elaine bawal poh kasi magpasakay na tatlo sa isang motor eh ...natatawang tugon rito na siniko naman ni Mae Ann .. Ah Eh ...ang ibig poh niyang sabihin bawal poh kasi sa amin na makihalubilo sa mga customer Mam Elaine...paliwanag niya rito. Huh?! Bakit raw? Eh diba tapos na kayo nun sa trabaho niyo? takang tanong rito sa dalawa... Eh kasi ..napakamot na si Danica na sumingit sa dalawa... Eh kasi si Mommy eh di kami pwede na makipag-usap sa mga customer lalo na pag oras ng trabaho ..patuloy na depensa nito .. Ganun bah? nanlulumong tugon nito .. Pero huwag ka mag alala kakausapin namin si Mommy kung pwede na ..bawi nito sa kausap... Yaan mo kausapin namin si Tita ..agad sang-ayon ni Mae Ann .. Okay lang..kelangan ko ata munang suyuin ang may-ari bago ako makikipagkaibigan sa inyo ..nakangising tugon nito sa dalawa na ikinatawa narin ng mga ito .. O siya sige na magtrabaho na muna kayo baka di na ako papasukin dito dahil sa kadaldalan ko ..taboy nito sa dalawa na akala mo matagal na silang magkakaibigan...Nanlulumong patuloy na kumain si Elaine sa kaniyang inorder na pagkain... Elaine's POV? Kala ko magkakaron na ako ng ibang kaibigan ulit..Mukha pa naman mababait ang mga ito..Sana makilala ko pa sila nang lubusan o kaya makasama sa kahit saan...himutok nito sa sarili .. Habang kumakain ay inaalala ang nangyari kanina sa mall.. Kung hindi ka lang anak ni Ninang talagang hindi na kita kakausapin..pagtatampong angal nito sa kaibigan na lalaki.... Eh dami kasi pinag-usapan namin ng tropa eh tungkol sa darating na event...paliwanag ni Arjho sa babae... Sana man lang tumawag ka...alam mo namang ayokong pinag-aantay ako..nakakairita kaya maglakad dito sa loob ng mall ikaw lang mag-isa...angal nito sa kaibigan... Medyo nawala sa isip ko eh busy kasi... kung hindi tumawag si Mama di ko maalala na andito ka nag-aantay...alalang paliwanag rito.. Tara na nga..nakakapagod kaya mag-ikot dito na mag-isa...angal nito sa lalaki at agad na naglakad palayo habang agad naman sumunod si Arjho... Elaine naman ilang oras ka ba nag-aantay? Ganun na ba kalaki kasalanan ko para iwan mo ko dito? asik nito sa babae... Eh bakit bah?! Iniwanan bah kita? Buti nga naantay pa kita eh ..pagmamaktol nito sa lalaki .. Magtatalo pa ba tayo?sita naman nito sa babae... Oo na...Hihinga na ako ng malalim para mawala na 'tong inis ko ..naiiritang sagot nito ..Habang nakangisi naman ang lalaki na napasunod na lamang sa inasal ng babae at inakbayan na ito... Daig pa natin magnobyo at nobya ah ..pang-aasar nito sa babae... Tseh. ..Hindi ka makakapasa sa akin..Oras pa lang pinagtatalunan na natin..asik nito sa lalaki na ikinatawa nito ng malakas... Talagang siniseryoso mo sinabi ko huh...natatawang asar nito sa babae... Talaga lang huh...Dyan ka na nga...asar na iniwanan ito at nagmamadaling naglakad para di maabutan ng lalaki..Kaya napadpad siya sa restaurant nina Danica dahil sa nangyari kanina at dahil sa inis na rin niya sa lalaki ayaw na niya itong makasama kumain kaya ngmamadali siyang umalis at sumakay ng taxi kaya napunta siya sa restaurant nina Danica naalala niya di pa pala siya nagdinner dahil sa kakaantay kay Arjho tapos mapupunta lang din pala sa wala...Binalewala nito ang mga oras na pag-aantay niya ..Oo nga naman mukha nga naman nobya siya nito kung umasta siya rito kaya naiinis siya pagpinupuna na rito na para silang magnobyo't nobya .. Kaya eto siya ngayon kumakain ng mag-isa at naghahanap pa ng makasalo sa pagkain..Di kasi siya sanay na mamasyal na siya lang mag-isa kakain...Dahil sa inis sa lalaki parang gusto na niyang sanayin ang sarili na kumain mag-isa pagnamasyal... At napatigil ang pag-alala sa nangyari sa kanya kanina dahil biglang nagring ang phone niya at nakatatak rito ang pangalan ni Arjho.. ARJho's POV? Kringggggggggg......kanina pa nagriring ang phone na tinatawagan niya di parin sumasagot kaya nababahala na siya..Nasobrahan na ata siya sa pang-aasar rito...alala nito sa sarili... Nakalimutan niya kasi talaga na may lakad pala sila nito dahil nagpapasama itong mamasyal..Nasanay na kasi itong siya palagi ang kasama nito simula nung lumipat ito ng tirahan malapit sa kanila..Inaanak kasi ito ng Mama niya kaya kung ano hiling nito pinagbibigyan nila spoiled kasi ito sa Mama nila dahil walang anak na babae ang Mama niya..wala silang kapatid na babae kaya ganun nalang ito kamahal ng Mama nila...Kaya ngayon lagot ako pagnalaman ni Mama hindi kami sabay uuwi..Kaya alalang alala na si Arjho na sana sagutin na ang tawag niya rito .. Pagsinagot mo 'to, talagang kukutusan kita babae ka...kung san ka man ngayon lagot ka sa akin...naiinis na angal nito sa sarili ..Dinial niya ulit at ring pa rin ng ring ito at nireject pa.. Inis na binaba ni Arjho ang cellphone niya at ibinalik sa bulsa..Saka naalala nito na pwede palang malaman ang kinaroroonan nito sa pamamagitan ng isang app..kaya ginamit niya ito at saka nalaman kung saan ito ngayon...At kaagad na sumakay sa kanyang motor at pinaharurot itong pinatakbo para agad maabutan niya ito sa kinaroroonan .. Danica's Restaurant.. Pagpasok niya binaling niya ang tingin sa paligid bago pumasok ng diretso ng makita niya ang babae nakaupo at kumakain mag-isa.. Habang nagtataka naman sila Mae Ann at Danica ng binati nila ang customer na kahit tango di man lang nagreact para sagutin ang pagbati nila at dire-diretso pa ito sa kinaroroonan sa babaeng nakilala nila kani-kanina lang ..Nakita nilang nakangiti sa babae habang nakasimangot naman ang babae na parang nagtataka pa sa nakita... Oh ano problema mo?! agad na tanong ni Elaine na kunyaring galit pa rin..alam niya kasi susuyuin siya nito dahil takot ito sa Mama nito na mapagalitan pag hindi sila sabay umuwi. ...Natatawa naman itong napapailing... Talaga bang hinid mo ko babatiin niyan? pang-aasar nito sa babae... Bakit ano ba problema mo? pagtataray nito sa lalaki.... Order mo rin ako...di pa rin kasi ako kumakain eh...Iniwanan mo kasi ako ..natatawang angal nito .. Abah umorder ka mag-isa mo...tsaka di pa tayo bati ano..taray na sagot nito sa lalaki at iniiwas ang pagkain palayo sa harapan nito .. Ang damot naman nito....dami kaya niyan...mauubos mo ba yan? takang tanong nito... Oo..eh bakit? May angal ka?! Wala poh ..natatawang napakamot na lamang ito sa ulo sabay tayo para umorder ng kakainin nito ..palagi kasi silang ganito pagnagkakatampuhan..kung sino yung may kasalanan talagang di makakain kung sino rin yung bumili siya lang din yung makakain..parang mga aso't pusa..pero sa huli magkakaayos rin... Welcome poh Sir...Ano poh sa kanila? pagbibigay bati naman ni Danica na nakangiti parin dahil sa nakita nito ang dalawa kung pano magbabangayan kahit nasa loob ng restaurant na alam niyang mahahalata ring inasar lang ng lalaki si Elaine... Eh Miss...yung katulad na inorder nung masungit na babaeng yun..nakangiting nilingon nito si Elaine at sabay turo nito... Ah yun poh ba Sir...Sige poh..Iseserve poh namin Sir in 3 minutes...nakangiting sagot ni Danica .. Okay Miss..Salamat..agad na tugon nito ng sabihin na iseserve nalang after 3mins at bumalik na ito sa kinauupuan ng babae.. Di mo parin ba ako babatiin..sita nito sa babae habang kunwari busy ito sa kakalikot ng cellphone nito... Kani-kanina lang tumatawag ako di mo sinasagot ngayon nasa harapan mo na ako nakaabang ka diyan sa cellphone mo ..himutok nito kay Elaine... Ah...Ganun?! Bakit nagsorry ka na ba?! reklamo nito sa lalaki .. Abah...Di mo ba narinig kanina dun sa counter kaharap ko yung babaeng yon...sabay tawa nakaturo banda kay Danica .. Talaga lang ha...Gusto mo tanungin ko yung babae na yun?!..sabay turo kay Danica...at akmang tatayo para puntahan si Danica...at kaagad naman siyang hinarangan ni Arjho na natatakot na mapahiya... Oppsss ....Wag naman...Magsosorry na ako sa iyo...natatawang napakamot na lamang ito sa ulo .. Oh..eh ngayon ano sasabihin mo? nakapameywang pa itong humarap sa lalaki habang nakatayo... Mahal kung prinsesa patawarin mo poh ako sa aking ginawa..Sinasagot mo na ba ako? natatawang biro nito na ikinatawa na lamang din niya ..Ganun kasi sila pagnag-aaway o pagnagbabati...saka naman dumating ang order nito na pagkain.... O sige na kumain kana ..baka ako pa sisihin ni Ninang ng pagkakasakit mo kasi di ka kumain sa tamang oras ..sita nito sa lalaki at kaagad naman itong tumalima kasi baka magbago pa ang isip nito ..At masayang nag-uusap ang dalawa habang kumakain ang mga ito...na siyang ikinaiinggit naman ng dalawa habang pinapanood ang mga ito na nung una nagtatalo pagkatapos malakas na ang tawanan habang kumakain...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD