= Code 6 =

2482 Words
The Bad Girl's Gentleman = Code 6 = To: Olivia-via-via 12.03 am Mission complete. Baz is mine!!!!!! ============== From: Olivia-via-via 8.49 am Pupunta ako ng simbahan. I'll call you later. TELL ME EVERYTHING! ============== 10.26 am CALLING: Olivia-via-via "So?!" ang unang lumabas sa bibig ni Via nang sagutin ko ang tawag. "Tell me every detail, you witch!" "Chill out, I'll tell you everything," sabi ko sa kaniya at pumlakda sa kama ko. Nasa bahay kasi ako. Bahay like my home. Not the apartment. Via and I come home to our parents every weekend. "What happened?! Spill everything!" "Okay, so I was at The Vibe last night all dressed up. Tapos nakita ko na naman doon 'yung sinasabi kong nakilala ko noong nakaraan 'yung nakita pa namin ni Baz sa coffee shop sa ground floor. Then I remembered Baz—well, in fact hindi ko pala siya naalala since hindi naman siya sa isip ko. Hahaha. Anyway, naalala ko nga siya. Gusto ko siya ulit makita siyempre! A week after ng outreach program ko pa siya huling nakita. Remember, noong bumisita tayo sa Skytop?—'yung bar na bago?" "Yeah, yeah, I know that," Via says impatiently. "Inaasar ka pa niya na anong ginagawa mo doon at kung paano ka nakapasok dahil minor ka palang. Tapos tinanong ka din niya kung kasama mo daw ba ang yaya mo dahil nawawala kang bata. Pero dahil gaga ka, imbis na mainis ka kinilig ka pa. Oh ano na? Tuloy na kwento!" "Kakadating ko palang sa The Vibe hindi na ko uminom—milagro hindi ba? Umalis na rin tapos pumunta sa office niya. Sineduce ko siya!" "Wala sa itsura mo. Gaga." "Alam ko! So ayun na nga nandoon nga kami sa office niya..." Halos maubusan na ko ng laway sa pagkekwento kay Via. Tahimik naman siya sa kabilang linya habang nagsasalita ako. "Oh," imik na niya ulit. "Anong sabi niya tapos ng "I like musicals"?" "Wala na," pambibitin ko sa kaniya. Somehow I enjoy torturing other people this way. "Tell me! F.O. (friendship over) na tayo, Gwen, kung hindi mo sasabihin sa'kin kung anong ginawa niyo. Ano, second base? Third base?" "What is second base?" "You know touchy-touchy on what's below there?" "What?! No, you s**t! What are talking about? I just made out with him. Jeez," pag-irap ko kahit hindi niya ko nakikita. "French kiss?" "French kiss?" balik ko sa kaniya at kumunot ang noo ko. "Kissing with tongues, 'te, ano ba?!" "Shut up, Via!" muntikan na kong mapabangon sa inis. "I know what French kissing is." "Eh akala ko kasi nagtatanong ka eh. Napakainosente mo kasi sa ganoong bagay," pagtawa niya sa'kin. Kung mayroon mang idadaig sa'kin si Via—diyan na iyon, sa experience sa lalaki. "I'm not that innocent, you know," I mumble. "So ano na nga? French kiss?" "No, Via," umirap na naman ako. Why do I hate her so much this morning? "We just kissed okay?" "Don't tell me he didn't touch you below your shoulders." "He didn't." "What?! Like, not even on your legs?" "No," I groan. "Not even over the clothes?" "No!" I say sternly. "Bewang lang inabot ng kamay niya, okay? No higher, no lower." Narinig ko naman ang masigabo niyang pagtawa sa kabilang linya. "Nagbibiro lang naman ako, Gwen," she laughs some more. "Pero kasi naman, lalaki ba 'yan si Baz? Baka mamaya bading pala 'yan. O baka naman ikaw may problema? Ano bang suot mo no'n? Baka mamaya balot na balot ka naman pala." "I was wearing my pink slip dress!" "Baka nga bading siya," Via mumbles. "Oh shut up." "OMG! Nakasabay ko pala magsimba si Pete kanina..." Si Pete 'yung soccer player na crush ni Via. Super tagal na niyang crush 'yun pero never naman siyang napansin. Magkasama lang din sila sa iisang village at madalas silang nagkakasabay sa Saturday mass. Tuwing nagkakasalubong ang landas ng dalawang 'yun akala lagi ni Via sila na meant to be. Pagbabasa ko ng tawag yumakap ako ng unan sa dibdib ko. Bakla kaya si Baz? Parang hindi naman? Wala namang sign na bading siya ah? Kahapon lang naging kami alangan namang kung saan na kami makarating no'n? Di ba? 'Yung mga lalaking nakakaharutan ko sa bar hanggang hawak lang sa braso at bewang ang nararating. I am 100% virgin for my whole life. Kagabi nga lang ako nagka-first kiss eh. Mas virgin pa ko sa coconut oil. Bumaba na ko ng bahay at sinalubong ako ng mabangong amoy na nanggaling sa kusina. Oras na kasi ng kain ng tanghalian kaya walang tao sa sala. Hindi ko alam kung bakit sa mga karaniwang libro ang mga babaeng katulad ko laging galing sa broken family. It is strange that I am not. Kumpleto ang pamilya ko. We are six in the family. Dad, Mom, Kuya Archie, Ate Cassidy, ako, and ang pahabol ni Lord na si Guiliana. Naupo na ko sa pwesto ko, sa tabi ni Ate Cass. As usual, wala namang pumansin sa'kin dahil kinakausap pa ni Dad si Kuya. Business pa din ang pinag-uusapan hanggang sa hapag. Ganyan silang dalawa. Mga workaholic kasi. My brother is twenty-four. Matapos siyang kausapin, si Ate Cass naman ang kakausapin niya. She is twenty-one at nag-aaral sa Medical School ng Ostfort. They are perfect children, si Ate at si Kuya. Sa susunod na mga taon, Guiliana will soon follow their footsteps. Sa isang set ng magkakapatid, dapat may black sheep. And that is me. Dati akala ko okay lang sa parents ko kahit maging mapag-bulakbol akong bata. Palibhasa bunso kasi ako noon. They have to eat all the s**t I give them. Hanggang sa dumating si Guilly at nawalan na ko ng dahilan para hindi maging perfect. Guilly and I are twelve years apart. Magf-five pa lang siya ngayong taon. Pagkatapos kausapin ni Dad si Ate, tapos na din kaming kumain. He only has time to ask me one question. "How's school?" "Same as always," I say. He doesn't even bother to ask what "same as always" mean. Maybe kasalanan ko din naman na hindi na nila ako masyadong pinapansin. Besides, it was my idea naman na lumipat ng apartment kesa mag-stay dito sa bahay. But anyway, kahit ganito naman ang pamilya namin, binibigay din naman nila lahat ng gusto ko. Kung ayaw nilang ibigay, I will just keep on nagging them na ibigay sa'kin. At dahil busy nga silang lahat sa kani-kanilang mga buhay at ayaw ng istorbo, binibigay na din nila sa'kin. So that's it. That's how my life works. Bumalik na ko sa kwarto ko at nag-download ng isang katerbang movies na hindi ko naman mapapanood sa loob ng isang linggo. Patingin-tingin din ako sa phone ko. Ba't kaya hindi nagt-text si Baz? Baka umuwi siya sa hacienda? Pero hindi manlang ako tinext? Napasimangot akong napatingin sa bintana. Baka naman late nagising? O di naman kaya busy sa family niya #qualitytime ganern. Pero mukhang sumobra naman ang kanilang #qualitytime dahil dumating ang Lunes ng umaga—nakabalik na ko sa apartment namin ni Via at lahat-lahat—hindi pa din nagt-text si Baz. "What is wrong with him?" pagdabog isinuba ang kutsara sa bibig ko. Kumakain kami ngayon ng agahan ni Via sa aming lamesa at ang aga-aga, Lunes na Lunes, kumukulo ang dugo ko. "Hindi niya ba ko nami-miss?" Natawa lamang si Via. "Chill out, will you? Hindi ba pwedeng hindi pa siya gising ngayon? Nine pa ang bukas ng mga opisina at baka tulog pa siya. Malay mo sa lunchtime ka pala niya tawagan. Ikaw naman, masyado ka kasing hot eh. Family first bago girlfriend 'no?" Natameme na lang ako sa sinabi ni Via. I have nothing against with family first. I'm just his measly girlfriend. Hindi na lang ako magpasalamat na boyfriend ko na siya. Umasa ako doon sa lunchtime na pinagsasabi ni Via kaya naman halos malusaw na ang phone ko sa kakatitig ko dito habang nasa klase. Dumating ang ala-una, tapos na ang lunchtime. Wala pa ding Baz. "Nakalimutan niya bang may girlfriend siya, ha?" tanong ko kay Via habang sumasandok ng ice cream sa isang mataas na baso. Pagsisisihan ko ang calories na kakainin ko pero mainit ang ulo ko kaya huwag niya lang akong mapigil-pigilan. "Maybe he's busy at work," sabi ni Via na siyang may pinagkakaabalahan din sa sariling laptop. "Sabi mo nga di ba, nagt-trabaho siya noong inistorbo mo siya noong Friday. Maybe he is catching up." "Pero kasi—" "Kung gusto mo siyang makausap bakit hindi mo siya tawagan?" "Ako tatawag? Huh," I scoff and cross my arms on my chest. "Excuse me lang, Via, ah? Kailan pa ko nagtawag sa lalaki? Sayang na sayang nga 'yung plan ko dahil hindi ako gumagamit ng pantawag. Sila ang tatawag sa'kin, hindi ako." "Sus, kapag naman nakausap mo na ulit si Baz mawawala din naman 'yang init ng ulo mo. Hala siya, sige, lumayas ka na dito at napaka ingay mo hindi ko matapos 'tong paper ko." Wow, pati talaga si Via ayaw akong kausapin? Huh, iwanan ko nga siya diyan. Nagkulong ako sa kwarto at inilayo ko ang cellphone ko sa'kin. Pinagisipan ko nga kung papatayin ko ang phone pero sabi ko hayaan ko nga si Basil diyan. Tumawag siya kung tatawag siya, hahayaan ko lang mag-ring. Hmph. Matapos ang isang buong baso ng nakakatabang ice cream at ang ilan kong mga papel na kailangang ipasa, nahiga na din ako sa kama. Paikot-ikot ako. Hindi ako makatulog. What is happening to me? Bandang huli, hindi ko naman na din kinaya at tinawagan ko si Baz. Oo, tinawagan ko siya talaga. Papa-ring-in ko lang. Malaman ko manlang kung gumagana ba ang cellphone niya para hindi niya maidahilan na sira ito. Nagri-ring naman pala. Mabilis kong ibinaba ang tawag. Halos alas-onse na iyon ng gabi at baka natutulog na si Baz. Kahit naman gusto ko siyang makausap, sleep is importanter. Hmm, pak! Importanter talaga. At dahil mahalaga nga ang matulog pumikit na ko. Isang malaking himala ang makatulog nang simpleng pagano'n-gano'n lang. Di ko akalain pero ang himbing ng tulog ko, kaya naman nang magising ako sa pagri-ring ng phone ko, halos isumpa ko na ang taong tumatawag. It is Baz. "Hello?" "Hey, baby." His mere greeting is enough to twist my stomach into knots. s**t, I'm f*****g pathetic. Ang hot naman kasi ng boses niya. Paano ba kong hindi matutunaw? His voice mixes with a little static and it sounds deeper and rougher over the phone. "Hey," sabi ko din sa kaniya. "I'm sorry I woke you up." Hiniwalay ko sa tainga ko ang cellphone at nakita kung anong oras na. I groan. "Jeez, Baz. It's two-thirty-four in the morning." "I know, baby. I'm sorry." Pero s**t. Tawagin niya lang akong baby ulit okay na ko. Lintik na 'yan. 'Yung pagtawag niya ng baby parang feather sa tainga ko. Sadyang nakakakiliti. "How was your weekend?" tanong niya. "Fine," kahit na wala akong ginawa kundi isipin kung ano bang pinagkakaabalahan mo at hindi mo ko ma-text kahit isang beses. "How was yours?" "Eventful," sagot niya at narinig ko siyang humikab. "It was my cousin's birthday. We were busy all weekend." Ayun naman pala kasi. Hindi naman ako magrereklamo kung sinabi niya agad, 'di ba? "Hmmm," sabi ko na lang dahil hindi ko alam kung anong sasabihin sa kaniya. "How was your day?" "Oh, I was busy," busy sa kakaisip kung anong pinaggagawa mo at hindi mo pa din ako ma-text kahit nakabalik ka na ng Middle. Napag-alaman ko din na mabilis dumaan ang klase habang iniintay kong mag-ring ang phone ko para lang sa isang tawag o text. "I assume you were busy as well?" tanong ko sa kaniya. Well, naghuhukay lang naman talaga ako ng mga sagot sa tanong na hindi ko kayang itanong sa kaniya. "I was. I am busy always," he says and there is a hint of a smile in his voice. "Hmmm." "Why did you call?" tanong naman niya. Oh s**t. "Kailan?" pagmamaang-maangan ko pa. "Kanina." "Ah ayun? Ha-ha. Napindot ko lang." "Talaga?" he asks with a laugh. We both know I am lying yet I still choose to ride along. "Hmm-hmm." "Baby?" he asks after a moment of silence. "Hmmm?" "I miss you." Napadapa ako sabay takip sa mukha. Nagpapapadyak ako. s**t. I bite my lips and decide that I want to keep my cool. "Oh talaga?" I nonchalantly say. "Yeah," sagot naman niya. Psh. "Hmmm." "Didn't you miss me?" Napangiti naman ako sa tanong niya. Ma-pride ako kaya hindi ko sasabihin kahit miss na miss na kita. "Hindi." "Sabi, kapag daw tumatawag ang isang tao ibig sabihin miss na niya 'yung tinatawagan niya," he says in his entire trying-hard Tagalog accent. "Hindi kaya," pag-deny ko kaagad sa pagtawag ko sa kaniya. He laughs. Sana nandoon na lang ako sa tabi niya. I bet nakalabas na naman 'yung dimple niya. "Seriously, though. I miss you, baby." Napayakap ako sa unan ko. Heto na naman tayo sa kaka-baby niya sa'kin. s**t naman. Pwede bang kumalma muna 'yung pagpilipit ng intestines ko? Ughh. Ba't ba kasi ganyan 'yung boses niya. Gets ko naman na pagod siya but why does he sound so hot? Gee. I'm dye-ing. "Should we sleep?" tanong niya nang humihikab na naman. "Yeah." "Good night, baby." "Good morning." "Don't hang up." "What?" "Don't turn the call off." "Okay." I hear him sigh. Then he doesn't say anything anymore. Inaantok pa din ako kaya naman tumagilid na din ako sa kama at niyakap 'yung unan ko. Every time I close my eyes, my body feels it is Basil beside me. Yuck, dude. Hindi tayo ganiyan, paalala ko sa sarili. But damn, would it really feel nice to sleep beside him? Ang init pa naman ng katawan niya. Parang sumisingaw pagiging hot niya. Gano'n ba talaga 'yun? Hay. I press my face against the pillow and my body reminds me just how Baz smells like. Hay. Heaven. I bite my lips. Can't I just go to his apartment and kiss him good night? Buti sana kung malapit lang eh! Napa-pout ako. I listen to his breathing from the other end of the call. Hindi manlang siya naghihilik? Tulog na kaya 'to? O baka naman busy pa sa kakapindot sa phone? I should be able to hear him tapping on his screen, right? Pero tahimik eh. I shrug. Pinilit kong matulog pero hindi ko talaga kaya eh. It is past three in the morning now and I'm still twisting and turning. Dahil ba hindi ko sinabi sa kaniya na nami-miss ko siya kaya hindi ako makatulog? Dapat ba sinabi ko? Huuuuu. Alangan namang sabihin ko pa ngayon? Gisingin ko pa siya para lang sabihin 'yun? Bukas na nga lang kapag tumawag siya. Pero wait. Dapat pala tinanong ko kung tatawagan niya ba ko bukas!! But wait. I'd sound too desperate kapag tinanong ko sa kaniya 'yun. Hmph, wag na nga. Waiting game is strong naman eh. Hmm! Power! Pero... tatawag kaya siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD