CHAPTER 2

1001 Words
“I think I’m in love” Wala sa sariling sambit ko. “Ly?” Tawag sa akin ni Jasper. “Bakit ka nakatulala riyan? Para kang tanga. Akala ko naka sunod ka sa akin, iyon naman pala ay nag deday dream ka, at sa bungad pa talaga ng entrance ha?” Pang aasar n’ya pa. Napa irap ako sa kanyang pang aasar, Psh! Kahit kailan ay panira talaga itong si Jasper. Nilingon ko muna ang lalaking aking nakabangga bago ako pumasok, hindi ko na nakikita ang kanyang pigura. Marahil ay tinakbo n’ya talaga ang pupuntahan. Tuluyan na kaming pumasok sa cafeteria ni Jasper, turo lang ako ng turo ng mga pagkaing nakikita ko na mukhang masarap, pagkatapos naming omorder ay umupo na muna kami sa aming usual spot nuong first year pa lamang kami. “Sino kaya ang bago nating SSC President?” Nakapalumbabang tanong ko kay Jasper. “No idea. Ikaw kasi, pinili mo pa na gumala sa Disneyland kaysa bumoto. Kaya ngayon, nag wowonder ka kunwari. Tsk. Ugali mo talaga aly.” Saad sa akin ni Jasper habang nakahawak na naman sa kanyang phone. “Hello? Bakit kasi sa birthday ko pa sila nagpapavote! At saka hindi ko naman kilala sino yung tumatakbong officers, parang wala namang kwenta kung buboto nga ako pero hindi ko naman kilala sila. Mas Mabuti pang gumala nalang ako.” Nakasimangot na anas ko. “Ewan ko sayo---Yannah!” Biglang sigaw niya habang nakataas pa ang kamay. Nilingon ko naman ang dereksyon na tinitingnan niya at doon nakita ko nga si Yannah na papalapit sa amin. Bakit andito to? “Zup!” Bati niya sa amin, hinila niya ang silya na nasa tabi ni Jasper at doon umupo. “Anong ginagawa mo dito Yans? Akala ko may orientation kayo?” Takang tanong ko sa kanya. Natawa ako ng umirap siya at dinukdok ang kanyang mukha sa mesa. “Tsk! Boring! Nakaka antok.” Saad niya. Dumating naman ang order namin. Nakabalot ito ng pang take out na supot. Naamoy siguro ng bruha kong kaibigan ang kanyang paborito kaya mabilis itong nag angat ng tingin sa pagkain. “Pahingi.” Turan ni Yannah. Ang mga mata niya ay hindi maalis sa nakabalot na pagkain sa harap. Natawa na lamang ako, kinuha ko ang isang supot at inilabas ang laman. “Here” Saad ko habang nilalatag ang pagkain, tumingin ako kay Jasper na ngayon at tutok lamang sa kanyang cellphone. “Jas, sabayan na muna natin si Yannah kumain, mabilis lang naman.” Ngiting saad ko. “Ge” Tanging sagot niya. Mabilis ko naman na binigay kay Yannah ang spaghetti na nasa aking harap dahil alam ko na ito ang kanyang paborito. Nasasabik na tinanggap niya ito at agad na kinain. Para itoong bata talaga kung kumain, alam ninyo ba na itong si Yannah ay sobrang takaw? AT napakahilig kumain! Hindi maaari na hindi mo siya pakainin sa isang oras dahil nananapak po siya mga kaibigan! At ang sobrang unfair pa ay kahit napakaraming ilagay niya sa kanyang tiyan ay hindi siya tumataba! Totoo nga pong ang unfair ng buhay ng tao, insert pang senti na kanta here. Charettt! HAHAHA Habang kumakain ay nag kukwentohan kaming tatlo---ay! Nag kukwento lang pala ako. Ang bulang naman kasi ng dalawa, sumasagot lang kapag trip nila ang topic. “Wala kayong balak umatend ng orientation?” Biglang tanong ni Yannah habang ngumunguya ng sandwich. Shot! Ngayon ko lang na alala! Mabilis na tiningnan ko ang aking relong pambisig at ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mata nang makita kong 10:12 na pala. “Hala Jasssss! Bilisan natin! Late na us!” Hesterekang saad ko sa aking kaibigang lalaki na prenteng naka upo sa aking harap. Kalmado itong tumayo at binitbit ang dalawang supot na hindi pa nabubuksan. “Tara” Saad niya sa akin at na una na ngang naglakad palabas. Tiningnan ko si Yannah at iniwagayway lamang nito ang kanyang kamay habang ngumunguya pa rin. “See you later Yanneee, we need to go na kasi” Paalam ko at mabilis na hinalikan ang kanyang pisngi. Natawa ako ng pinahiran niya agad ang kanyang pisngi gamit ang likod ng kanyang palad. Patakbo ko na hinabol si Jasper. Pagkarating namin sa conference room ay huminga muna ako ng malalim, habol ko ang aking hininga dahil na rin sa pagmamadali. Bubuksan na sana ni Jasper ang pinto ngunit pinigilan ko ang kanyang kamay. “Wait!” Saad ko. Kinuha ko ang mini pouch sa aking sling bag at kinaykay ito hanggang sa nakita ko ang aking hinahanap. “Tsk! Late na’t lahat mag reretouch pa” Rinig kong bulong ni Jasper. Inirapan ko lamang siya at tinuloy ko ang aking ginagawa. Nang kontento na ako sa aking mukha ay humarap na ako sa kanya na may ngiti sa aking labi. “Buksan mo na po ang pinto sirrr!” Aniya ko. Inismiran lamang ako ni Jasper na siyang ikinangisi ko. Magsusungit pa. Suuusss! Pagkabukas niya ng pinto ay pumasok na ako. Palinga linga ako sa paligid, naghahanap ng bakanteng upoan. Nang may makita ako sa bandang likod ay hinila ko si Jasper. “Dito tayo. Saad ko habang yumuyuko. Nang maka upo na ako ay hinarap ko si Jasper upang hingin ang isang supot ng pagkain. Ngunit ganun na lamang ang gulat ko nang hindi si Jasper ang aking katabi. “Ahh hi?” Alanganing saad niya sa akin. Nanlalaki ang mata ko siyang tiningnan. Ba-bakit hindi ito si Jasper? Nalilito akong lumingon sa aking pinanggalingan at doon nakita ko ang aking kaibigan na palinga linga sa paligid. Marahil ay hindi niya namalayan ang aking pag alis. Binalik ko ang aking paningin sa lalaki. Magsasalita na sana ako nang biglang magsalita ang MC sa harapan. “Now, Let’s give a warm applause to our newly elected SSC President. He is our former SSC Vice President, an accountant 3rd year student, he excels greatly in he’s chosen course and now has become our leader. Mr. Erwin Go!” Malakas na palakpakan ang sunod na aking narinig sa paligid, nangunot naman ang aking nuo ng makita kong tumayo ang lalaki at pumunta sa stage. What the Helephant? Ang lalaking nakabangga ko kanina ay ang aming SSC president? Packaging tape naman dis!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD