tomboy nila ❤️                                           original story by : ghie wille samson

tomboy nila ❤️ original story by : ghie wille samson

book_age16+
89
FOLLOW
1K
READ
others
sex
forced
second chance
tomboy
gxg
bisexual
small town
first love
naive
like
intro-logo
Blurb

habang nakakulong ako sa kwarto, napapatanong ako sa sarile ko if paano magsisimula after mo ibigay sa past mo ang lahat.? mabalik ba ang mga ngite kapag wala ng natira sayo? paano makakabangon ng step by step. Siguro depende pa din sa tao, pero ako ? nahirapan din ako, nahirapan magtiwala muli. Napagod na lang at nagfocus sa anak kong si miyah.

chap-preview
Free preview
Tomboy nila ❤️ @Laguna
"dada paki kuha naman yung damit ni miyah sa cabinet ni mama" -sigaw ko mula sa kwarto ko habang nagbibihis. Pinagsikapan kong mabinyagan si miyah ng makuha ko ang 13th month pay ko sa pinapasukan kong kumpanya. Ako lang, ako lang naman ang magandang sahod sa amin ni daryl na aksidenteng bumuntis sa akin. Si daryl ay nakilala ko sa isang bar ng panahon na niloko ako ni mhadz. Araw-araw akong lasing ng panahon na yon, dahil hindi ko alam kung paano magsisimula muli pagtapos kong ibigay lahat kay mhadz, after kong iikot ang mundo ko sakanya at magdesisyon na siya na hanggang dulo. We've been together ni mhadz since highschool, nagboard kami sa manila kasi same university kami nag-aral and same engineer ang course namin pero siya ay EE, samantalang ako ay CO.E. Natuto akong lumaban at makipagsapalaran sa buhay kahit malayo sa pamilya ko dahil nasa tabi ko naman palagi si mhadz, siya ang naging sandalan at kapitan ko kapag natatakot ako. Mahal ko siya at minahal ko siya ng sobra pero nagawa niya akong ipagpalit sa workmate niyang tinusok na yata halos lahat ng gluta sa pinas sa sobrang puti. Mapagkakamalan mo na nga siyang babae sa balete. Naiinis pa din ako sa kanilang dalawa everytime na nag-flashback ang scenario ng gabi na mahuli ko sila sa mismong tinutuluyan namin na apartment. May mga bagay na hindi mo lubos akalain na magagawa mo kapag galit ang bumalot sa katawan mo. Hindi ko akalain na masasaktan ko sa physical yung taong minahal ko ng 8years, Oo walong taon akong nagmahal ng isang tomboy na yearly nahuhuli kong niloloko ako pero ang pinakamasakit ay yung dinala pa niya sa apartment namin at doon pa sila nagkemehan. Minsan tinatanong ko sa sarili ko, ano bang kulang sa akin? Pero hanggang ngayon hindi ko pa din nasasagot ang tanong sa isip ko, 2years na simula ng gabing iyon. Pero fresh pa din sa akin lahat. Wala na din akong balita kay mhadz after niyang umalis papuntang norway. " mimi ako na magbibihis kay miyah, para makapag-ayos ka na" - sabi ni daryl mula sa labas ng kwarto ko. Napaka-maasikaso lang talaga ni daryl when it comes to miyah pero hindi ko siya magawang mahalin, hindi naman ako masamang tao para hindi siya pakisamahan ng maganda. Binuksan ko ang pinto ng kwarto habang naglalagay ng blush-on sabay pumasok si daryl at dumeretcho sa kama kung saan mahimbing ang tulog ni miyah. "pormado ka dudong ah, saan ang date natin ?" -biro ko habang nakatingin sa kanya, nakalongsleeve siya na peach kaya mas lalong lumabas ang kaputian niya, blackpants at brown na leather shoes. Fit na fit sa kanya ang suot niya kaya lumalabas ang mga muscles niyang 5years niya na daw mini-maintain. " de-date natin ?? pa-payag ka na ?"- nauutal niyang sabi na parang excited na marinig ang sagot ko. " baliw ! it means date mo, masyado kang nakaporma. I thought may date ka after ng binyag ." -bawi ko sabay tumayo na at umupo sa kama. " mimi what if kung subukan natin ulit ? what if magsimula tay---" tanong niya " da how many times do i need to explain to you, masasaktan ka lang at mahihirapan lang ako. Sinubukan naman natin diba ? 1year tayong nagsama kasi sabi nila ayon ang tama. Sabi nila na napag-aaralan din ang lahat. Sabi nila na mahirap lang daw talaga sa umpisa pero hindi e, mas mahihirapan tayo pag hinyaan natin na sila ang magcontrol sa buhay natin. Huwag na natin ipilit da, huwag mo ng ipilit kasi hindi magbabago ang desisyon ko. okay ?" - bakas sa mukha niya ang lungkot pero ano ba ang tamang gawin ? ang magsama kami para kay miyah? Nasasaktan din naman ako kapag nakakasakit ako ng tao tapos tatay pa ng anak ko. "mianne anak , matagal pa ba kayo ? tara na at baka mahuli pa tayo" -tinig ni mama mula sa labas ng kwarto. Si mama na ang pinakadabest sa lahat ng dabest na nanay na nakilala ko. Kahit ilan beses akong nadapa sa mga maling desisyon ko, siya ang laging nagtatayo sa akin. " palabas na po,sasapatusan na lang si miyah " - sagot ko sabay pinatay na ang aircon at kinarga na si miyah na siksik sa taba. Sino ba naman hindi magmamahal ng sobra kay miyah. Kaya lahat ibubuhos ko para sa anak kong si miyah. Pagbaba namin kinuha agad ni papa si miyah at pinilit gisingin.Kay papa lang tumatawa ng malakas si miyah dahil si papa lang ang lagi niyang kasama kasi pumapasok kami ni mama sa trabaho. Maayos na ang lahat, nakaset-up na din ang mga table, nag-aabang na din ang mga ninong at ninang para sabay-sabay na kaming pupunta ng simbahan. " pa si kuya nasan ? " - tanong ko habang tinatawagan ang cellphone ni kuya. " nasa van na, hinihintay na lang kayo. Huwag mo ng tawagan at wala siyang cellphone dahil binasag nanaman ni ate yanyan mo." -pagpapaliwanag ni papa habang pinapatawa si miyah. " nanaman? "- taas kilay kong tanong " kuya tagay mo na , tara na! " - aya ni tito cris kay papa kaya kinuha ko na si miyah kahit sobrang bigat. " pa baka naman pag dating namin mamaya, naghihilik ka na ha ?"- asar na sabi ko " ay hindi , ako pa ba ? matigas ata to sa inuman ! may hinhintay akong bisita na balikbayan , ayos lang naman sayo na mag-imbita ko ng mga kaibigan ko diba ?" - nakangiteng sabi ni papa, tumango na lang ako at ngumite sabay naglakad na papuntang van. " da-daryl , bumalik ka ha ? may papakilala ko sayo mamaya, mag-inuman tayo para masundan na din yang apo ko hahahah"-pahabol ni papa kay daryl na nasa likod ko sabay nagtawanan ang mga kainuman ni papa. " o-opo " -matipid na sagot ni daryl sabay inakbayan ako. " para saan yang akbay na yan ? feeling mo naman makaka-score ka mamaya? " - sabay tinanggal ko ang pagkakaakbay ni daryl sa balikat ko,simula umpisa hindi ko naramdaman ang spark na naramdaman ko kay mhadz sa ibang lalake na nakikilala ko. Hindi lang naman ako nag-try kay daryl, may mga sumubok din manligaw pero wala talaga, wala na yung kuryente at kilig na hinahanap ko, maybe because may anak na ako. Pero ganon ba talaga kapag may anak na? Nagiging manhid na ang puso? or dahil sa mga karanasan kong mga sakit sa buhay kaya nagiging matigas tayo? Magkatabi kaming umupo sa van ni daryl. Kasama ang magiging kumare at kumpare namin . --

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
56.9K
bc

NINONG III

read
404.8K
bc

NINONG

read
383.8K
bc

Beauty As The Beast

read
35.9K
bc

NINONG II

read
642.0K
bc

BAYAW

read
78.9K
bc

POSSESSIVE HEIRS1-ACE ANDERSON

read
71.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook