OBSESSION 8

1764 Words
Nagising ako at napangiti dahil sa sarap ng naging tulog ko. Dahan-dahan kong inimulat ang mga mata ko at kinapa ang tabi ko. Nang wala akong makapa na tao ay tiningnan ko na ito at nakitang wala si Jax sa tabi ko. Nasaan kaya siya? Tiningnan ko naman ang orasan at nakita na… shocks! Alas-dos na pala ng madaling araw! Gano’n na kahaba ang tulog ko? Mula tanghali hanggang madaling araw. Fourteen hours na pala akong natutulog! Napabangon tuloy ako ng wala sa oras nang makita ko ‘yon. Madilim na rin sa kwarto, kaya binuksan ko muna ang lampshade. Kung ganitong oras na pala, nasaan si Jax? Bakit hindi ko siya nakikita ngayon dito sa kwarto? Dapat ay tulog na rin siya ng ganitong oras, e. Naalala ko tuloy na sobrang miss na raw niya ako kanina. Pero ‘di ko siya napagbigyan at nangako na mamayang gabi na lang. Tapos madaling araw na pala ako magigising. Nako! Kailangan kong bumawi ng sobra nito kay Jax. Alam ko na nagtatampo na ‘yon sa akin. Pero siguro naman ay naiintindihan din niya kung bakit ako nakatulog ng gano’n kahaba. Sobrang puyat na puyat kasi ako. Hindi ko inaasahan na hindi pa babalik ‘yong kapalitan ko sa flight. Apat kasi kami na cabin crews kapag long flight. Ang dalawa ay para sa kapalitan namin ni Yesha. Pero dahil nga mas antukin si Yesha sa akin, ako ang hindi napalitan. Si Bry ang pumalit kay Yesha after. Tulog mantika rin si Yesha, kaya hinayaan ko na lang. Ang nasa isip ko na lang ay makakabawi naman ako ng tulog kapag nakauwi na. At ito na nga, napasarap na ako ng tulog at nakabawi na ng sobra. Lumabas na ako sa kwarto para tingnan kung nasaan si Jax. “Love? Where are you?” tawag ko pa sa kaniya. Pero ‘di rin nakabukas ang mga ilaw sa kusina at sa salas. Nang mabuksan ko na ang lahat ay hindi ko siya nakita. Napakunot naman ang noo ko. Saan naman siya pumunta ng ganitong oras? Kinuha ko naman ang phone ko at nakita na wala naman siyang text sa akin. Kaya naman ay tinawagan ko na lang siya. Hinintay ko na sagutin niya ang tawag ko, pero ‘di niya sinasagot. Maya-maya ay nakatanggap ako ng text mula sa kaniya. From: Love Love, gising ka na ba? I’m sorry hindi na ako nakapagpaalam sa ‘yo. Bukas na ako makakauwi ng umaga. Pinuntahan ako d’yan sa bahay kanina nina Rhex at nagkayayaan ulit na mag-inuman. Me: Answer my call, Love. Tinawagan ko na lang muli siya. Mga naka-apat pa na ring bago niya sinagot ang tawag ko. “Hello, Love? I’m sorry. Hindi naman kita magising kanina para magpaalam. Wala rin naman akong ginagawa d’yan dahil tulog ka pa, kaya sumama na muna ako,” sambit niya agad sa akin. “Saan kayo nagpa-party ngayon? Parang ang tahimik yata sa lugar mo.” “Lumabas kasi ako, Love. Para makausap kita ng ayos at magkarinigan tayo. Pero hindi rin naman ‘to bar. Narito lang kami sa bahay ni Rhex ngayon at nag-iinuman. Mga bagsak na rin sila. Medyo may tama na rin ako, eh. Gusto ko sana na umuwi ngayon, pero ‘di naman ako pwedeng mag-drive na nakainom. *Kung hindi ka sana natulog ng matagal, e ‘di sana ay ‘di ako umalis.*” Hindi ko narinig ang huling sinabi niya. “Huh? Hindi ko narinig ‘yong huli, Love. Ano ‘yon?” tanong ko pa sa kaniya. “Sabi ko Love naiihi na ako. Why?” “Gusto mo ba na sunduin kita d’yan sa bahay ni Rhex? Just send me the location of his house. Para masundo kita at mas komportable ang tulog mo rito sa bahay, Love,” suhestiyon ko pa sa kaniya. Para rin makabawi ako sa kaniya at maalagaan siya ngayong nakainom siya. Napapadalas na rin yata ang inuman nila. “That would be a hassle for you, Love. Kung susunduin mo ako rito na naka-kotse, paano naman ‘yong kotse ko? Babalikan pa? Magpapahulas lang ako at uuwi na rin ako d’yan mamayang umaga. Masiyado mo naman akong miss e,” tumatawa pa na sagot niya sa akin. Wala na rin naman akong magagawa pa kundi ang hayaan muna siya na matulog doon. Kasalanan ko rin naman dahil na-bored siya sa bahay. Alam ko naman na hindi siya nagpunta ngayon sa main branch ng bar and resto niya ay dahil gusto niya akong makasama. Pero matulog lang ang ginawa ko ngayong araw, kaya babawi na lang ako sa kaniya. “Sige, Love. Ingat ka bukas. Hintayin na lang kita na makauwi bukas ng umaga. Kakain lang din muna ako ngayon bago ako matulog ulit.” “Thanks for understanding, Love. Last naman na inuman na namin ‘to ngayon. Mga abala na rin naman sa trabaho ang mga kaibigan ko.” “Ingat ka bukas. I love you.” “I love you so so so so much!” Pinatay ko na ang tawag matapos no’n. Naghanda na lang ako ng makakain ko. Nakaramdam na ako ng gutom dahil kanina pang lunch ang huli kong kain. ‘Yong inihanda pa ‘yon sa akin ni Jax. Nang makapagluto ako ay kumain na rin ako agad. Tapos nag-shower ako nang matapos na kumain. Matapos mag-shower ay dumeretso na ulit ako ng higa. Kahit ang haba na ng tulog ko kanina ay hindi ko pa rin maiwasan na hindi antukin ngayon. Lalo na at malamig pa naman dito sa kwarto ko. *** Kinabukasan ay nagising ako ng alas-otso ng umaga. Kumilos na agad ako para makapaghanda ng breakfast namin ni Jax. Wala pa rin si Jax, pero baka pauwi na rin ‘yon. Nag-text naman ako sa kaniya bago ako magluto. Me: Good morning, Love! Anong oras ka uuwi? Matapos ko siyang i-text ay naghilamos na muna ako. Tapos ay nagpunta na ako sa kusina at naghanda ng mga kakainin namin. Mas masarap si Jax na magluto kaysa sa akin. Kaya nga nagtayo siya ng restaurant kasama ng bar. Mahilig kasi siyang magluto noon pa lang. ‘Yon din ang isa sa kinagustuhan ko sa kaniya ng husto. Si Jax ay talagang husband material. Magaling at masarap magluto, maalaga, mabait, masunurin, matalino, at may galang sa akin at sa mga magulang ko. Bonus na ‘yong pagiging gwapo niya at ang ganda ng katawan niya. All-in package na si Jax. Lahat talaga ay nasa kaniya na. Kaya talagang ang swerte ko at siya ang napangasawa ko. Normal na rin naman sa mag-asawa ‘yong magyaya na mag loving-loving. Talagang ‘di ko lang napagbigyan si Jax kahapon sa sobrang pagod ko. Pero ako na ang bahala sa kaniya mamaya. Babawi ako sa kaniya. Marunong din naman ako na makaramdam. Alam ko na nagtatampo siya sa akin. Lalo na at matagal-tagal din na ‘di kami nagkikita at nagkakasama dahil sa sobrang abala ko sa trabaho ko. Pero masarap din naman ako na magluto. Ang iniluto ko ngayon ay nilagang manok at bacon. Gusto ko kasi na may bacon kada breakfast. Nang mailuto ko na ang lahat ay sakto naman na pumasok na si Jax sa bahay. Nag-nilaga ako para kay Jax. Malamang ay may hangover ‘yon mamaya. “Love! Good morning!” excited na bati ko na agad sa kaniya. Nakita ko na gusot ang kaniyang suot na damit, tapos medyo magulo pa ang buhok. Nilingon niya ako at nakita ko na mapungay din ang kaniyang mga mata. Baka kulang pa siya sa tulog dahil sa itsura niya ngayon. Nginitian naman niya ako at saka lumapit sa akin. “Hey. Are you okay?” tanong ko pa sa kaniya. Aalalayan ko sana siya pero lumayo siya agad sa akin. “May hangover pa ako, Love. Tsaka amoy alak din ako. ‘Wag ka munang lumapit sa akin,” sambit niya. “Ano ka ba? It’s fine with me, Love. Asawa naman kita at responsibilidad ko na alagaan ka. May hangover soup ako na ginawa. Sakto ang dating mo dahil luto na. Kumain ka na muna para mabihisan na kita mamaya at makatulog ka pa.” “I’m so lucky to have you as my wife, Ayi,” pangbobola pa niya sa akin. Natawa na lang ako. Ang sweet naman talaga kapag nakainom ng asawa ko. Hindi naman siya sobrang palainom. Ngayon lang siya napapadalas. Pero ayos lang naman sa akin. Habang abala ako sa trabaho ko, gusto ko rin na magliwaliw si Jax kahit papaano. Basta alam niya ang limitations niya ay ayos na sa akin. “Mamaya mo na ako bolahin kapag wala nang alak sa sistema mo. Umayos ka na at ihahanda ko na ang mga pagkain sa harap mo.” Pinaupo ko na siya sa harap ng lamesa at inihanda na ang mga pagkain. Binigyan ko siya ng kanin at nilagang manok. Matapos kong maihanda sa harapan namin ang mga pagkain ay kumain na kaming dalawa. “I knew it. This is the best soup that I have ever taste.” Natawa naman ako sa reaksyon niya. “Kaya kumain ka ng marami, para mahimasmasan ka na agad at mahulasan. Lilinisan pa kita mamaya.” “Linis lang ba ang gagawin natin, Love? Wala na tayong gagawin na mas… exciting? You know,” pilyo pa na sambit niya sa akin. Medyo slow ako minsan dahil may pagka-inosente pa ako. Pero naiintindihan ko naman minsan ang mga banat niya na gano’n. Ngayon na mag-asawa na kami ay nakita kong medyo nagiging wild na si Jax. But that’s fine with me. Alam ko naman na sa akin lang siya naging gano’n. Tsaka normal na rin naman ‘yon dahil mag-asawa na kaming dalawa. Noong mag-girlfriend at boyfriend pa lang naman kami ay hindi niya ‘yon sinasabi sa akin. Tsaka ‘di rin naman ako nababastusan sa mga salitang ginagamit niya. Ramdam ko na may halong respeto pa rin ‘yon sa akin. “We will see later,” nang-aasar pa na sambit ko sa kaniya. Nang matapos kaming kumain ay inalalayan ko na siya papunta sa banyo. Nag-toothbrush muna kaming dalawa at saka ko siya tinulungan na mag-shower. Para matanggal ang amoy ng alak sa katawan niya. Akala ko ay siya lang ang magsha-shower, pero idinamay na niya ako. Tinanggal na niya ang mga damit ko. Tinotoo na ngang hindi lang linis sa kaniya ang gagawin namin, dahil magpapainit pa pala kami ng aming mga katawan sa malamig na tubig na lumalabas mula sa shower. “Ah. Walang tatalo sa sarap mo, Ayi.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD