SOPHIA BUONG biyahe kong iniisip si Red. Hindi man lang ito nag-text o tumawag sa akin tulad nang madalas naming nakaugawian kapag pagkatapos namin magsama. Pinaghanda ko pa naman siya ng cookies for him na bake ni mommy kagabi, para daw sa amin ni Red 'to dahil sa buong linggong pagiging abala nga. Nandito ako ngayon sa department ni Red. Since, familiar na rin sa akin ang mga kaklasi at kahit na maging kaibigan niya hindi na ako mahihirapan magtanong kung sakaling nasaan siya. "Hi... Nasa loob ba si Red?" tanong ko sa isang lalaking nasa labas ng pinto. Nahihiya kasi akong sumilip at maraming tao sa labas. "Hindi e. Tanong mo na lang sa kaibigan nyang si Juanito o 'di kaya si Lenard," tugon naman nito sa akin. "Nandiyan na ba sila?" tanong ko ulit dito. "Saglit lang, Miss. Titin