Chapter 15 : Worried si Baby boy.

1000 Words

SOPHIA MASAYA akong nakauwi. Hindi na ako mismo nagpahatid kay Red sa bahay at baka malaman niya ang tungkol sa akin, dito rin kasi noon nakatira si Kuya Brian noong nasa Pilipinas pa lang siya. Mahirap na. Kailangan kong magdoble ingat kay Red, lalo pa ngayon at medyo napapalapit na rin kaming dalawa sa isa't isa. Hindi ko inaasahan ang bagay na 'to, ang buong akala ko magtatagal ang panahon na magiging malambot ito sa akin pero hindi. Ito na nga mismo ang nag-alok na makasama ako. Feeling ko talaga, nagpapaikot lang 'yon gusto lang din ako makasama n'on. "Malapit na magdapit hapon, Sophia. Hindi iyan uwi ng isang dalaga," bungad sa akin ng Mommy Carol ko. Nasa paanan na pala ito ng hagdan hindi ko man lang napansin. "Naku, Mi... Feeling ko may nakalimutan ka," ani ko sa kaniya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD