RED ILANG minuto na rin akonng nandito sa university. Hinihintay ko na lang ang pagdating ni Sophia, nag-text na ito sa akin na papunta na siya at nag-reply na rin ako sa kaniyang hinihintay ko siya. Sinadya ko talagang hindi kumain sa bahay kahit na paborito ko ang pagkain na hinanda ni Manang para sa almusal ko. Hindi ko na rin hinintay pang gumising si mommy para magpaalam akong aalis na. Actually, hindi pa rin kami nag-uusap at kahit na si daddy. Hindi man lang nito inaabala ang sariling kontakin ako at e-explain sa akin ang mga pinagtapat ni mommy. Mabuti na lang at nandoon naman ang mga katiwala namin habang wala ako, sila ang bahala kay mommy. Time to time nag-te-text naman sila sa akin kung kamusta ba ang nanay ko sa bahay namin. Maayos naman daw si mommy at bumababa naman par