Ang pag ibig ay walang pinipiling edad o kasarian. Ngunit sa mundong ating ginagalawan mali ang umibig ka sa kapareho mo ng kasarian. At kahit isinisigaw ng puso mo na tama ang pagmamahal mo, sasalungat ang isipan mo dahil sa mga komento ng mga taong nasa paligid mo dahil mali ang ginagawa mo. Kailan nga ba naging mali ang magmamahal? Mali nga ba na magmahal ng kapwa natin babae o lalaki? O baka naman sadyang may mga tao lang talaga na huhusgahan ka base lang sa nakikita nila.
Si Rico, gwapo, mayaman, halos lahat na ng katangian na gugustuhin ng isang babae ay nasa kanya na. Ngunit sa likod ng matikas niyang katawan at gwapong mukha ay nagtatago ang isang maganda at pusong babaeng katauhan. Mananatili kaya siyang barako sa paningin ng lahat kung dumating na ang lalaking magpapatibok ng kanyang puso?