Chapter 4

2408 Words
Nasa The Midnight Haven na ngayon si McKenzie kasama ang buong gang dahil maagang natapos ang kanilang klase. Kasalukuyan silang nagpa-party dahil sa pagiging heiress niya. This is our first time to celebrate an occasion in a simple way. It is very unusual for us because we often celebrate abroad and there's always a grandiosity in it. They are having fun in the VIP lounge. Halos lahat na ata ng mga alak at cocktails ay in-order na nila dahil sagot lahat ni McKenzie. Hindi na sila magkandaugaga sa pag-inom pati ang mga pulutan ay hindi rin nila pinalampas. This is our life. We get what we want in just a snap. Problems? There's no such thing as that to us because we have everything especially money. With that being said, it can also give us everything. Nang magsawa na silang uminom at kumain ay nagkayayaan naman silang sumayaw. "Let's dance guys!" sigaw ni Aubrey. Sumunod naman sila at pumunta na sa dance floor saka nagsayaw na. (Animals by Martin Garrix playing) Bigay-todo ang bawat isa sa kanila sa pagsasayaw at bawat ritmo ng tugtugin ay kanilang sinasabayan. Wala silang pakialam sa paligid at nagpapaka-wild lang na tila parang sa kanila lang ang mundo. Mayamaya ay naririnig na nila ang mumunting halinghing ni Aubrey. Naghahalikan na silang dalawa ni Black samantalang ang iba naman ay naghihiyawan na sa magkasintahan. "Dang, Aub and Black!" "Sana all!" "C'mon guys, let's party harder!" Ilang minuto pang pagsasayaw ay bumalik na sila sa kanilang puwesto. Inuman at kainan ulit. "Let's go downstairs. Doon naman tayo magsayaw and meet other people!" masiglang yaya ni Nat sa mga kaibigan. "Nice idea, let's go!" Umalis na muna silang pito sa VIP lounge at pumunta sa first floor. Nandoon kasi ang pam-public na dance floor kung saan ang lahat ay magkakasama. Kahit lasing na ang iba sa kanila ay tuloy pa rin sila. Sayaw na naman at kung sino-sino na ang kanilang nakakasayaw. We're enjoying the night and partying like animals. Mayamaya ay napansin ni McKenzie na may lumapit kay Nat na isang babae at sinunggaban nito ng halik si Nat. Ang hitad naman niyang kaibigan ay humalik din pabalik. "Woah, woah Nat!" kantyaw ni Eiji rito. "So hot Nat!" segunda naman ni Tyler. Si Nat naman ang kanilang hiniyawan habang may pasipol-sipol pang nalalaman ang tatlong mokong. Malala na talaga sila. Kailangan ko na ata talagang tanggapin na may mga baliko akong kaibigan. Ilang sandali lang ay humanap na sila ng mauupuan sa first floor at 'di naman sila nabigo. Dito na nila ipinagpatuloy ang pag-iinom. Habang nakaupo na sila ay sumunod pala sa kanila ang kahalikan ni Nat. "Hello guys, I'm Sab. Do you mind if join you?" "No problem Sab. Welcome!" magiliw na sagot ni Eiji at umupo na si Sab sa tabi ni Nat. Walo na silang magkakasama ngayon. The more, the merrier. Ilang saglit pa ay may dumating na isa pang babae at mukhang tinitingnan nang malagkit si Reign. Kaya ngumuso sila kay Reign na itinuturo ang babae at hinalikan agad ito ng huli. Hiyawan, tawanan at asaran ang nangyari sa kanilang table. Sobrang saya nila dahil may nakakuwentuhan at kasama silang iba. Halos ang mga kasama ni McKenzie ay nagme-make-out na. Siya naman ay umiinom lang. "Hey Mc! Wala ka bang balak makipag-flirt diyan ha? Besides, wala naman 'yong bf mo," nang-aasar na tanong ni Eiji sa kanya. "I'm not in the mood Eiji. Besides, I just want to get drunk tonight and have some fun. What about you?" tugon niya habang hawak ang isang glass ng tequila. "Why not? You ain't fun Mc. Anyways, I'm actually eyeing on that girl," sagot naman nito sa kanya habang inginunguso ang isang babae. "C'mon!" sabay hila nito kay McKenzie. Nagpupumiglas pa siya pero mahigpit ang pagkakahawak sa kanya ni Eiji kaya wala na siyang nagawa. Nang makarating na ulit silang dalawa sa dance floor ay agad nilapitan ni Eiji ang babaeng kanina pa niya inginunguso. Lumayo si McKenzie nang kaunti sa dalawa at sumayaw na sila. Ilang saglit lang ay naghahalikan na ang dalawa. Bigla siyang kinilabutan at napairap na lang dito. Bumalik na siya sa table nila dahil 'di niya matagalan ang kanyang nakikita. Sa kanilang magbabarkada, si Black, Aubrey, Nat, Silver at Reign ang mapupusok. Mapababae o lalaki ay matitinik ang dalawang baliko na si Nat at Silver samantalang gano'n din si Reign sa mga babae. Sila ang mga tinaguriang dakilang playboy at playgirl ng kanilang grupo dahil ni isa ay walang sineseryoso ang mga ito at puro fling lang ang gusto. Si Ty ang pinakapihikan sa kanila. Ni hindi ito lumalapit sa ibang babae at puro libro ang hawak palibhasa may sariling mundo at laging seryoso. Patuloy lang si McKenzie sa pag-iinom nang magawi ang paningin niya sa bar counter. Nando'n lang naman ang stupid waitress na nag-served sa kanila no'ng nakaraan. Busy sa paghahalo ng cocktails at gumagawa pa ng bartending tricks. Teka, bigla atang uminit ang ulo ko dahil naalala ko na naman ang walang habas niyang pagbunggo sa akin. Hindi talaga magandang pangitain ang stupid waitress na 'yon dahil nakakabadtrip siya. Ang sakit niya sa mata. Lumagok ulit siya ng alak at ibinalik ang tingin sa bar counter. Gano'n pa rin siya, mukha pa ring stupid. "Uy, matunaw 'yan Mc. Tama na 'yan!" "Huh? What?! Anong matunaw ka diyan Eiji? Pinagsasabi mo?" sarkastikong sagot niya. "Paano naman kasi, kanina pa ako rito. 'Di mo man lang ako namalayan dahil titig na titig ka do'n sa bartender oh," sabay nguso nito sa taong abala sa bar counter. "Shut up Eiji! Tigil-tigilan mo ako saka puwede ba, 'wag mo akong malapit-lapitan baka hawaan mo pa ako, lalo na kayong dalawa ni Nat," singhal niya. Baka ano pang gawin ng punyetang Eiji na 'to sa 'kin. "Oo na Mc. Alam kong una pa lang type mo na 'yong bartender na 'yon eh. Sad to say, bawal ka na kasi may boyfriend ka na kaya akin na lang si Miss Bartender," at kunwaring nag-sad face pa ito kay McKenzie. "Tingnan mo, sino bang hindi mapapatitig sa kanya? Napaka-cool at hot niya." "Sinusubukan mo ba talaga ako Eiji? Gusto mo atang magdilim na ang paligid mo? Kaya manahimik ka na lang diyan!" nanggigigil niyang sabi habang pinapatunog ang mga daliri. "Oh ano na naman 'yan ha? Kayong dalawa nagbabangayan na naman! Sino ba 'yan? Care to share? biglang singit ng pakialamerang si Nat. "Wala naman 'to Nat. Basta pupusta ako sa 'yo Mc na type mo 'yong bartender. Malakas ang radar ko pagdating sa mga ganyan kaya naman oh, five million, call or fold Mc?" at nakakalokong ngumiti si Eiji kay McKenzie at akmang may tatawagan na 'to sa phone. Sinusubukan mo talaga ako. Konting-konti na lang talaga Eiji. "I don't care about your shits, Zamora. f**k off!" "Ano ba kasi 'yon Pilak?! 'Di ko kayo gets ni Kenz," sumisigaw na rin si Nat. "Napakatsismosa mo talaga kahit kailan Nat! Just shut up! At ikaw Zamora, umayos-ayos ka!" sigaw niya sa dalawa habang dumadampot ng maibabato sa mga ito. "Why so weak Mc? Pustahan lang naman, wala ka na bang pera? It's just a five million saka kung wala, ba't ganyan ka maka-react ha? Nako, napaghahalataan," patuloy nitong pang-aasar kay McKenzie habang sinusuklay ang buhok niya gamit ang kanyang daliri. Dali-daling lumapit si McKenzie kay Eiji at hinampas ang huli nang malakas kung saan-saan at hinila nang paulit-ulit. Pilit sinasalag ng huli ang mga hampas niya pero 'di rin siya nagpatinag. Huwag mo akong sinasagad Eiji. Bilib na bilib ka masyado sa sarili mo eh kung isampal-sampal ko sa pagmumukha mo 'yang ipinagmamalaki mong five million? Barya lang 'yan sa 'kin. Patuloy pa rin na inaasar ni Eiji si McKenzie habang tumatawa nang malakas. Hindi ata 'to nadadala kahit sinasaktan na. "Ano ba kasi 'yon Pilak at Kenz?! Kanina pa ako nagtatanong!" Halos mabingi na silang dalawa sa sigaw na 'yon ni Nat kaya napalingon silang lahat sa kanya  pati na rin ang ibang taong naroroon. "Wala 'yon Nat saka dito lang 'yong usapan oh," sarkastikong sagot ni Eiji habang sinesenyas kunwari na sa puwesto lang nilang dalawa ang usapan. Sumimangot lalo ang huli kaya 'di na nila pinansin at tinawanan na lang si Nat. Akala nila ay tuluyan ng tatahimik sa kanilang table nang biglang sumigaw na naman si Nat. "Guys, look! 'Di ba 'yan 'yong nag-served sa 'tin before?" sabay turo nito sa bar counter. "Nandito lang pala si crush ko, dito na lang tayo 'wag na sa VIP lounge." Sinamaan agad ni McKenzie ng tingin si Nat para huminto na pero imbes na matakot ito sa kanya ay ngumiti pa ito nang nakakaloko. Nakakairita na talaga 'tong dalawa. Hindi rin talaga magandang kasama ang mga ito palibhasa parehas ng type. "Hey ladies and gents, can you please stop? Don't tell me I'm the only one who is a straight woman here?" sita sa kanila ni Aubrey at kay McKenzie mismo itong nakatingin. "Whatever Aub, do your f**k. And please, tumahimik ka na lang din," naiiritang tugon niya at napahilot na lang sa kanyang sentido. Hindi na niya pinansin ang mga ito pero si Eiji at Nat ay patuloy pa rin sa pagbabangayan. 'Di na sila natapos at nagsawa sa letseng waitress na 'yon. Mayamaya ay paalis na naman si Eiji. "Hoy Eyji, saan ka na naman pupunta?" "Bakit Mc, gusto mong sumama papunta sa bar counter?" Walanghiyang Eiji na 'yon, ngumisi pa talaga sa 'kin bago umalis. Natanaw kong mukhang tuwang-tuwa ang gago dahil nagtatawanan lang naman sila no'ng bartender. Hinayaan na lang ito ni McKenzie at itinuon na sa iba ang kanyang atensyon. Biglang nag-vibrate ang phone niya. Nag-text ang nobyo niyang si Royce. "Ciao amore mio come stai? I miss you so much. I'm sorry if I'm not around. Been busy lately here in Spain. Stai attento ti amo così tanto!" "Ok. I miss you and love you too. Take care mi amore," tanging reply ni McKenzie. Ramdam ni McKenzie na medyo nawawalan na ng oras sa kanya si Royce at bilang nobya nito, iniintindi na lamang niya ang sitwasyon dahil isa na itong ganap na doktor at nag-aaral ulit. May mga pagkakataon na nagtatampo si McKenzie kay Royce pero hinahayaan na lang niya since she believed that Royce is working really hard for their future. "Oh Kenzie, what's with the face? And who are you texting with? Royce?" usisa ni Aubrey sa kanya. "Yeah. He texted me and as usual, nothing new." 'Di na natapos ang kanilang usapan ni Aubrey dahil dumating na si Eiji. May kasama ito at may dalang mga alak at pulutan. "Nag-order ulit ako ng pagkain natin at nag-request ako na siya ang magdadala rito," paliwanag nito sabay turo sa waitress na kinaiinisan ni McKenzie. Biglang bumangon na naman ang inis ko dahil nandito na naman siya. My wonderful night is now messed up dahil sa bwisit na waitress na 'yan. Inilapag na nito ang mga dalang orders. And guess what? Mga napipipi na ang mga kasama ko tuwing nandito 'yang stupid waitress na 'yan letse. Ayon na naman sila, nakatitig lang sa ginagawa nito. "Excuse me miss? I think nakita na kita somewhere," biglang sambit ni Sab sa waitress. Kumunot naman ang noo ng waitress at ngumiti na lang nang tipid kay Sab. "Thank you so much Kale. Why don't you join us?" 'Di inaasahan ni McKenzie ang pagyaya ni Eiji sa huli kaya mas lalo siyang nabwisit at 'di mapakali. "You're welcome ma'am. Pasensya na po pero busy po ako saka nakakahiya po na maabala ko pa kayo." "Please Kale? We are your customers so we have the right to request anything we want, right?" pilit pa rin ni Eiji pero sumabat na si McKenzie. "Let her be Eiji. Kung ayaw niya, huwag mo ng pilitin," mariing sabi ni McKenzie pero hindi man lang siya pinansin nito at ngumisi pa habang nakatuon pa rin ang tingin sa waitress. "O-okay po ma'am," nag-aalangang sagot nito at umupo na sa tabi ni Eiji. Nagngingitngit ang loob ni McKenzie ngayon dahil tuluyan ng nasira ang gabi niya na dapat ay silang pito lang ang mag-ce-celebrate. Nagsimula na ulit silang mag-inuman at tulad kanina ay nagkuwentuhan na naman sila habang ang iba ay naghaharutan pa rin. Tuluyan na ring nawala ang mood ni McKenzie. Ilang saglit lang ay naririnig niyang nagtatawanan at nag-aasaran si Eiji at ang katabi nitong waitress kaya nanlilisik ang mga mata niyang tumingin sa mga ito. "So Kale, may kilala kasi akong babae na may lihim na pagtingin sa ibang babaeng tulad mo," nakakalokong panimula ni Eiji rito at talagang tumingin kay McKenzie. "Ang tanong, may pag-asa ba sa 'yo?" "Depende po ma'am," nakangising sagot nito at saglit na sumulyap kay McKenzie. "Gano'n ba? Halimbawa, paano kung tulad niya?" sabay turo ni Eiji kay McKenzie. Halos mapanganga siya sa tanong ni Eiji maging ang lahat ng kasama nila ay napaubo at napatingin pa sa kanilang gawi. "Hey Silver, stop messing with Kenzie!" sita ni Aubrey kay Eiji. Agad na tumayo si McKenzie at hinila si Eiji sabay kurot nang madiin sa tagiliran nito kaya napangiwi ito. Bigla naman silang inawat ni Ty. "Kale, what's your answer?" nakangisi pa ring baling ni Eiji sa katabi habang himas-himas ang kinurot ni McKenzie. Kumukulo na ang dugo ni McKenzie ngayon at matalim ang mga tinging ipinupukol sa dalawa. Humanda talaga kayong dalawa sa 'kin. Ako pa talaga ang pinagdidiskitahan niyo ngayon. "Mawalang galang na ho ma'am pero ayoko po sa mga pangit," nakangisi nitong sagot habang si Eiji ay humalakhak nang napakalakas. Dahil punong-puno na si McKenzie ay agad-agad niyang hinila sa kuwelyo ang waitress at malakas na itinulak dahilan upang bumagsak ito sa sahig. "How dare you to say that you stupid, ill-mannered waitress!" galit na galit na sigaw ni McKenzie rito. Akmang lalapitan pa sana niya ito nang bigla siyang yakapin ni Ty upang pigilan. Nakatingin na sa kanila ang lahat. "Stop it guys! Nandito tayo para magsaya hindi para humanap ng gulo. Kayong dalawa, Pilak at Kenz, umalis na muna kayo. Nagsasaya lang tayo pero bakit kayo nagkasasakitan at nandadamay ng ibang tao?" seryosong sabi sa kanila ni Nat pero wala pa ring  pakialam si McKenzie. "It's her fault Nat. Don't act like you really care!" "All of you, get out!" Biglang sumulpot sa harap nila ang manager ng bar at may kasama itong dalawang bouncers. Panira ka talaga sa buhay stupid waitress. May araw ka rin sa 'kin.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD