Chapter 2

3117 Words
Si McKenzie ay kasalukuyang nasa kanyang penthouse suite sa Sunrise Knight Palace. Nakahilata lang siya buong araw matapos ang sandamakmak na trabaho mula sa kanyang kumpanya. Kauuwi rin niya galing France no'ng nakaraang linggo at dito na niya balak manatili sa Pilipinas. Bukod dito, siya rin ang nagmamay-ari ng Sunrise Knight Palace, ang pinakaeksklusibo at kilalang condominium and hotel lounge sa loob at labas ng Pilipinas. Papunta na sana siya sa kusina nang biglang tumunog ang kanyang phone. Ito ang pinakaayaw ko sa lahat—ang binubulabog ako sa araw ng aking pahinga, iritadong saad niya sa kanyang isip. "Hello, what the f**k do you want bullshit?" pabalang niyang sagot rito. "Woah, woah, I miss you too Kenz!" nakatawang sagot ng kanyang kausap sa kabilang linya. Walanghiya talagang babae 'to, wala ng magawang matino. Istorbo sa buhay. "We're going to The Midnight Haven and we'll wait for you. Be there at six, bye!" at pinatay na nito ang call. Nakakabwisit talaga, 'di pa ako pumapayag. Humanda ka talaga sa 'kin mamaya Nat. Alas-cinco y media na ng hapon. Badtrip na badtrip na tumayo si McKenzie para maligo at maghanda. Makalipas ang kalahating oras ay natapos din siya dahil sa dami ng ritwal na kanyang ginagawa. Gusto niyang lagi siyang maganda at malinis tingnan. She wore a simple but elegant strappy cheeky cami body suit and a high-rise skinny ripped jeans which she paired with faux suede block heels. She applied a light make-up and put on her butterfly charm choker necklace and tube hoop earrings. When she was satisfied with her look and ready to go, she climbed into her orange McLaren 570S and drove off. *** Saktong alas-siete nang siya ay makarating sa The Midnight Haven at tinawagan niya si Natalie kung nasaan ang mga ito. "Hello b***h, where are you? Kanina pa kami naghihintay dito Ms. VIP," nang-aasar na bungad nito sa kabilang linya. "Shut up motherfucker. I'm here na, papasok na ako," bwisit na sagot niya rito. "Okay, sunduin na lang kita diyan sa baba. Baka maligaw ka, hanapin ka pa namin," sabay tawa nito at in-end na ang call. Pagpasok niya sa loob ay nakita niya si Nat na may hawak na baso ng alak habang ang ibang mga nandoon lalo na ang mga lalaki ay nakatitig sa kanya na para bang isa siyang masarap na putahe. Patakbo naman siyang sinalubong ni Nat at kumapit sa kanya. "Hay sa wakas, dumating ka rin. Halika, punta na tayo sa VIP lounge. Naghihintay na ang gang," yaya nito sa kanya at nagtungo na silang dalawa sa VIP lounge. Busy silang nag-uusap ni Natalie habang umaakyat sa hagdan nang biglang may bumunggo kay McKenzie at natapon sa kanya ang alak na hawak ni Nat. "f**k! What the? I'm soaking wet kararating ko pa lang!" nanggigigil na sigaw niya sa bumunggo sa kanya. Pero imbes na harapin siya nito ay nagmamadali itong umalis sa harap nilang dalawa. What the f—kung sino ka man, humanda ka sa 'kin. Hindi ko palalampasin 'to. Lalayasan lang ako ng walang sabi-sabi matapos akong bungguin. Bullshit. Gigil na gigil siyang naglakad papunta sa VIP lounge habang kinakaladkad si Nat. "Oh Kenzie, what's with the face? Nat, what happened?" bungad agad sa kanilang dalawa ni Aubrey. "Mc, bakit ka nakabusangot? Pambihira, ang pangit mo na lalo," pang-aasar naman ni Eiji. "Shut up bitches! Mas nababadtrip ako sa inyo. Imagine, kararating ko pa lang, naligo na agad ako ng alak. And look at my dress, amoy alak na," inis na inis pa ring sabi niya. "Hello there Zie, glad you came!" sigaw naman sa kanya ni Black at Reign. Akmang yayakapin siya ni Reign nang mabilis siyang umatras. "Don't you dare to touch me Reign! You're reek of alcohol," pigil ni McKenzie rito at wala ng nagawa ang huli at patumba nang umupo ang dalawang lalaki sa couch dahil sa kalasingan. Anong oras pa lang. Ang hihina namang uminom ng mga ito. Dahil mainit pa rin kanyang ang ulo ay pasigaw niyang tinawag ang waitress dito. "Miss Waitress, alam mo ba kung saan puwedeng magreklamo rito? Natapunan lang naman ako ng alak. Anong klaseng bar ba ito, mga walang kwenta," reklamo ni McKenzie sa isang waitress. "Bakit po Miss Knight? Ano pong nangyari?" Mas lalong nabwisit si McKenzie sa tanong nito. "Miss, are you dumb? 'Di mo ba narinig ang sinabi ko ha? Kailangan ko ng makapagpalit dahil sa nakakabwisit na bumunggo sa 'kin. I need new clothes, now," seryoso niyang demand dito. Halatang natakot ang waitress kaya mabilis itong sumunod. "Girl, what happened ba kasi? Here drink, you look like kulang sa dilig eh," sabay abot ni Aubrey sa kanya ng tequila. Sinamaan naman niya ito ng tingin. "Binunggo lang naman ako ng isang walang modong tao kanina at natapunan ako ng hawak na alak ni Natalie. Ang galing nga eh, 'di man lang ako pinansin at nagmadali pang umalis," sarkastiko niyang kwento sa mga kaibigan. "Oh ano namang meron doon Mc? Para nabunggo ka lang, galit na galit ka. Samantalang kapag may ibinubunggo sa 'yo, tuwang-tuwa ka naman," nakangising komento ni Eiji. "f**k you Eiji! Gusto mo atang mabura na ang mukha mo ngayon bwisit ka," inis niyang tugon dito. Mayamaya ay hinihingal na dumating ang waitress na inutusan niya kanina. "Miss Knight, ihahatid na lang po rito 'yong damit na gagamitin niyo. 'Yong orders niyo naman po ay isusunod na rin. Inihahanda pa po," kinakabahang sabi nito sa kanilang pito dahil sila ay nakatingin lang dito. Tumayo muna si McKenzie at pumunta sa cr para umihi. Nakaka-stress, nadadamay pati ang kagandahan ko. Bumalik na siya sa loob at napansin niyang hindi mapakali ang waitress kaya nilapitan niya ito. "Miss Waitress, nasaan na 'yong iniuutos ko? Wala pa rin ba? Kanina pa 'yon ah, ang tagal naman ata. Natuyuan na ako't lahat wala pa rin." "Ah eh Miss Knight, o-okay na po. Dadalhin na po no'ng isang kasama ko," nauutal nitong sagot kay McKenzie. "Kanina pa 'yan ah, ayoko ng pinaghihintay ako at isa pa, customer ako. Nakakahiya naman kung hindi niyo magawa ang gusto ko." "Ma'am, malapit na malapit na po talaga 'yon. Kaunting hintay na lang po," halos maiyak na ang waitress. "I don't care, paulit-ulit mo nang sinasabi 'yan. Anong klaseng bar ba naman ito, mga useless ang staff," inis na inis pa ring reklamo ni McKenzie. Pinagsasabihan pa ni McKenzie ang walang kwentang waitress nang biglang may nagsalita sa likod nito kaya napalingon ang huli. "Yan, pasensya na kung natagalan ako. Ito nga pala 'yong damit na hinihiram mo." "Buti na lang at dumating ka na Nix. Maraming salamat ha. 'Di ko na alam ang gagawin kung wala ka rito," tila nakahinga nang maluwag na sabi ng waitress sa kausap at akmang ibibigay na nito kay McKenzie ang damit nang mamukhaan niya kung sino ang kausap nito. "You?! You were the one who did this to me, you asshole!" Binangga mo ako kanina at walang pakundangang umalis ng hindi man lang nag-so-sorry. Look what you did to my expensive dress! You're gonna pay for this you f*****g waitress!" galit na galit na sigaw niya rito at walang sabi-sabing malakas itong sinampal. "Mc, stop! Bakit mo siya sinampal?" "What the hell Kenz? Wala naman siyang ginagawa." "Omg Kenzie, come here. Calm your nerves, okay?" Sunod-sunod na awat ng gang kay McKenzie pero hindi siya nagpaawat. Nanggigigil siya sa taong kaharap niya ngayon. Isa rin pala siyang waitress dito. "Naku Miss Knight, kumalma po kayo please. Hindi naman po siguro sinasadya ni Nix ang nangyari. Ito po ma'am, damit para makapagpalit po kayo," pakiusap ni dumb waitress kay McKenzie. "At kanino 'yang damit na 'yan ha miss? Sa bwisit bang waitress na 'yan? Ayaw ko niyan, baka saan pa galing 'yan. 'Di bale na lang," bwisit na bwisit at maarteng tugon niya kay dumb waitress habang itinuturo ang isa pang walanghiyang waitress. "Ang arte naman. Akala mo naman maganda." "What? May sinasabi ka ba stupid waitress?" mataray niyang tanong dito dahil bumubulong-bulong pa ito na siyang ikinainis niya ulit. Napansin ni McKenzie na sinenyasan ito ni dumb waitress at nagsalita ulit ito. "Ah, miss, I'm sorry. Hindi ko po sinasadya dahil nagmamadali ako kanina at kasalanan ko dahil hindi kita nakita. Pasenya na po talaga. 'Di na po mauulit," magalang na hinging paumanhin nito kay McKenzie. Tutal ay humingi na siya ng sorry ay pagbibigyan ko pero hindi pa rito nagtatapos. "Apology accepted but I won't forget this. We're not yet done stupid waitress. Nagkamali ka ng binangga mo," mataray niyang saad na may pagbabanta. Hindi na ito nagsalita at umalis na. Bumalik na sila sa kani-kanilang puwesto at nagpatuloy na sa pag-inom. "Hoy Mc, nananampal ka na pala ngayon ha. Nakakabigla ka naman at nanggagano'n ka. Mukha namang mabait 'yong waitress na bumunggo sa 'yo," litanya ni Eiji. "Kaya nga naman Zie. Pero ladies, may itsura 'yong waitress na bumunggo sa 'yo 'di ba mga pre?" segunda naman ni Reign. "Well, I don't agree. May Aubrey Collins na kasi ako Reign eh. Siya ang pinakamaganda para sa 'kin. Baka si Tyler, trip niya," kontra ni Black dito sabay hapit sa girlfriend niyang si Aubrey. "Baka nga trip ni Ty 'yon. 'Di ba Ty gusto mo si Silver tutal sanggang dikit kayo. Ligawan mo na kaya siya? Anyways, crush ko 'yong waitress na bumunggo kay Kenz. Ang ganda niya kasi tapos 'yong boses niya, husky," parang tangang pahayag ni Nat. "Seriously Nat, into girls ka? Natitibo ka na ba? Iba na rin ang type mo ngayon? The last time I checked ay kahihiwalay niyo pa lang ng ex-boyfriend mong si Jaxson, five months ago," 'di makapaniwalang tanong ni McKenzie kay Nat. "Hoy Nat, pasmado bibig mo ha. Anong pinagsasabi mong bagay kami ni Ty porke't lagi kaming magkasama? Isa pa, hindi kami talo niyan. Iba ang gusto ko, hindi lalaki. Napakaisyu mo kahit kailan Nat," singit naman ni Eiji sa dalawa. "What?! Pati rin ikaw Eiji, babae ang gusto? Myghad, I didn't know na mga lesbian kayo at mga pusong lalaki pala. Grabe, nakakaloka kayo. So dalawa lang pala kaming tunay na babae ni Aubrey sa atin?" Napahilot na lang si McKenzie sa kanyang sentido dahil hindi niya inaasahan ang rebelasyon ng dalawang kaibigan. "Bakit Mc, pinandidirian mo ba kami? Sigurado ka bang straight ka talaga o baka naman may makita ka diyan sa tabi-tabi at mabaliko ka," nakangising saad ni Eiji kay McKenzie. "Chill lang nga kayo girls, oh tequila para sa inyong mga babaeng tamang hinala," sabat sa kanila ni Tyler at inabutan sila ng tig-iisang bote ng tequila. Sabay-sabay nilang nilagok ang tequila. 'Di man lang sila tinamaan maliban kay Nat. As usual, lagi itong sumasama sa kanilang uminom pero mahina pa rin. "Wait lang girls, kakausapin ko lang si Arian, 'yong waitress natin. Nakalimutan niyo na ata siya," paalam nito sa kanila at medyo tabingi na rin itong maglakad. Mga ilang minuto ang lumipas ay bumalik na rin si Nat at mayamaya ay si Arian naman. Si McKenzie naman ang nagpaalam sa kanila na umalis na magsi-cr pero sa katunayan ay magpapahangin lang muna ito. Paglabas ni McKenzie ay napadpad siya sa isang rooftop. Hindi niya inaasahan na may ganoong lugar sa bar na 'yon. Simple lang pero kakaiba ang vibes. May piano sa gilid at mga halaman. Habang siya ay nasa rooftop ng bar ay nakatanaw lang siya sa kabuuan ng siyudad habang nakapatong ang mga braso sa railings. I don't smoke dahil nakakadiri at mabaho. Ang ganda pala rito sa The Midnight Haven. Nakakarelax dito sa rooftop at ang tahimik kahit maraming tao at maingay sa loob. Ang galing naman ng nagdisenyo rito dahil may fountain at benches pa idagdag pa 'yong mga naka-hang na outdoor light bulbs. Isa sa pinakanakakuha ng atensyon ko ay ang nakaukit sa isang wall. L's Haven 'Yan ang nakaukit doon at may symbol na crescent moon sa itaas nito. Napatitig pa ako ng matagal dito at ewan ko kung bakit. Makalipas ang ilang minutong pagmumuni-muni ay nagdesisyon na si McKenzie na bumalik sa loob at baka magtaka ang kanyang mga kaibigan kung bakit ang tagal niya. "Guys, let's pa—what the f**k is that stupid waitress doing here?" Ang magandang mood ni McKenzie ay mabilis na nawala at bumalik na naman ang kanyang inis dahil sa nadatnan. "Hey Kenz, chill ka lang okay? I thought okay na 'yong kanina? Anyways, ako ang nag-request sa kanya para mag-serve sa atin," paliwanag ni Nat sa kanya. "Pasaway ka talaga Natalie, humanda ka talaga sa 'kin. Nananadya ka ba?" Nagsisimula na naman siyang mainis. "Do I Kenz? Save it for later babe. Nic, that is M—" "I can introduce myself but not with everyone lalo na sa tulad niyang stupid. She doesn't need to know my name. And don't you ever call me babe Nat, kilabutan ka nga," mataray at kinikilabutang sabi ni McKenzie dahil sa pagtawag nito sa kanya ng babe. Ayokong tinawatawag ng ganyan like f**k, I'm straight and yeah, I'm homophobic. Kaya umayos-ayos silang dalawa ni Eiji baka maitakwil ko sila ng wala sa oras. Hindi na lang niya pinansin ang mga ito at bumalik na sa kanyang puwesto. Uminom na ulit sila. Habang patuloy lang sila sa pag-inom ay biglang napalingon si McKenzie kay Nat. "Nic, ken weh dence?" lasing na yaya ni Nat kay stupid waitress at hinila na niya ito papunta sa dance floor. Pinapanood lang nila ang dalawa sa pagsasayaw ng mga ito habang si Nat naman ay todo giling sa harapan ni stupid waitress. Mukhang lasing na ang pasaway na kaibigan dahil kung ano-ano na ang pinaggagagawa nito. Ilang saglit pa ay ikinawit na nito ang braso kay stupid waitress. Habang nagsasayaw at nagpapakasaya ang dalawa ay sobrang lapit na ng kanilang mga katawan sa isa't isa kaya kinantyawan sila ng tatlo nilang kaibigan na mokong na sina Reign, Ty at Black. "Nat, ang hot niyong dalawa! Tsug tsug na agad," tukso ng tatlo. Hindi inaasahan ni McKenzie ang sumunod na ginawa ni Nat. Hinawakan na nito ang mukha ni stupid waitress at hahalikan na kaya walang ano-ano'y mabilis na lumapit si McKenzie sa dalawa at marahas na hinila si Nat. Hindi ko alam kung bakit bigla kong hinila si Nat. Okay lang naman na may kahalikan ito pero huwag itong si stupid waitress. May iba kasi akong nararamdaman sa stupid waitress na 'to. Ayoko lang na galawin niya ang kaibigan ko. "Nat! What do you think you're doing huh?! Kissing random stupid people?" puna niya sa kaibigang lasing at matalim ang mga tinging ipinupukol sa kasayaw na stupid waitress. "Kensh, don't syawt et Nic. Syes ey nays persyon. Neyk, des es McKenzie Nowayt," lasing na nitong sabi at biglang sumuka. Pati si stupid waitress ay nasukahan. "Nat, you're really a mess! Iinom inom 'di naman kaya. Pati dress mo punong-puno ng suka," iritado at nandidiring pahayag ni McKenzie dahil mukha ng dugyot ang kaibigan. Agad na lumapit si Ty at Reign para alalayan si Nat na umupo sa couch. "Omg Nat, what should we do? Puno siya ng suka, wala naman siyang damit pamalit. Paano na?" nag-aalalang tanong ni Aubrey. Biglang dumating si dumb waitress at nakatingin lang sa kanila kung anong nangyari. "Naku Miss Natalie, magpalit na po kayo ng damit. Ikaw Nix, anong nangyari sa 'yo? Nasukahan ka rin? Magpalit ka na," sabi agad nito sa dalawa. "Naku miss, kapag nagpalit si Nat, naka-bra at panty na lang siya. Kailangan niya ng damit panloob. Wala naman kaming pamalit at mamaya pa kami aalis," sabat naman ni Eiji. Grabe naman 'tong mga 'to kung makapag-alala kay Nat. Akala mo naman kung ano ng nangyari eh sila nga kung umuwi nang lasing na lasing ay halos nakahubad na. Dali-dali nang naghubad sa harap nila si stupid waitress. Ngayon ay nakasuot na lamang ito ng black t-shirt at bakat na bakat ang katawan nito. Si McKenzie naman ay parang nanonood ng movie. Napako na ang kanyang tingin. Sabi na nga ba McKenzie. Kapag bakat talaga, ang bilis bilis ng mata. "Nix, sakto at nakaganyan ka. Hubarin mo na rin 'yang t-shirt mo ngayon, ipahiram muna natin kay Miss Natalie para may panloob siya," dire-diretsong sabi ni dumb waitress kay stupid waitress. Hindi naman makapaniwala ang huli at tututol pa sana ito pero pinagmadali na siya kaya wala na itong nagawa. Mabilis itong naghubad habang silang walo naman ay nakatingin lang dito. Paghubad nito ng kanyang t-shirt ay biglang tumahimik ang lahat at biglang natulala si McKenzie sa kanya. Napalunok ito ng wala sa oras. Totoo ba 'tong nakikita ko? Ang puti at sexy naman ng katawan niya. Abs din ba 'yon? Parang ang sarap—what the f**k? Sa isip ni McKenzie ay parang uminit ang paligid. Pati lalamunan niya ay nanuyo. Ignore it, McKenzie. Marami lang kayo sa loob kaya ganyan. "Mc, Mc. Hoy! Nakaalis na sila, nakatulala ka pa diyan. Tunay na babae pala ha? Ano masarap ba 'yong view?" yugyog sa kanya ni Eiji habang nakangisi. "Shut up Eiji. Ano bang pinagsasabi mo diyan? Tigilan mo ako, 'di ka nakakatuwa," nanggigigil niyang sagot dito. "Kenzie, are you blushing? Namumula ka pa eh you're not yet drunk. What's happening to you girl?" maarte namang komento ni Aubrey. "Puwede ba, tigil-tigilan niyo ako. Kung ano-anong mga napapansin niyo, saka 'di ako namumula okay? Make-up lang 'yan," palusot niya sa mga kaibigan. "Hindi kami tanga Mc, kitang-kita namin kung paano mo pagnasaan si Nixon 'di ba guys?" dagdag pa ni Eiji at nandamay pa. "Kaya nga Zie, dito na lang kaya tayo lagi kapag magpa-party? Tutal halata naman sa mga itsura niyo girls na tuwang-tuwa kayo lalo na sa Nixon na 'yon. Baka malaman namin pinag-aagawan niyo na." Pasaway din ang tahimik na si Tyler. "Eh di kayo na lang kung gusto niyo. Saka Tyler, huwag na huwag mo akong ibilang sa mga lesbiyana na 'yan," at inirapan ni McKenzie ang limang kasama. Ang mga hampaslupa naman niyang kaibigan ay sabay-sabay na nagtawanan. Patuloy lang sila pang-aasar at bigla na lang silang nanahimik nang dumating si stupid waitress. Napatanga na naman si McKenzie dahil sa itsura nito, naka-unbuckle ang sinturon nito. Hindi kaya may ginawang siyang hindi maganda kay Nat? Wala akong tiwala sa stupid waitress na 'yan. Sa lagay ni Nat ay tila gustong-gusto pa nito ang pagkakabuhat sa kanya ng waitress at kapit na kapit pa sa hubad nitong katawan. Nakakagigil talaga. Lumapit na ito sa gawi ni McKenzie at inihiga sa kanyang tabi ang bagong bihis na si Nat. Nakatingin pa rin siya rito. "Hoy Mc, matunaw naman si Nixon." May sinasabi pa si Eiji kay McKenzie ngunit mukhang nawawala ang atensyon ng kaibigan. Sira ang buong gabi ko dahil sa stupid waitress na 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD