"Ano ba, Matthew? Uuwi na nga ako," asar kong wika habang nakatayo sa harap ng pintuan ng silid. Amphotta ba naman kasi puro nakaharang mga bantay niya. "Hindi ka pa magaling," sambit niya habang prente na nakaupo sa ibabaw ng kama. Matalim ko siyang tiningnan. Nitong mga nakaraang araw ay halos ito na ang routine namin, ang magbangayan. Well, tuwing gabi lang naman. Paano ba naman kasi palagi siyang tumatabi sa akin. Anak ng tokwa naman, si Joseff nga na naging boyfriend ko hindi ko nakatabing matulog tapos siya. Grrrrr! "Like what I've said sa bahay na ako magpapagaling ng husto. May kapatid pa akong iniwan sa bahay. Ano ba Laqueza naasar na ako ha! Kaninang-kanina pa putspa," asik ko. Bahagyang ngumuso ang kanyang labi bago siya marahang tumayo. He took a deep breath before walki