"Maam, ayos lang po ba kayo?" puno ng pag-aalalang tanong sa akin ng isang pulis at inalalayan akong tumayo. Hindi naman ako nakasagot sa kanya dahil ang buo kong atensyon ay nasa aking kapatid lang. Mariin akong pumikit kasabay nang munti kong pagkurot sa sarili, umaasa na sa muli kong pagmulat ay panaginip lamang ang lahat. Nagsimulang mamuo ang luha ko nang muling tumambad sa 'kin ang kalunos-lunos niyang imahe. Bakit? Bakit kailangang mangyari ito sa kapatid ko? Nanghihina akong naglakad patungo sa bintana at ginamit ang aking natitirang lakas para hilahin ang kurtina. Mabagal akong naglakad papunta sa p'westo ni Raquel. Kinagat ko ang ibaba kong labi habang pinagmamasdan ang kapatid ko. Bakas ang paghihirap sa kanyang mukha, naroon ang natuyo niyang luha sa gilid ng kanyang ma