"Hey, are you still mad?" he asked softly behind me. Nakaharap ako ngayon sa vanity mirror at nag-aayos ng sarili, siya naman ay nasa likuran ko at nakatingin sa aking repleksyon sa salamin. Plano kong magpalamig muna ngayon, shopping, foodtrip with myself, and many more basta ma-relax lang ako. Inirapan ko siya at saka naglagay ng mascara sa aking pilik-mata. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya dahilan para pasimple ko siyang tiningnan sa salamin. Agad namang nagsalubong ang paningin namin. I can sense the sadness in his eyes. Bagay na talagang nakakagulat para sa akin. Iniiwas ko ang aking mata at saka inayos ang mga gamit ko sa bag. I was stunned on my seat when he suddenly hugged me from behind. Nakasiksik ang ulo niya sa leeg ko habang mahigpit na nakayakap sa aking bewang.