Chapter 2

2703 Words
CHAPTER 2: PROFESSIONAL STEALER Zeta's POV "Siya si Karl Christian de Guzman, isang businessman na galing sa Italy," panimula ko. Ibinigay ko kina Cahil at Wren ang mga papel na naglalaman ng information tungkol sa bago naming target. Kailangan din nilang makilala ang target, dahil kasama sa dapat naming gawin tuwing may misyon ay ang kilalanin ng mabuti ang biktima. "So, ano ang plano?" tanong ni Wren sa akin. Ngumisi naman ako sa kanya, kahit mukha siyang takas sa mental ay maaasahan mo siya pagdating sa mga missions namin. Sa trabaho lang naman siya nagiging matino, pero ayos na rin kaysa 'yung pati rito ay sakit siya sa ulo. "Kagaya ng impormasyon na nasa papel, lalapit tayo sa kanya sa pamamagitan ng pabango," sagot ko at sinabi ko ang kabuuan ng plano na naisip ko. Hindi ako matalinong tao, at kung tutuusin nga ay ako ang may pinaka mahinang utak sa mga kasama ko. Pero hindi ko alam bakit ako ang sinusunod nila pagdating sa pagpaplano, dinadagdagan na lang nila kung sakaling kulang ang nasasabi ko. "Gaano tayo katagal sa mission na ito?" tanong naman ni Orange. Kalimitan kasi sa mga misyon na ginagawa namin ay inaabot ng linggo o buwan, dahil may mga nakikita kaming target na hindi madaling nakawan. Pero dipende naman iyon sa target, at sa tingin ko ay iba si Karl sa kanila. "Oras lang 'yan, hindi gan'on kahirap nakawan ang target lalo pa't mga professional na gaya natin ang makakaharap niya," nakangisi kong sagot. Pagkatapos ng meeting ay agad kaming naghanda ng mga kailangan naming gamit at sumakay sa kotse, oo, sosyal kaming magnakakaw. Si Cahil ang nag-drive, habang ako ay nasa passenger seat, si Wren naman ang nasa back seat at naiwan naman sa hideout si Zyx. Hindi ko talaga ugali ang pumwesto rito sa harap, pero dahil nang-asar na naman si Wren ay inunahan niya ako sa likod masira niya lang ang araw ko. Hindi ko na lang pinansin dahil kapag pinansin ko pa siya ay maiisip niyang panalo na siya, hindi ako papayag na manalo siya at sisiguraduhin kong makakaganti ako. Habang papunta sa location, sinuot namin ang earphone na magsisilbing komunikasyon naming apat, may kaakibat itong mic na naka-clip sa kwelyo ng damit namin. Hindi naman pansinin ang mic, dahil puwede pa itong itago sa loob ng suot naming damit. [Cahil, mag-park ka 20 meters away sa building,] sambit ni Zyx, narinig namin siya mula sa earphone na suot namin. Hudyat ng pagsisimula ng unang bahagi ng plano ang pag-park ng kotse. Minsan, hindi ko na alam kung ang nararamdaman ko ba ay kaba o excitement. Para bang kahit matagal ko nang ginagawa ang ganitong uri ng trabaho ay kumakabog pa rin ang dibdib ko. Hindi ko alam kung dinidinig pa ba ang panalangin ng mga taong gaya ko, pero minsan ay sinusubukan ko pa ring tumawag sa itaas para kahit paano ay kumalma ako. Palabas na sana ako pero natigil ako nang may naalala akong importanteng bagay. "Ingat lang, guys. Remember, isang team tayo, kapag may problema, sabihin niyo agad." Ayon sa nabasa ko sa printout na binigay ni Zyx, nakalagay sa isang vault sa loob ng master's bedroom ang lahat ng pera ng target, wala kasi siyang tiwala sa mga bangko kaya inuwi niya ang lahat ng pera niya sa Condo, napatunayan ito nang dumaan ang mga maleta niya sa scanner ng mga gamit sa airport, na-trace na pera na laman nito. Hindi niya alam na ang kawalan ng tiwala niya sa mga bangko ang magpapahamak ng husto sa pera niya. Lagi talaga akong bilib sa kapatid ko, akalain mong nalaman niya iyon... ni hindi ko nga alam paano niya nalalaman ang mga ganoong kompidensyal na bagay, eh. Papunta ako ngayon sa floor kung nasaan ang room ng target, naka-disguise na ako bago pa kami umalis sa bahay kanina. Hindi ako haharap sa target, pero kailangan ko pa ring itago ang totoo kong mukha dahil siyempre nasa publikong lugar kami. Hindi imposible na kapag nagkaroon ng imbestigasyon ay maisama kami ng mga witness sa mga taong nakita nila sa paligid ng Hotel nang mangyari ang nakawan. Pag-iingat ang tangi naming sikreto bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nahuhuli ng mga pulis. Sumakay ako ng elevator. "Papunta na ko sa pwesto ko," sambit ko upang malaman nilang tatlo kung ano nang ginagawa ko [Lumabas na ako ng kotse, papunta na rin ako sa pwesto ko,] ani Cahil. Habang papunta ako sa unit ng target ay papasok naman si Cahil sa Condo para magpanggap na isang taga-ayos ng elevator, sa ganitong paraan puwede niyang pagbawalan ang mga tao na gamitin ito. [Zeta, paglabas mo ng elevator, nasa kanan ang Comfort Room, alam mo na ang gagawin,] sabi ni Zyx. "Nasa loob na ako ngayon ng cubicle," sagot ko. [Diyan ka lang muna, maghintay ka ng hudyat ko,] utos ni Zyx. "Okay," sagot ko. Ang unang bahagi ng plano ay palabasin na may bibisitahin lang ako rito, makikita sa CCTV monitor na pumunta ako ng Comfort Room bago ko isagawa ang susunod na scene. [Puwede ka na lumabas diyan, Zeta. Doon ka mag-door bell sa room 1502, walang tao roon,] utos muli ni Zyx. "As you order, kuya," bagot kong sagot. [Ang sweet naman pala,] dinig kong sabat ni Wren. Kilala ko na ang mga boses nila thru earphones. "Buhay ka pa pala," sagot ko habang nakangisi kahit hindi nila nakikita iyon. [Bilisan mo kilos mo, Weirdo. Ilang minuto nalang ay matatapos na ang scene mo diyan, lalabas na ang target maya-maya lang,] ayan na naman ang kasama naming OA kung magpaalala, si Cahil. Yes, pati ang oras ng alis ng target ay alam namin, kalkulado ang lahat ng galaw namin, ganyan kami magplano. Hindi ko na siya sinagot, ginawa ko na ang scene na kailangan makita sa CCTV for two minutes. Sa huling bahagi ng eksena, naglakad ako papunta sa elevator para ipakita na sumakay na ako, pagkatapos ay ipe-play ni Zyx sa monitor ng mga bantay ng CCTV na pababa na ako ng Condo; which is replay na lang galing sa record file kanina ng pag-akyat ko rito, kasabay nito ang paghubad ko sa disguise na suot ko. Walang gusot sa scene namin na iyon dahil walang nakakabit na CCTV paglabas mo ng elevator, ang susunod na parte ng building na may CCTV ay nasa information desk at sa entrance and exit ng Condo. Pagbaba ng elevator, papasok na sa eksena si Cahil, dahil siya ang bantay doon, siya rin ang nagsuot ng disguise na hinubad ko para ipakita muli sa monitor na dumaan na ako sa exit ng Condo. Naka-play din ang record na walang tao sa paligid ng 15th floor pero ang totoo ay nandito ako, naghihintay ng tamang tiyempo. [Zeta magtago ka, lalabas na ang target.] Napangiti ako sa sinabing iyon ni Zyx at nagmadaling pumasok sa comfort room, "Okay team, maghanda sa susunod nating plano." Para sa pangalawang bahagi ng plano,handa na kaming tatlo, hinihintay nalang namin ang hudyat ni Zyx. [Sumakay na sa elevator ang target. Kumusta ang lagay mo, Wren?] ani Zyx. [Ayos na, nakaposisyon na ako,] sagot ng kausap niya. Nakaupo ako sa lababo dito sa CR ng 15th floor, naghihintay na ma-set up ang eksena ni Wren bago ako kumilos. [Papunta na sa parking area ang target, maghanda ka na, Wren,] muling paalala ni Zyx. Hindi ko na nadinig na sumagot si Wren, palagay ko ay kaharap na niya ang target. [Naku, pasensya na.] Napangiti ako nang madinig ang boses ni Wren, sa pagkakataong ito, sinadya na niyang banggain ang target, simula na ang susunod na plano. [Ayos lang, sa susunod mag-iingat ka sa paglalakad para di ka nababangga. But hey, ano 'yung pabango mo?] Bingo! Nahuli na agad ni Wren ang puso ng target, yuck, so gay. [Mumurahing pabango lang ito,] halata sa boses ni Wren na parang hindi siya sigurado sa sinasabi niya. "Zyx, sinabi mo ba kay Wren ang brand?" nag-aalalang tanong ko. [Oo naman, easy ka lang, Zeta. Wala ka bang tiwala sa galing ng ace player natin? Alam niya ang ginagawa niya.] Kahit papaano ay napanatag ang loob ko. Sa aming apat, si Wren ang pinakamagaling magpanggap, hindi ko alam kung marunong ba siyang mang-hypnotize or what pero nauuto niya lahat ng nakakausap niya, 'yan ang rason kaya siya ang inihaharap namin sa target. [Mumurahin? I don't believe you, sobrang bango, eh. Naiiwan sa ilong ko ang amoy, iba ang aroma niya.] Napangiwi ako sa tono ng boses ng target namin, para siyang bakla. [Ganito na lang, dahil gusto mo malaman ang brand ng pabango ko at may atraso ako sa 'yo, ituloy na lang natin ang kwentuhan sa Coffee Shop na hindi kalayuan dito.] Tama nga si Zyx, hindi ako dapat mag-alala kay Wren, dinig ko sa boses niya na kayang-kaya niyang isagawa ang plano. Hindi ko na nadinig ulit na nag-usap si Wren at ang target, kaya malamang ay naglakad na sila papunta sa Coffee Shop na sinasabi niya kanina. [Zyx, aakyat na din ako,] sa pagkakataong ito si Cahil naman ang nadinig kong nagsalita. [Sige,] maikling tugon ni Zyx. [Zeta, kumusta ka sa pwesto mo?] Napairap ako sa tanong ni Zyx sa akin. "Puwede na 'kong maging rebulto sa kinauupuan ko, ang tagal niyong kumilos," reklamo ko. [Bored ka na? Uwi ka na,] Aba, 'di yata busy ang dakilang ace player namin at nagawa pa 'kong trashtalk-in. "Hindi kita kinakausap Wilfredo kaya tumahimik ka." Napairap ako, ba't kasi hindi nalang siya manahimik, wala naman siya magandang sasabihin. [Walang banggitan ng totoong pangalan,] ramdam ko ang inis sa boses ni Wren. Hah! Ngayon ka pumalag. "Hindi ka lang makaganti, eh," sagot ko kay Wren sabay tawa ng malakas, wala naman makakarinig sakin dito. [Tumahimik kayong dalawa, ang sakit niyo sa tenga,] suway sa amin ni lolo Cahil. "Sali ka ba, Orange?" nakangising kong sambit. [Umayos ka na Zeta, nandito na 'ko sa pwesto ko, baka gusto mong kumilos na rin diyan?] Muli akong napairap dahil ang killjoy ni Cahil. "Sino ba ang boss sa ating dalawa?" reklamo ko, pero tumayo rin ako sa inuupuan ko at lumabas sa CR. [Zeta, ang code ng unit ni Karl ay 1903,] singit na paalala ni Zyx. Bago pumasok sa unit ng target ay nakasalubong ko si Cahil na nagkukunyaring naglilinis dito sa 15th floor, ang role niya rito ay maging watcher habang isinasagawa ko ang pagkuha sa kayamanan ni Karl. Malaya akong nakalapit sa unit ni Karl at pinindot ang pin code, napangiti ako nang bumukas ang pinto, sa loob ng bawat unit ay wala ng kahit anong CCTV para sa privacy ng mga nakatira rito kaya pagpasok sa loob ay wala na 'kong aalalahanin pa. "Zyx, saan ang master's bedroom?" Nagulat ako sa itsura ng unit ni Karl, ang ganda ng design, siguro Italian Style rin ito, 'di ko sure. [Mula sa pintuan, kumanan ka, nandoon ang library.] Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Zyx. "Naglolokohan ba tayo rito? Sabi mo nasa kwarto niya ang vault, bakit sa library mo ako pinapapunta?" [Zeta, hindi lahat ng tao ay kasing engot mo. Kung ikaw ba ay may tinatagong malaking pera, ilalagay mo ba 'yon sa lugar na madaling makuha?] Muli na naman akong napairap dahil nagsalita na naman si Orange, naniniwala na talaga akong dati siyang pastor. "Dito na me," sabi ko na lang. [Hanapin mo ang Encyclopedia at hilahin mo 'yun.] Sumunod akong muli sa sinabi ni Zyx, napanganga na lang ako nang umabante ang isang shelf na katabi ng shelf na pinaglalagyan ng encyclopedia, tapos nag-slide ito papunta sa kaliwa. Hindi ko alam kung paano niya nagawang maging ganoon kakilala ang lugar ni Karl, pero hindi ko na lang pinansin dahil nahaharap ako sa mas importanteng bagay. Sinilip ko ang bahagi ng pader na bumukas, may hagdan ito pababa, kahit walang sinasabi sa akin si Zyx na bumaba na ako ay kusang naglakad ang paa ko pababa sa hagdan. Pagdating ko sa baba ay marami pang mga libro, pero pumukaw sa atensyon ko ang kama na nasa gilid ng silid na tanging asul na ilaw ang nagbibigay dito ng liwanag. "Woah, ang lupit ng kwarto ni Karl," puri ko. [Lumapit ka sa head board ng kama, pindutin mo ang ilong ng lion na nakaukit diyan.] Bilib ako sa disenyo ng bahay ni Karl, pinaglaanan niya ng oras at pera ang pagpapaganda sa Condo niya, pero mas nakakabilib si Zyx, hindi pa siya nakakapasok sa condo na ito pero mas alam pa niya kaysa sa akin ang pasikot-sikot. Ginawa ko ang sinabi niya, muli na naman akong napanganga nang bumukas na naman ang pader sa gilid ng kama, hindi talaga ako nabibigo sa dami ng pasabog ng Condo na ito. Nilapitan ko ang vault, simple lang ito pero sa tingin ko, kasing laki siya ng 21 inches na TV namin sa hideout, "Ano ang code Zyx?" [Alamin mo, Zeta.] Kung kaharap ko lang siya, baka nasapak ko na siya ngayon. "Akala ko ba trabaho muna?" Ngumuso ako pagkasabi no'n, nang-aasar pa ata itong si Zyx. [Zeta, 'di ako nakikipagbiruan, hindi ko talaga alam ang pin code ng vault. Masyadong confidential ang vault na 'yan, halata naman kung gaano kahigpit ang pagkakatago, 'diba? Kaya wala akong ibang masasabi kundi hulaan mo ang pin code niya.] [Zyx, yari ka sa amin pag-uwi.] Gusto kong tumalon sa tuwa sa pagkakataong ito, sa wakas naging kakampi ko rin si Cahil. [Anong kasalanan ko sa inyo?] halata ang pagtataka at gulat ni Zyx sa boses niya, hay nako, tinatanong pa ba 'yon? [Mahirap makipag-usap sa taong madaming alam, tapos ikaw, isang beses mo pa lang nabasa 'yung isinasagot mo sa kanya,] protesta rin ni Wren. "Paano na, huhulaan ko talaga?!" nataranta ako bigla, siyempre ako ang nakaharap sa vault, ano gagawin ko rito? [Mag-iingat ka sa pag-hula, Zeta. May nakakabit na alarm sa vault at tutunog iyon oras na may maling code na mailagay.] "Salamat, Zyx. Laking tulong, swear." [Kaya mo ba, Zeta?] tanong ni Cahil. "Hindi ko sure," sabi ko. Totoo, hindi ko talaga sure! Na-pressure ako lalo, nakakainis! [Zeta, mag-concentrate ka, 'wag kang kabahan.] Hindi ko alam kung sinusuportahan ba talaga ako ni Cahil o lalo lang niya akong pine-pressure. "Wren, tanong mo na nga lang kay Karl 'yung code para matapos na tayo dito," suhestiyon ko. [Zeta, ano ba?! Mag-tino ka nga muna, mamaya ka na mag-biro,] singit ni Cahil. Hindi makasagot si Wren sa akin dahil kasama niya si Karl. "Wait lang kasi!" [Relax, 'wag mag-isip ng kung ano-ano basta focus ka lang,] mahinahong sambit ni Cahil. [Zeta, baka puwedeng maging clue ang code ng pintuan, 'yon muna ang isipin mo habang sinusubukan kong hanapin ang code,] sabi naman ni Zyx. Code kanina? 1903? Ano bang meron sa 1903? Taon ba 'yon? Taon ng ano? Imposible namang taon 'yon ng birthday ni Karl. Isip Zeta, alalahanin mo ang mga nabasa mo tungkol sa kanya. "Zyx, mayroon bang pabango na ang pangalan ay 1903?" ewan ko, pero ito lang ang naiisip kong posibleng makatulong sa amin ngayon. Feeling ko kasi, rare ang pabango na may pangalan na number, wala akong alam sa pabango pero, baka lang naman may pabango na ganoon. [Sandali,] sagot naman ni Zyx. Sana lang ay pabango pa rin ang sagot sa problema namin ngayon. [Zeta, tama ka, mayroon ngang pabango na 1903 ang pangalan, ang galing mo,] ramdam ko ang tuwa ni Zyx sa kanyang boses. [Si J. Peterman ang nag-release ng pabango, naitayo ang company nila noong 1987 sa Lexington, Kentucky, US,] dagdag pa ni Zyx. Kagaya ng sinabi ni Cahil kanina, hindi engot si Karl, pero sigurado naman ako na may nagkakamali pa rin siya. Napangiti ako. "Naiisip niyo ba ang naiisip ko?" May doubt pa rin ako sa hula ko pero may part naman sa akin na nagsasabing maniwala ako sa sarili kong powers. Nawala ang ngiti sa labi ko nang marinig ko ang boses ni Wren. [Zeta, kung sa palagay mo tama ang code na nasa isip mo, kumilos ka na. Babalik sa unit si Karl, nakalimutan daw niya ang cellphone niya, tapos na kami magkwentuhan, may kailangan pa raw kasi siyang puntahan, sorry, wala na kong maisip na puwedeng palusot.] Bumalik na naman ang taranta ko. "Zyx, anong gagawin ko?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD