Prologue
Isang magandang eskwelahan ang Gim International Academy. Sikat at prestihiyoso ang eskwelahan na ito. Kilala sa buong bansa at maski na rin sa ibang bansa. Ang mga nag-aaral dito ay galing pa sa mga mayayamang pamilya, ang iba ay anak ng politiko, ang iba ay anak ng artista, ang iba ay anak ng mga negosyante.
Mayayaman man ang iba'ng mga estudyante, hindi pa rin matatawaran ang yaman ng pitong estudyante. Kilala sila bilang elites. Sila ang pinakamayaman sa GIA. Bukod sa yaman, kilala rin sila sa angking talino, at kagwapuhan. Kilala rin sila dahil sa galing nila sa iba't-ibang larangan ng sports.
Kung titingnan, lahat sila ay mukhang inosente. Dahil sa kagwapuhan ng mga ito, hindi mo aakalaing gagawa sila ng masama. Hindi rin mababakasan ng kasamaan ang mga ito. Panay ang ngiti nila sa mga estudyanteng tumitili sa kanila.
Ngunit, lahat naman ay may tinatago'ng kasamaan hindi ba?
Halos mawindang ang mga estudyante ng GIA ng isang araw, isang malamig at madugong bangkay ang bumulagta sa kanilang harapan. Sa lounge, kung saan madalas tumambay ang mga estudyante. Ang building kung na saan din ang hiwalay na classroom ng elites.
May kinalaman nga ba sila sa pagkamatay ng estudyanteng ito?
Ano ang kanilang sekreto?
Matutuklasan nga ba kung sino ang kriminal sa kanilang pito, kung magaling silang magsinungaling at magtago?