15

974 Words
Chapter 15 Cassius Roqas's POV; "Boring." Bulong ko habang nakatingin sa labas ng bintana kung saan kitang kita ang likod ng university. Pagkatapos kasi ng klase para sa lunchbreak dapat iikot kami ng Archor para icheck ang buong university at dahil inatake ako ng katamaran nag paiwan ako sa dito sa classroom. 'Kawalang gana.' Bulong ko bago bago iikot ang paningin ko sa buong classroom at mapako ang tingin ko sa isang slim bag na nasa table ni Caito. "Yung baklang yun talaga burara." Bulong ko bago tumayo at abutin ang slim bag. "Hahatid ko na lang ito siguradong nasa cafeteria mga yun." Ani ko aalis na sana ako sa mga hanay ng upuan ng bumukas ang pinto at pumasok si Airo na nakapamulsahang lumapit sakin. "Dre bag ng kakambal mo naiwan." Ani ko bago bahagyang iwagayway yung bag. "Wag kang gagalaw." Utos niya na kinakunot ng noo ko ng mapaupo ako sa isang lamesa at siilin niya ako ng halik. Hindi ko binuka ang bibig ko at nanatili lang nakatikom ganun din naman siya mukhang may balak nanaman siyang pagselosin ka---. Para yatang tumigil sa pag function ang utak ko ng may humila kay Airo at humablot sakin. 'Wtf!anong nangyayar---.' "Jerk!!" Bahagya akong nagulat ng makita ko si Eros sa harapan ko na siyang humablot sakin at si Moon na humila kay Airo palayo. "What?" Bored na tanong ni Airo bago tingnan si Eros na nasa harapan ko. Hindi ko makita ang mukha ni Eros dahil nasa likod niya ako pero base sa pag galaw ng balikat niya galit ito. "Damn you Airo Nera." Mura ni Eros na sa unang pagkakataon narinig ko ang ganitong tono niya. "Sabi mo hindi mo gusto si Cassius diba?" Tanong ni Airo bago humakbang palapit sakin at tabigin patabi ang kakambal niya. 'Teka ano bang nang---.' Hindi na ako nagulat sa halikan ako ni Airo pero tangna itutulak ko siya ng--. "Makisakay kana lang para ito sa kakambal ko." Bulong ni Airo ng maghiwalay sandali ang mga labi namin. 'Eros?' Hindi na ako pumalag ng ipasok niya ang kamay niya sa damit ko na kinasinghap ko ng hawakan niya ang likod ko pataas sa batok ko tangna dahil sa bahagyang pagbuka ang labi ko nakapasok ang dila ni Airo sa bibig ko. 'f**k!act pa ba ito?' Itutulak ko siya ng---. "f**k you Kuya!" Nanlaki ang mata ko ng suntukin na talaga ni Eros si Airo dahilan para mapaupo ito sa sahig habang hawak ang panga niya ng suntukin siya ni Eros. "Anong---." Bago pa ako makapagtanong namalayan ko na lang ang sarili ko na hila hila ni Eros palabas ng classroom. "Eros!ano ba?!" Hindi ko mapigilang mapagtaasan na siya ng boses ng makarating kami sa locker room at hilutin bahagya ang wrist ko dahil sa higpit ng pagkakahawak niya. Feeling ko bumakat ang maliit na kamay niya sa wrist ko at hindi nga ako nagkamali dahil may nga nakita akong marka dun. "Gusto mo ba kuya ko?" Tanong ni Eros na kinatingin ko. Madilim ang anyo niya na bahagyang kinatigil ko ng magkasalubong ang mata namin. 'Anak ng tokwa si Tito Cairo ba kaharap ko? Pero wait?gusto ko?' "Anong sinasabi mo?" Tanong ko bago nakapamulsagang tumayo at nakangiwing umiwas ng tingin. Hindi ako sanay na ganito si Eros sa nakikita ko kasi ngayon kayang kaya niya akong ibalya sa liit ng katawan niyang yan pag nagkamali ako. 'Mali?may nagawa ba ako?' "Bakit ka pumayag na halikan ni kuya tinatanong kita Roqas!gusto mo ba siya?" Nanggigil na tanong ni Eros na kinabuga ko ng hangin. "Hindi porket nakita mong naghahalikan kami gusto na namin ang isat isa lumaki ako sa liberated na bansa at ang halik walang meaning samin." Sagot ko. Lumaki ako sa America kasama sina dad dahil sa business nila dun at kay mommy pero tuwing vacation talagang pumupunta kami dito para sa once a year Reunion ng gang ni papa. Nagtransfer lang talaga kami dito dahil sa kagustuhan ni dad na kinasang ayunan ko hindi naman tumutol si mommy dahil kaclose niya na din ang mga asawa ng kagang nina Tito Cairo at daddy pero hindi yun ang topic dito bakit galit na galit ang maliit na ito saakin. "Ano bang problema mo bakit ka nagagalit?" Nakapamulsahang tanong ko na kinalaki ng mata niya bahagya bago umiwas ng tingin. "Wala wag mo ng pansinin." Sagot ni Eroa at lalampasan niya ako para lumabas ng locker room ng walang kaano ano ko siyang hilahin at isandal sa locker na nasa harapan ko. "Nagseselos ka ba?" Nakangising sambit ko pagkatapos ko siyang ikulong sa magkabilang braso ko na nakatungkod sa magkabilang gilid ng ulo niya. "Why would I? Wag kang assuming?" Ani niya kakawala siya ng bigla kong hawakan ang pisngi niya at siilin siya ng magaan ng halik hanggang sa palalimin ko yun. *paaak* Nagulat ako at bahagyang napaatras ng makaramdam ako ng pamamanhid sa kaliwang pisngi. "Bakla ako Cass oo pero tao ako at may puso wag mo naman paglaruan masakit kasi eh." Para akong nabato sa kinatatayuan ko ng pagharap ko kay Eros kitang kita ko ang sunod sunod na paglandas ng luha galing sa kulay abo nitong mga bata. "Eros hin---." "Lumaki ka sa liberated na lugar Cassius alam ko at tama sainyo ang kiss para na lang pagbati diba? pero Cassius ako ito*sob*at sobrang sakit yung idea na pumapasok sa utak ko na wala lang lahat ng ito para sayo nasasaktan ako*sob*." Umiiyak na putol ni Eros bago marahas na punasan ang labi niya at naglakad palabas ng locker room. Gusto ko magsorry pero anong sasabihin ko? 'Magsosorry ako dahil hinahalikan ko siya?' Parang tangang tanong ko sa sarili na kinasapo ko sa noo bago sumandal sa locker at iuntog paulit ulit dun ang ulo ko. 'Pero ginusto ko yun?gustong gusto ko.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD