18

1138 Words
Chapter 18 3rd Person's POV; "Ay kaloka natulog si Caitobabes nakakatakot yung pinanonood natin nagawa niya pang matulog?" Komento ni Moon mula sa pagkakaupo sa sahig sa gilid ng sofa ng makitang natutulog ang binata sa ibabaw ng sofa. "Buwan luka ka bakit wala kang stock na foods sa ref niyo?" Ani ni Eros pagkalabas ng kusina. "Ay oo nga pala nakalimutan ko bumili ng stock tara bumili muna tayo." Yaya ni Moon bago tumayo at ayusin ang suot nitong tshirt at pajama. "Teka gigisingin ko si Cai---." "Ano ka ba gurl tulog oh tapos gigisingin mo hayaan mo na sandali lang naman tayo." Putol ng binata bago yakapin sa braso si Eros at hilahin palabas. "Lock mo yung pinto sistah tutuktukan ako ni kuya pag may nangyari sa labidabs niya." Bilin ni Eros ng makababa sila sa papuntang sala. "Haist oo na oo na takot ko lang sa mga kuya mo noh hmmp." Pagsusungit ni Moon ng makalabas sila ng penthouse at ilabas ang susi niya para ilock ang pinto. Kaide Nera's POV; "Tangina niyo mga buraot yung tiglilimang piso niyo asan na?!" Bulyaw ni Cason sa Archor ng matapos ang laro. "Gago ka bukas na wala kaming bariya!" Balik na sigaw ni Hiro na kinailing ko bago kuhanin ang plastic bottle na nasa bench. "Tangna mo Hiro isa ka ding buraot yung dalawang piso ko last last year hindi mo pa binabayaran." Mura ni Cason na kinatawa ng kakambal nitonh si Thallio. Pucha itong mga ito nagsingilan na ng mga utang ang yayaman walang mga bariya lilimang piso lang pustahan. "Saan punta mo pre?" Tanong ni Cassius ng tumalon ako paakyat sa mga upuan na bato at maglakad pataas. "Susunduin ko na sina Caito." Sagot ko habang pinupunasan ang mukha ko gamit ang towel na pinadala sakin ni Caito. "Putangina kuya wala pang dalawang oras dun ang alaga mo susunduin mo na." Sigaw ni Airo mula sa baba. Pero imbis pansinin sila nagtuloy tuloy ako pataas hanggang sa naramdaman ko na lang na sumusunod yung mga gago. "Ang init anak ng tokwa." Mura ni Vio. "Hanggang ngayon naguguluhan pa din ako kung nasan mga bahay natin dito tangna pare pareho ng design." Banat ni Xaide habang nauunang naglalakad sakin kasunod ang ilang miyembro ng Beast tss. "Haha oo naalala ko nung pangatlong araw ni Xaide dito kumatok sa bahay namin itong si gago tapos tinanong ako bakit nasa bahay daw ako nila." Ani ni Vio na kinangiwi ko. "Hindi ko iniexpect Xaide na mas sira ulo ka pa sa iniisip ko." Sabat ko na kinatawa ng dalawang grupo maliban kay Airo na pailing iling na lang na tinapik si Xaide na pinaulanan ng mura si Vio. "Mga bata saan punta niyo?" Napatingin kami sa isang gate na dadaanan dapat namin ng marinig namin ang boses ni Tita Hera mommy ni Hiro na asawa ni Tito Dylan. "Pupunta lang kami sa bahay nina Moon." Sagot ni Hiro na kinangiti ni Tita Hera. "Oh siya mag iingat kayo bago gumabi umuwi na, Hiro." Bilin ni Tita bago tumalikod habang may hawak na hose. "Si mom talaga tinuturing pa din akong bata." Komento ni Hiro ng makalampas kami sakanila. "Sino bang hindi... ganyan din sina papa at daddy." Sabat ni Thallio na kinasang ayunan ng iba. "Oo nga pala kailan pala uwi nina Tito Kace?" Tanong ni Cason. "6 months daw sila dun ewan ko." Sagot ko habang nakapamulsahang naglalakad. Namis ko tuloy sina papa at dad kainis. "Oy andito na tayo." Ani Kiyo ng makarating kami sa harap ng gate ng mga Black. "Nasan yung mga hinired ni Tito na workers?" Tanong ni Cassius pero imbis pansinin sila pinindot ko ang doorbell. "Mga engkanto po!tao po!" Parang baliw na sambit ni Vio habang kinakalampag ang gate na kinapoker face ko ng batukan siya ni Kiyo. "Vio nakakahiya ka ayusin mo nga buhay mo." Banat ni Kiyo. "Umalis ba sila?" Tanong ni Airo na kinabuga ko ng hangin. "Baka nandiyan lang yun sa tabi tabi." Ani ni Cassius aalis kami dun para hanapin sina Caito ng---. *shreeek* Napatigil kaming lahat ng makarinig kaming nabasag mula sa loob. "Caito." Ani ko bago sumampa sa gate at tumalon pababa. "Putangnang yan akyat bahay gang na ba ang character natin ngayon dito?" Rinig kong sambit ni Vio. Pucha!pag may nangyari kay Caito na hindi maganda mapa reyalidad man o sa kwento buburahin ko ang existence ng putanginang mga taong gagalaw kay Caito. "Lock ang pinto." Ani Hiro habang kinakalampag ang pintuan. "Tangna careerin na natin ito inakyat na natin ang gate." Ani ni Airo bago umakyat sa puno na malapit sa veranda ng second floor. "Pucha." Mura ko bago tumalon at kumapit sa sanga ng puno at tumalon pataas. 3rd Person's POV; "Wag ka ng gumalaw kung ayaw mong masaktan." Nakangising sambit ng lalaki habang hawak sa bibig ang binatang si Caito habang ang apat nitong kasamahan gawak ang magkabilang kamay ng binata at paa. "Pucha pre ang ganda nito." Mura ng isa sa mga lalaki habang nakatingin sa bakat na nasa pagitan ng mga hita ng binata. "s**t!" Mura ng isa nga lalaking nakahawak sa isang kamay ng binata ng kagatin ito ng alaga ni Caito na si Galaxy. "Putanginang pusa ka!" Mura ng lalaki bago ihagis ang pusa dahilan para makawala ang binata at maibalibag yung lalaking may hawak sa bibig niya at walang kaano anong damputin ang vase na nasa gilid ng sofa at ibato sa isang lalaking nakahawak sa paa niya. "Putangina mong lalaki ka!" Mura ng lalaking binalibag ni Caito matapos nito bumangon mula sa pagkakahiga sa nabasag na coffee table. "Galaxy." Nag aalalang sambit ng binata bago damputin ang alagang nasa sulok at yakapin yun bago sumiksik sa pinakasulok ng kwarto. "Yan ang gusto ko matapang." Nakangising sambit ng isa sa mga lalaking palapit sa binata. Caito's POV; 'Bata halika dito.' Hindi ko maiwasang manginig at manlamig ng makarinig ako ng boses sa utak ko at magbago ang paligid. 'Bata lumapit ka dito hindi naman kita sasaktan.' "L-Lumayo kayo." Nanlalamig na sambit ko ng makakita akong dalawang lalaki na palapit sa pwesto ko. "CAITO!" Nahigit ko ang hininga ko hanggang sa unti unting luminaw ang paningin ko at nakita ko s--. "K-Kaide." Nanghihinang bulong ko hanggang sa may naramdaman akong tubig na nanggagaling sa mga mata ko. "f**k it!" Rinig kong mura ni Kaide bago ako hilahin patayo at yakapin ng mahigpit. "Im sorry hindi na ulit kita iiwan Im sorry." Rinig kong sambit ni Kaide habang yakap ng mahigpit ang buo kong katawan. Kung hindi niya ako hawak baka bumagsak na ako sa sahig dahil sa sobrang panghihina at panlalamig ko. 'I-Ito ba ang takot?' "Andito na ako Caito wag ka ng umiyak." Bulong ni Kaide bago ako ipangko at isubsob sa mga dibdib niya. 'Ayoko ng maalala, ayoko na.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD