25

1316 Words
Chapter 25 Eros Nera's POV; "Sistah pauwi na kami sasabay ka?" Tanong ni Moon pagkasara ko ng locker ko at makipag beso beso sakin. "Mauna na kayo kasama mo si kuya Airo?" Tanong ko na kinapula ng pisngi niya ng masabi ko lang ang pangalan ni Kuya . "Ahm nasa labas na siya." Sagot ni Moon na kinahagikhik ko halatang inlove na inlove na siya. "O-Oy wag ka nga tumawa ng ganyan halatang n-nang aasar ka eh." Nauutal na saway sakin ni Moon na kinatawa ko. "I'm happy for you sistah may pagka sapak lang yung kuya ko na yun minsan pero mabait yun." Ani ko na kinangiti ng kaibigan ko. "Alam ko yun noh sa ilang taon ko ba namang pabuntot buntot sa kakambal mo at ilang bulyaw samahan mo pa ng mura ang natanggap ko ngayon pa ba ako maggugulat sa ugaling meron ang kakambal mo." Kinikilig na sambit ni Moon na kinatawa ko. Masaya ako para sa kakambal ko nakahanap din siya ng taong tatanggap sakanya. "Eros hindi ka ba sasabay?" Tanong ni Airo habang nakapamulsahang nakatingin sakin ang kakambal ko mula sa pintuan. "May art class pa kami kuya dont worry sigurado namang andito pa si kuya Kaide sakanya na lang ako sasabay." ani ko nakita ko ang pagdadalawang isip ni Airo kaya---. "Antayin kana lang namin ni Airo sistah siguradong babalik pa din naman ang ungas na yan pagkahatid sakin." Ani ni Moon na kinangiwi ko. "2 hours ang klase ko mag aanta---." "Ano yun Airo?" Tanong ko ng makitang lumabas si Kuya at susundan ko siya ng hawakan ako ni Moon at sumimangot. "Aantayin ka namin hihi para mas mahaba pa yung time na makakasama ko yung kakambal mo." Malanding sambit ni Moon na kinapokerface ko. "Naku sistah yang katalindaan mo bawas bawasan mapapagalitan ka nina tito pag ginabi ka." Ani ko ng---. "Mauna na pala kami ni Moon Eros tumawag kasi si Tito Jace nasa bahay siya." Ani ni Airo pagbalik na kinakunot ng noo ko. Kavideo call ko kanina si Uncle Jace sabi niya baka bukas na siya uuwi. "Ahh sige ingat na lang kayo oy kuya yung bestfriend ko ah." Bilin ko kay kuya na kinanguso ni Moon. "Hihi uwi na sistah." Pagpapalayas ko sa kaibigan at kakambal ko. Actually wala kaming klase sa Art club may iniisketch lang talaga ako at nakatago yun da loob ng club room. --- "Malapit na ako matapos." Nakangiting sambit ko habang inaalala ang kislap ng mata ng taong inspirasyon ko sa pag guhit ko. "Hanggang ngayon naamaze pa din ako sa talent na meron ka." "Shit." Mura ko ng mahulog ko yung lapis na hawak ko ng makarinig ako ng boses mula sa pinto ng club room. Kahit hindi ako tumingin alam ko kung sino yun sa amoy at boses pa lang alam na alam ko na kung sino. "Pinapunta ka ba ni Airo dito?" Casual na tanong ko kahit ang totoo sasabog na ang dibdib ko sa lakas ng t***k ng puso ko. Hindi dahil sa galit o takot ako dahil ganitong ganito ang reaksyon ng katawan ko pag nasa paligid lang siya. "Mamaya pa ako uuwi...kay kuya na ako sasabay kaya umuwi kana." Ani ko bago yumuko at kuhanin yung lapis ko na nahulog. "Gusto lang kita makausap Eros about sa nangyari last time." Ani ni Cassius na kinatigil ko sandali. "Ano pang dapat natin pag usapan natin malinaw nanaman yung usapan natin nun diba?" Kalmadong sagot ko bago tumayo sa kinauupuan ko at ilagay yung lapis sa pencil case ko at kuhanin ang mga gamit ko. 'Uy wag ka nga magulo eto na nga.' Napatingin ako sa kabilang pintuan ng may grupo ng mga lalaking nakatayo dun. "Ahm hi?" Alanganing bati ng lalaking may hawak na teddy bear at bulaklak habang yung ibang mukhang tropa niya ay nasa pintuan at nagtatawanan. "Ahm ako pala si Adrian." Ani ng lalaki bago lumapit sakin at nag abot ng chocolates. Kahit lalaki ako imean not typically guy marami pa ding nagkakagusto sakin ang wierd lang kasi kinaiinggitan ako ng mga babae dahil sa mukha ko at yung tipong kahit straight na lalaki nagkakagusto sakin dahil sa face na meron ako. "Ano salama---." "Sinong may sabi sayong pwede kang tumanggap ng ganyan?" Para akong nabato sa kinatatayuan ko ng tabigin yun ni Cassius at tiningnan ng masama ang lalaking mukhang freshman lang. "Umalis na kayo hindi tumatanggap ng manliligaw ang batang ito." Pananaboy ni Cassius na kinayukom ng kamao ko. "G-Ganun ba pasensya na." Ani ng estudyante bago nanakbong umalis kasunod ang mga kaklase ng makita si Cassius. Cassius Roqas's POV; Matapos magsara ang pinto nagulat ako ng bigla akong itulak ni Eros na muntikan ko ng ikatumba. "What the hell Eros?!bakit ka ba nanunul---." "Ikaw pa may ganang sumigaw pagkatapos ng pangingialam mo ha?!" Bulyaw sakin ni Eros na kinatahimik ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nainis sa inasal niya ngayon lagi ko namang ginagawa yun pag may nakikita akong umaaligid sakanya bakit ngayon galit siya?dahil sa mas bata yun? Gwapo? "Napakapakielamero mo iniiwasan na kita diba?manhid ka ba ha?!ayoko ng mainvolved sayo ulit gusto na kitang iwasan kaya pwede ba umalis alis kana sa harapan ko Cassius!" Sunod na bulyaw sakin ni Eros habang naiiyak na kinuha ang bag niya at lumabas ng club. Eros Nera's POV; Marahan kong pinunasan ang pisngi ko habang pilit na pinipigilan ang pagtulo ng luha ko. Hindi naman kasi bigdeal sakin yung pantataboy niya sa estudyante na yun pero itong puso at utak ko hindi maiwasan mag assume sa mga expression at gestures na pinakikita niya kahit na ang totoo wala lang yun at natural. "Wala kang kwenta*sob*." Iyak ko habang nakaupo sa sahig at nakasandal sa tapat ng locker ko. Kampante naman akong wala nanamang papasok dito dahil gabi na walang makakakita sakin na parang batang umiiyak dahil lang sa lalaki. "Ano ka ba naman Eros ang ganda ganda mo tapos iiyak ka lang dahil sa iisang lalaki?" Humihikbing sambit ko bago yakapin ang mga tuhod ko ng---. "Eros." Napatigil ako at napatingin sa pinto ng magsara yun habang naglalakad palapit sakin si---. "Ano nanamang ginagawa mo dit---." Naputol ang sasabihin ko ng lumuhod siya sa harapan ko at siilin ako ng halik. Itutulak ko siya ng hapitin niya ang bewang ko bago maghiwalay ang labi namin. "Iba pa din pag ikaw ang hinahalikan ko." Iigkas ang kamay ko para sampalin siya ng saluhin niya yun at tingnan ako sa mata. "Kung isa nanaman ito sa mga laro mo Cassius wala ng nakakatuwa!" Bulyaw ko itutulak ko siya ng yakapin niya na kinatigil ko. "I-Im sorry." Bulong niya na kinalambot ng expression ko. "Sa america aaminin ko marami na akong nahalikan at naikama gago ako diba?" Dagdag niya na kinatahimik ko. Oo nagmahal ako ng gago noon pa man alam ko na ang patutunguhan ng pagkakagusto ko sakanya pero eto ako patuloy pa ding umaasa. "Lahat ng katarantaduhan ko alam mo dahil sinasabi ko yun sayo at kay Airo." Bulong niya lalayo ako ng mas higpitan niya pa ang yakap sakin. "Sa dami ng babaeng dumaan sa buhay ko ikaw lang ang kaisa isang lalaking nagpabaliw sakin ng ganito." ani niya na kinatigil ko. "Ni minsan hindi ako nattract sa lalaki pero iba ka hindi mo lang basta nakuha ang atensyon ko nagawa mo pang guluhin ang buong sistema ko." Naggigitgit na sambit niya. "Hindi ko ito nararamdaman sa babae tanging sayo lang...para pagtakpan yun kinailangan ko pang bwisitin ka, para mapansin mo ako kailangan ko pang inisin ka at asarin...Childish oo pero maniwala ka sa hindi parang gumuho ang mundo ko ng sabihin mong ayaw mo na ako makita. Patawarin mo ako Eros." Dagdag niya bago humiwalay sakin at tingnan ako ng may kakaibang ekspresyon. "G-Gusto kita Eros at...at naiinis ako tuwing may umaaligid sayong ibang lalaki."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD