06

1243 Words
Chapter 6 Kaide Nera's POV; Sunod sunod ang mura ko ng pagkababa ko mukha ng sinehan ang sala namin at halos mamatay sa katatawa sina tito habang pinanonood yung mga pinaggagawa namin ni Caito sa England. "Caito! Hindi kinakamay ang sabaw!wag mong tinidurin yang lugaw!" "f**k! Balak mo bang tusukin nan ang kamay ko!" Naalala ko yan yung unang araw ng pag aalaga ko kay Caito at unang beses na kasabay ko siyang kumain. Nakita ko kasing kinakamay niya yung sabaw at tinitinidor yung lugaw tapos nabadtrip yata dahil sinigawan ko itusok ba naman yung tinidor na hawak sa lamesa malapit sa kamay ko. 'Tangna.' Mura ko ng pati si Airo at daddy nagpipigil ng tawa ng makita yung scene na naghahabulan kami ni Caito sa mansyon dahil ayaw maligo ni Caito. As in araw araw yun. "Akin na yang daliri mo puputulin ko!" "Bakit hindi yang daliri mo ang putulin mo at pinakikialaman mo yung akin" Napuno ng tawanan ang buong sala ng makita nilang kagatin ako ni Caito ng hawakan ko yung kamay niya. "Haha ayoko na sakit na ng tiyan ko!" Ani ni Kiyo na halos mamatay na katatawa katabi si Tito Wallace na mangiyak ngiyak sa katatawa. Napapoker face na lang ako ng papatayin ko na yun pinagpasa pasahan nila ang remote. "Wag ka ngang Kj kuya haha." Tawa ni Eros na dinampot yung remote at agad na binigay kay Vio na anak nina Tito Allen. "Haha pare namis ka namin kaya hayaan mo na kami panoorin ito." Sabat ni Vio na kinagusot ng mukha ko. "Nagugutom na ako." Ani ni Caito. "Kumain na tayo." Gusot ang mukhang sambit ko bago malakad papasok ng kusina para kumuha ng pagkain. "Walang Candy?" Ani ni Caito habang nililibot ang paningin sa buong kusina. "Walang cand---." "Mahilig ka sa candies?" Napatingin kami pareho ni Caito sa pinto ng kusina ng bumungad ang nakangiting mukha ni papa. "Im Kace Javier Nera, Nice to see you again...Caito." kalmadong sambit ni papa bago humakbang papasok at yakapin si Caito na halatang nanigas sa kinatatayuan. "Welcome home." Rinig kong bulong ni papa. Hindi na ako nagtaka ng walang mareact si Caito kahit ang pagkagat pag may humahawak sakanyang iba hindi niya magawa. May aura kasi si papa na kahit sinong mabangis na hayop mapaamo niya. Kahit nga ako o si daddy even si Airo para kaming mga maamong tupa pag andiyan si papa. "Bukas bibili ako ng maraming candy para sayo." Ani ni papa. Nung una naiilang si Caito specially pag nandiyan si papa pero ngayon mukhang okay na siya. Pagkatapos manood nina tito at ang mga anak nila na walang ginawa kung hindi asarin ako sabay sabay na kaming kumain kasama si Caito. "Ayaw mo ba ng ulam?" Tanong ni papa na kinatingin ko ko kay Caito na nakatingin sa plato niya. "Shoot." Ani ko habang sapo ang noo ko. "Hindi kumakain ng meat si Caito." Ani ko kay papa ng makitang puro karne yung nasa plato ni Caito. "Teka gagawa ako ng vegetable salad, bakit ngayon mo lang sinabi Kaide." Ani ni papa bago tumayo at pumasok ng kusina. "Papa hindi ka nagtan---aww!" Reklamo ko ng batukan ako ni daddy. "Haha vegetarian ka pala Caito buti ka pa ito kasing kambal ko ayaw ng gulay." Ani ni Tito Ian na kinatigil nung kambal sa paghihiwalay ng gulay at karne sa plato nila. "Papa ang sama sama ng lasa ng gulay kadiri." Arte ni Thallio na kinasang ayunan ni Cason. "Mahilig naman ako sa gulay wag lang ang papa niyo magluluto." Banat ni Tito Castro na asawa ni Tito Ian. "Wag kang papasok ng kwarto ko mamaya sa sala ka matutulog." Umuusok ang ilong na sambit ni Tito Ian na kinatigil ni Tito Castro. "Joke lang honey ang sarap sarap kay ng luto mo." Pambobola ni Tito na kinailing ko ng asarin pa siya nina Tito Wallace. Imbis pansinin pa sila kinuha ko ang plato ni Caito at pinaghiwalay ang karne sa gulay. "Kumain kana kahit konti." Ani ko na agad niya namang ginawa. Dadamputin niya yung tinidor ng kutsara ang iabot ko. Napuno ng ingay ang hapagkainan dahil sa biglaang reunion na ito napuno ng asaran at biruan specially pag ako ang nohohotseat tangna. "Caito ito oh vegetable salad para sayo." Ani ni papa bago magbaba ng pagkain sa lamesa. "Waah papa turuan mo din ako niyan bukas ah ang ganda tingnan." Kumikinang ang matang sambit ni Eros. "Kahit anong galing ni Tito Kace magluto wala kang pag asang matuto." Sabat ni Cassius habang kumakain, anak ni Tito Vlad. "Aba! Sinong may sabi sayong hindi ako natututo?!" Umuusok ang ilong na tanong ni Eros. Saming magkakapatid si Eros ang pinakamahabang pasensya pero pagdating kay Cassius he can change within a second. "May point naman si Cassius ilang buwan ka din tinuturuan magluto ni papa maganda lang presentation mo pangit pa din ng las---." "Kuya." Nakangusong putol ni Eros na kinatawa namin dahil aminado kaming totoo yun. Gustong gusto ni Eros magluto lagi din itong tumutulong kay papa sa kusina pero ni minsan hindi ito nakapag luto ng makakain talaga ng tao. "Wag niyo ngang asarin ang prinsesa ko hindi na nanaman nakapagtataka yun lalo na't kay Cai nagmana." Banat ni papa. "Si papa?" Tanong ni Eros. "Oo pati si Kaide." Sagot ni papa na kinasamid ko. "Papa bakit ako nadamay?" Tanong ko na kinailing nalang ni Daddy habang kumakain. "Naalala ko nun nung ipagluto niyo akong dalawa ni Cai ng bachoy akala ko Dinuguan bachoy pala." Kwento ni papa na kinatawa nina Tito. "May pinagmanahan ka naman pala sistah hindi ka nag iisa." Sabat ni Moon Anak ni tito Dylan. "Ihhh basta gusto ko pa din matutong magluto at gusto ko magpatayo ng isang restaurant hihi tiyaka pupunuin ko ng mga pictures ni daddy at nina Kuya Airo yung restaurant ko para madaming kuma---." "Wth Eros bakit may picture namin?" Tanong ni Airo. "Anong comnect ng pictures namin sa ipapatayo mo?" Sabat ko na kinatingin din ni daddy. "Aba sayang naman ang gandang lalaki ng daddy at mga kuya ko kung hindi ko gagamitin hihi." Sagot ni Eros na kinapokerface ko. Mukha lang anghel si Eros pero wag kayong papaloko sa inosente niyang mukha ang dami nang alam na kalokohan. "Diba papa?papayag ka hihi." Ani ni Eros bago yakapin si papa sa braso na nilalagyan ng ulam si daddy. "Sige lang anak kung gusto mo din ng baby pictures nila mer---." "Papa!" "Papa!" "Kace!" Halos sabay naming sigaw nina Daddy. Napuno ng ingay ang buong mansyon dahil sa gulo naming lahat. Matapos ang gabihan nagkanya kanya ng pwesto ang lahat. Nasa garden si daddy kasama ang buong gang niya kasama ang gang ni papa. Habang si papa naman kasama ang mga asawa ng mga kagang ni daddy at nag momovie marathon sa sala. "Kamusta ang university?" Tanong ko habang nakaupo sa damuhan sa labas ng mansyon kasama ang mga kagang ko at gang na binuo ng anak ni Tito Vlad. "Ganun pa din marami pa din gustong kumalaban sa Beast." Sagot ni Cason Lopez isa sa Kambal ni Tito Castro." "Wala naman ng bago dun Cason." Sagot ni Vio Alcaraz anak ni Tito Allen habang kumukuha ng maliliit na bato at binabato ang punong nasa harapan namin. "Pero this past few weeks may ilang estudyante ang namamatay o naoospital at yun ang iniimbistigahan ng grupo nina Roqas." Ani ni Kiyo Mendez anak ni Tito Wallace na kinatingin ko sakanya. "Namamatay?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD