13

981 Words
Chapter 13 Kaide Nera's POV; 'Tangna ayoko talaga ng ganitong lugar' parang tangang sambit ko sa sarili ko bago suutin ang malaking headset ko at nakinig na lang ng music. Para nanaman kaming hinuhubaran ng mga babae dito kaya mas lalo akong nakakaramdam ng inis. Maya maya naibaba ko ang suot kong headset ng makitang mapakapit si Caito sa braso ko habang nakatingin sa mga taong nakatingin samin. "Ahm tito Jace mukhang hindi magandang idea na dinala natin dito si Caito." Ani ni Eros na kinatingin ni Jace samin. "Hindi masasanay sa maraming tao si Caito kung ikukulong niyo lang siya sa bahay." Ani ni Jace na kinabuga ko ng hangin. "Chill ka lang hindi kita iiwan." Bulong ko pagkatapos kong yumuko at hawakan ang kamay ni Caito na nakahawak sa braso ko. Hindi ko alam pero for this time nawalan ako ng pake sa iisipin ng ibang tao sakin kahit alam kong kabaklaan itong ginagawa ko. "Kyaah ohmy!mga model ba kayo ng churlalu churvava!" Bungad samin ng baklang mukhang may ari ng shop pagbukas ni Jace ng sliding door. "Kyaah ang gwapong mga fafa!" Tili ng isa sa mga ito bago kami tingnan ng malagkit ni Airo. "Tangna lalabas na ak---." "Kuya Airo wag ka nga papagupit ka lang pramis magaling sila." Ani ni Eros bago hilahin si Airo paupo. "Ikaw fafa papagupit ka?" Pakurap kurap na tanong sakin ng isa sa tatlong bakla na lumapit sakin. Hahawakan ako ng isa sakanila ng---. "Ohymy dyosa!!" Tili ng baklang pink ang buhok ng humara si Caito na nakatago kanina sa likuran ko. "Kaloka ang beauty niya mga ateng." Komento ng isa pang bakla ng makita si Caito. Matapos nilang pagkaguluhan si Caito pareho na kaming hilahin sa upuan at iharap sa malaking salamin. "fafang pogi girlfriend mo ba yang si pretty boy infairness exotic ang beauty niya kainggit hihi." Ani ng baklang nag aayos ng buhok ko. "Kapatid ko yan." Sagot ko na kinalaki ng mata ng baklang naggugupit sakin. "Oww sayang bagay pa naman kayo hihi." Ani ng beautician habang ginugupit ang buhok ko. Hindi ko alam pero may parte sakin na umaasang sana hindi ko na lang maging kapatid si Caito. "Kyaah look prettyboy ang ganda ganda mo na." Napatingin ako sa kabilang upuan ng makita kong magtitili ang mga baklang nag aayos kay Caito. "Maganda ako?" Ulit ni Caito bago ako tingnan na kinangiti ko. "Yeah mas nagmukha kang babae." Natatawang komento ko bago tumingin ulit sa salamin kung saan tinatanggal na ang kulay ng buhok ko. "Kyaah ohmy hihi ang ganda mo Caito." Tili ni Eros. "Eros lalaki si Caito." Paalala ko na kinanguso ni Eros. "Pero mukha siyang babae kaya maganda siya." mataray na sambit ni Eros na kinailing ko na lang ng kampihan siya ni Jace na nagpapalinis ng kuko. Simpleng boy cut lang naman ang ginawa sa buhok ni Caito then ginilid lang ang buhok nito na pataas kaya kitang kita ang berde nitong mga mata na medyo kinainis ko. Kaya nung makalabas kami ng parlor lumapit ako kay Caito at medyo binaba ang buhok nito para kahit papaano matakpan ang mga mata nito. "Kyaah! Kuya bakit mo tinago ang ganda ganda kaya ng eyes ni Caito." Ani ni Eros ng makita ang ginawa ko. Hahawakan ni Eros ang buhok ni Caito ng saluhin ko ang kamay niya at pitikin siya ng mahina sa noo. "Tigilan niyo si Caito mas maganda siya pag simple lang." Ani ko kahit ang totoo ayoko lang na mas makaagaw siya ng pansin kanina pa kasi ako nanggigil sa mga lalaking nakatingin sa mga kapatid ko. "Possesive jerk." Rinig kong bulong ni Airo bago ako tapikin at lampasan. "Ibulsa mo si Caito kung ayaw mo matitigan." Suhesyon ni Airo na kinangiwi ko. "Gago!" Ani ko bago mabilis na sinakal siya gamit ang mga braso ko na kinatawa niya bago gumanti sakin kaya yun habang naglalakad kami nagsasakalan kaming dalawa. Caito's POV; Napahawak ako sa parte ng buhok ko na hinawakan ni Kaide ng ibaba niya yun. "Kastress talaga yun si kuya hmmp." Komento ni Eros habang yakap ang braso ko at nakatingin kina Kaide na nagsisipaan. "Yung buhok ni Kaide." Bulong ko na kinatingin ni Eros. "Yan yung real color ng buhok ni Kuya hihi ganda noh katulad nung kay papa." Ani ni Eros na kinatango ko. Parang boy version ni papa si Kaide. Imean maamo kasi features ni papa hindi katulad ng features ni Kaide napakamanly niya pati pangangatawan. "Anong problema?" Ani ni Kaide na kinatingin ko. "Ang laki ng closet na ito." Komento ko na kinatawa niya bago akbayan at ayain ako kung saan. "Shop ito bilihan ng mga damit." Ani Kaide. Shop pala tawag sa ganito. "May gusto kang damit?" Tanong ni Kaide. "Marami naman akong damit sa closet." Sagot ko bago tumingin sa paligid at tingnan ang mga babaeng nakatingin samin o tamang sabihin kay Kaide na pumipili ng damit. May ilan din namang lalaki pero sakin nakatingin may ilan pa sakanilang ngumingiti sakin. "Dito ka." Napangiwi ako ng takpan ni Kaide ang mata ko at iikot ako paharap sakanya. "Mas gwapo ako sa mga yan kaya sakin ka tumingin." Ani ni Kaide na kinataka ko bago mag angat ng tingin kay Kaide ng ikulong niya ako sa mga braso niya habang nakatukod ang dalawang braso niya sa isang parang malaking salamin. Matama ko siyang tinitigan bago bahagyang tumingin sa mga lalaking kanina lang nakatingin sakin. "Tiningnan ko lang sila at hindi porket tumingin ako kasing level mo na sila." Ani ko bago tingnan si Kaide na nakaismid. "Oy kayong dalawa kung tapos na kayo diyan umalis na tayo." Pareho kaming napatingin ni Kaide kina Eros na nasa pinto ng shop daw. Nang hilahin ako ni Kaide paalis napakunot ang noo ko ng may maramdaman nanaman akong nakatingin. This past few days tuwing kasama ko si Kaide lagi kong nararamdaman na may nakatingin samin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD