11

1077 Words
Amber Lacson's POV; "Stop staring me little one." Poker face na sambit ni Racer na kinakurap ko. "Wait?uniform yang suot mo?" Hindi makapaniwalang sambit ko habang nakatingin sa reflection niya sa salamin na nag aayos ng buhok. Ibang iba kasi ang tyura niya sa Racer na nakilala ko this past few days mukha itong bumata ng walong taon sa loob lang ng isang araw. "Kung tama ako 27 kana diba?tapos nag aara---." "Tss college student ako at minamaster ko lahat ng course for my business purposses." Putol ni Racer bago ayusin ang fake eye glasses niya at lingunin ako na hindi makapaniwalang nakatingin sakanya. Nagcontact lense din ito at at nagpadye ng buhok na kulay itim as in nagiba ang tyura niya pero---. Napapokerface ako ng mapansing nandun pa din ang features niya na malagreek god. Ang pinagkaiba lang may innocent look ito na parang isang maamong anghel na hindi ko iniexpect na may ganitong other side ang isang Phantom Aragon. "Magbihis ka mageenroll ka." Ani ni Racer na kinakurap ko dahil sa bahagya kong pagkatulala kay Racer. "Eenroll?papasok ako sa pinapasukan mo?" Tanong ko na kinataas niya ng kilay. "Saan mo naman ba gustong pumasok little one tsk magbihis kana at sa susunod kakatok ka pag papasok ka ng kwarto ko." Ani ni Racer na kinasimangot ko. "I have a key bakit pa ako kakatok." Sagot ko bago tumalikod para magbihis daw. Kaninang umaga kasi binigyan ako ng susi ni Racer ng kwarto niya na hindi ko alam kung para saan hilig niya daw kasi maglock ng pinto mas mabuting may spare key ako incase na kailanganin ko o hanapin ko siya. If I know nalaman ko kina Maki na hindi talaga nag sstay sa mansyon si Racer madalas daw nasa ibang bansa ito o nasa mga company niya. 'I just wondering kung anong buhay meron si Racer nung mga panahong magkayo kami.' --- "Ohmy ang laki." Bulong ko ng pagbaba namin ng kotse ni Racer bumungad samin ang napakalaking eskwelahan. As in ang linis at mukhang mayayaman ang mga nandito dahil sa madalas ko nakikita ang ilan sakanila sa dyaryo, t.v at magazine. "This university is for the elites in short eskwelahan ito ng mga mayayaman kaya expected mo na ang pagiging biatch at jackass ng mga estudyante dito." Ani ni Maki bago yakapin ang braso ko ng makalabas ako sa kotse ni Racer. "Wag kang lalayo kina Maki at Terrance little one." Bilin ni Racer na kinatingin ko sa loob ng kotse ng makita ko siyang sumilip dun bahagya. "Hindi ka ba papasok?" Tanong ko ng mapansing hindi ito umalis sa driver seat pati na din sina Terrance na nakaparada pa din ang kotse sa hindi kalayuan. "Medyo malayo pa ang building namin dito ayoko maglakad." Bored na sagot ni Racer na kinailing ko na lang bago isara ang pintuan ng kotse. "Paglumabas mga yan siguradong ipit tayo kaya dun na tayo." Bulong ni Maki bago ako hilahin papunta kung saan. "Anong ipit?" Tanong ko habang naglalakad kami paalis dun at tumingin tingin sa palagin. Umaabot ng hanggang apat na palapag ang mga building dito at talagang nakakalula dahil sa lawak at laki ng university. "Kyaaaah!!!ohmygosh andiyan na sila!" Napatingin kami ni Maki sa pinakaentrance ng university ng makita namin ang kotse nina Racer na pumasok. "Ngayon alam ko na kung bakit ayaw nila maglakad." Nakangiwing sambit ko ng makita ang mga estudyanteng halos harangin ang mga kotseng papasok. "Sa business world alam ng lahat na bigatin ang pamilyang pinanggalingan nina Boss na hindi alam na sina boss mismo ang pinupursuade nila." Sagot ni Maki na kinatingin ko. "Ha?hindi ko maintindihan." Ani ko na kinatawa ni Maki bago ako tingnan. "Nakaakyat sila aa taas ng walang tulong ng kahit na sino kaya gumawa sila mg fake info na galing sila sa mayanang pamilya kahit na ang totoo sari sarili nilang sikap yun specially si Mr.Griffin." ani ni Maki na kinatigil ko dahil sa idea na hindi pumasok sa isip ko kung anong nangyari kay Racer after ng iwan niya ako sa isla at pano siya nakarating sa ganitong estado. "Ang alam ng mga tao at estudyante dito pamangkin o anak sila ng mga sikat na Bachelor sa magazine na hindi lumalabas in public makita mo naman kanina parang hindi sila yung mga taong nakikita at nakakasama mo sa mansyon hmmp." Dagdag pa ni Maki na kinatigil ko sandali. Feeling ko napakasama ko tao binibigay sakin lahat lahat ni Racer tapos ang hilig ko pa sakanya magdemand ng oras at attention sakanya. Nagpapakahirap siya magtrabaho tapos sa isang iglap magbabago yun dahil sakin kaya nga siguro niya ako iniwan sa isla dahil sa nakakaistorbo lang ako sagabal ako. Kung nagkataong kasama ako ni Racer makukuha niya kaya ang mga ganitong bagay... makakarating siya sa ganitong estado? --- "Kamusta ang first day?" Bungad ni Racer na kinatingin ko sa pintuan. Pagkatapos kasi naming pumunta sa Dean office nilibot namin ni Maki ang buong university then dinala ako dito ni Maki secret room daw ng barkada nila. "Bukas pa daw magsisimula ang klase." Sagot ko habang tinitingnan si Racer na pumunta parang maliit na kusina. Mas mukha kasi itong hotel kaysa sa classroom dahil sa may kama,mga sofa at lamesa may kusina din ito ma pinasadya talaga ni Racer para saknila. Then nalaman ko din na si Racer ang nagmamay ari ng campus na ito na nakapangalan kapatid niya na hindi ko alam kung sino. Ganun din ang ibang establishment niya may nakalaan na daw talaga para sa taong yun ayaw naman sabihin ni Maki kung sino. "May kapatid ka bang kasama mo? Imean by blood?" Tanong ko habang nakatingin kay Racer na may iniinom na kung ano. "Yeah meron." Sagot ni Racer. Ang maganda lang kay Racer pag nagtatanong ako sumasagot siya agad at hindi na nagtatago pero ano nga ba itatanong ko kung wala naman akong alam tungkol sakanya at kung anong dapat kong malaman sa hindi. Ayokong panghimasukan ang buhay niya lalo na't alam ko na simula palang ng isilang sina Racer may daan ng para sakanila lang. They can survive sa kahit na anong aspeto at saan mang mundo sila makarating yan ang mga Aragon pero kung may isang bagay man akong kinakatakutang malaman. Yun ang demonyong nakaanino sa bawat hakbang ni Racer na balang araw yun ay maging siya at ang tunay na Racer na nakilala ko ang mawala. "Anong iniisip mo?" Ani ng baritanong boses na nakapag pagising ng diwa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD