3rd Person's POV;
"Bakit mo kasi ako hiniga sa braso mo?" Casual na tanong ng binatang si Racer habang nakatingin sa dalaga na iniikot ikot ang braso.
"Mas komportable ka sa ganung posisyon at isa pa nanaginip ka ng masama diba?" Balik na tanong ng dalaga na kinatigil ng ilang segundo ng binata.
"Racer." Tawag ng dalaga na kinatingin ng binata sa babaeng nasa harapan niya habang nakangiting nakatingala sakanya.
"Pag pagod ka na...and feel exhausted, my two arms open for you anytime and anywhere." Nakangiting sambit ng dalaga habang nakabuka ang dalawang braso.
"Silly." Nagpipigil ang ngiting sambit ng binata.
Dahil sa gabi na at nasa madilim silang bahagi ng eskwelahan hindi pansin ng dalaga ang expression ng binata ng wala kaano anong yakapin ang maliit na katawan ng dalaga.
"Pag gusto mong magpahinga... andito lang palagi ang braso at katawan ko you can lean to me anytime." Bulong ng dalaga bago yakapin pabalik ang binata.
---
"Aaaaaaahhh!!!" Umalingaw ngaw sa apat na sulok ng kwarto ang sigaw ng batang lalaki ng hihigit sa labing anim na boltahe ang tumama sa maliit na katawan niya ng hindi ito mapigilan sa ginagawang pagpatay at pagkalas kalas ng katawan ng mga tauhan ng mga Aragon na nagbabantay sa batang Aragon.
"Hindi mapagkakailang anak talaga kita." Tila proud pang sambit ng lalaking humihithit ng sigarilyo habang nakatingin sa batang lalaki na nakahiga sa sahig na pilit bumabangon.
"P-Papa a-ayoko na."
"P-Patayin niyo n-na ako."
---
"Kyaah andiyan na ang elites!" Tili ng mga estudyante mg pumasok ang grupo ng binatang si Racer kasunod sina Terrance na nakapokerface at matamang tinitingnan ang paligid.
"Una na kami boss." Bulong ng binatang si Terrance bago humiwalay kina Floid at Racer kasunod sina Drake at Renzo.
"Kyaah classmate tayo!" Tili ni Maki ng makita ang schedule ng dalaga galing sa isang puting folder.
"Excited na ako pumasok." Natutuwang sambit ng dalaga at hindi pinansin ang mga babae at lalaking nandidiri sa tyura niya.
Amber Lacson's POV;
Pagkatapos kong magpakilala base sa fake documents na binigay ni Racer sa Dean umupo na ako sa tabi ni Maki na nasa pinakadulong upuan habang sina Terrance ang nasa aming unahan na kaklase din namin.
'Kadiri ang creepy ng face niya.'
'Pacontact contact lense pa hindi naman maganda.'
Hindi na bago sakin ang naririnig ko pero mas gusto ko na yung ganito kaysa saktan nila ako katulad nung sa dati kong university na hindi ko na alam ang nangyari.
Nagpatuloy ang klase ng araw na yun going smooth naman ng araw na yun maliban sa---.
"Naloloka ako feeling ko anytime mag oover heat na utak ko." Reklamo ko habang nakasubsob sa desk pilit ko kasing iniintindi yung mga tinuturo ng teacher dito and as my expected hindi kaya ng IQ level ko. Ayokong mapahiya si Racer dahil sakin lalo na at malaman kong laging number 1 sa buong university si Racer.
"Haha chill ka lang young lady andiyan naman si Maki pwede ka namang turuan nan." Ani ni Renzo bago ako lingunin sa kinauupuan ko.
"Kasi naman nakakahiya lalo na at alam ng lahat kapatid ko si Racer dun pa nga lang sa mukha tagilid na ako pano pa kaya sa IQ level taob na ako panigurado." Banat ko na muntikan ng ikatumba ni Terrance sa kinauupuan.
"Jusme ka naman sweet Amber gawin mo lang ang kaya mong gawin." Advise ni Maki na kinabagsak ng balikat ko bago tumungo dun at tumingin sa labas ng bintana.
"Pakiramdam ko kasi ang layo layo ni Racer sakin." Bulong ko bago humuntong hininga at tiningnan sina Maki na nakatingin sakin.
3rd Person's POV;
"Sa tingin niyo ba maabot ko si Racer?" Tanong ng dalaga na kinakunot ng noo ni Terrance.
"Kung sa height mo pagbabasehan walang pag as---awww!" Daing ni Terrance ng hampasin siya sa ulo ng dalaga na kinatawa nina Drake at Renzo.
"Alam kong maliit ako wag mo ng ipagduldulan." Nakangusong sambit ng dalaga bago hilahin si Maki na binibelatan si Terrance na iniungasan si Maki na nangaasar.
"Ladies room lang kami." Paalam ni Amber habang nakasimangot na papalabas ng classroom.
"Natatawa ako kay Young lady." Out of the blue na sambit ni Renzo habang nakahalumbaba.
"Wala siyang kaalam alam na higit pa sa gusto niya ang hawak niya ngayon." Bulong ni Renzo bago tingnan ang dalawang kaibigan.
"She can ripped everything in one snap without knowing." Dagdag ni Drake bago tumingin sa labas ng bintana.
Amber Lacson's POV;
Habang nasa ladies room si Maki nandito lang ako nakatayo sa labas ng pintuan at nakatingin sa kaharap kong pader.
*shreeek*
Napatayo ako ng ayos at napatingin sa pinakadulo ng hallway kung saan papunta sa fire exit ng makarinig akong tunok ng hinihilang mataalas na bagay sa pader.
"S-Sino yan?" Tanong ko ng makaramdam ako ng nakakakilabot na presensya at bulto ng tao na nagtatago sa pinakamadilim na sulok.
"Mak---."
"Ohmygod!" Nanlaki ang mata ko ng pagharap ko para bumalik sana sa Ladies room may tatlong babae akong nakita at nabangga ko ang isa aakanila na kinalaki ng mata ko.
"I-Im sorry hindi ko sinasadya!" Ani ko bago kuhanin ang panyo at pupunasan ko ang uniform niya ng---.
"b***h!dont touch me!mahawaan pa ako ng kapangitan mo!" Tili nung babae bago ako itulak at nandidiring pinupunasan ang uniform niya.
"Look what you'll have done! Ohmygosh."
"Gross tingnan mo ang ginawa mo sa uniform ni Stacey." Tili nung isa pang babae bago ako tapunan ng juice na hawak niya na kinasinghap ko dahil sa lamig.
"Here pa hihi."
Hindi ko maiwasang maiyak ng ibuhos pa nung isa ang juice niya sa ulo ko.
"Suit for you bitch." Ani nung babae na nabangga ko bago ako irapan at---.
"Sweet Amber im don---ohmygosh!" Rinig kong tili ni Maki pagkabukas ng pintuan at makita ako.
"Ow is that your friend Maki Garcia, I thought pa naman may taste kang pumili ng friend." Ani nung babae lalapitan sila ni Maki ng hawakan ko ang braso ni Maki para pigilan.
"Hindi pa tayo tapos bitch." Ani nung babae bago ako irapan at maglakad paalis kasunod yung dalawa pang babae na nginisian ako.
"Sila ba may gawa nan?" Nagdidilim ang anyong tanong ni Maki.
"A-Ako naman may kasalanan nabangga ko yung babae tapo---."
"f**k them dito ka lang tuturuan ko sila ng leksyon." Aalis si Maki ng hawakan ko ng mahigpit ang braso niya at naiiyak na sumubsob sa braso niya.
"A-Ayos lang naman ako wag na." Naiiyak na sambit ko.
"Fine dahil alam ko namang may iba ng gagawa nun para sayo." Ani ni Maki na kinatingin ko.
"They would escape from me but not from him." Ani ni Maki bago kuhanin ang panyo niya sa slim bag niya at punasan ang nukha ko.
"Wag na muna tayo pumasok sa second subject natin maligo ka muna at magbihis." Ani ni Maki bago ako hilahin pa punta kung saan.
Nang makaramdam nanaman akong parang may nakatingin sakin lumingon ulit ako dun sa kabilang dulo ng hallway kung saan ako may nakitang bulto.
Pero wala ng tao dun at tanging nakikita ko na lang ang munting liwanag na nanggagaling sa fire exit na nasa kabilang bahagi ng dulo ng hallway.