JASMINE
I woke up early. It was the first time I woke up early.
I don't know kung bakit ang aga kong nagising. Basta may nagtulak sa akin na agahan ko at ito ako ngayon, nagto-toothbrush na and naghihilamos.
Kung makikita ako ng mga kapatid ko ngayon, paniguradong pagtatawanan ako ng mga iyon lalo na sina Kuya Jim and kuya Jin.
Kaya ayoko sila kay ate Miya. Mga bwisit sila sa buhay ko. Ako lang naman ang pinakamaganda nilang kapatid tapos aawayin pa nila. Like duh?
Bumaba ako sa sala at naabutan ko roon si Jeppy. Umangat ang kanyang mukha at tinignan ako. Ganyan siya.
"H-hello... Good morning!" Ani ko rito and ngumiti.
Tumango lang ito sa akin.
"Sabi sa akin ni Nene, sasabay ka raw?" Ako ba? Ako ba kausap niya? Omg!
"Huh? Ah... Oo, kanina ka pa ba? Diba maya pa namang nine in the morning iyong first class natin?"
"Yes, but I have a meeting in eight in the morning..." Napatingin ako sa orasan na nandito sa sala.
It's fcking almost seven fifteenth.
"W-wait... Maliligo na ako, Jeppy! Okay?" Sabi ko rito at tumakbo paakyat ng kwarto ko.
Bakit hindi ko alam? Bakit kasi sumali pa siya sa bilang vice president ng school.
In less than thirty minutes, I'm done! Nakabihis na rin ako ng school uniform naming hanggang tuhod and mahabang medyas. Puti ang aming blouse with a cardigan na blue.
Ito ang pinakamabilis kong kilos, Jeppy! Para sayo binilisan ko. Omg!
Nang masiguradong ayos na ako. Bumaba na ako. Nakita ko roon sila kuya na kumakain kasama si Ate Miya and Nene.
"Where's Jeppy?" I asked.
Wala siya sa dinner area, eh. Hindi ko rin siya napansin sa sala.
"Umalis na si Jeppy, Jasmine. May tumawag kasi sa kanya..." Nanlumo ako sa sinabi ni ate Miya.
Omg! Binilisan ko para makasabay ako sa kanya tapos ganito lang mangyayari? How dare him!
"Darling, ihahatid ka na lang ni Manong, okay? Walang class today si Nene." Nakita ko si Mommy na lumabas sa kitchen.
Tumango ako rito at walang ganang kumain. Ano pa nga ba? Iniwan na ko.
Nakarating ako sa school na nakasimangot. Sinabi ko naman kasi sa kanya na hintayin niya ako, e. May tumawag lang sa kanya iniwan na niya agad ako.
"Girl, ba't ang lungkot mo?" Tinignan ko si Samantha.
Buti pa ito maganda ang love life. Ako? Maganda lang.
"Paano naman kasi hopia na naman kay Papa Jeppy niya..." Ang ingay talaga ng baklang 'to.
Nandito kami sa garden, dito ang tambayan namin kapag break time. Tahimik and walang gaanong tao. Lahat kasi nasa canteen.
"Alam niyo ba girls, nakita ko lang naman iyong Papa Jeppy nito na kasama si Niña..." Sumeryoso ako at tinignan si Mona.
"Sa'n mo sila nakita?" I asked. Kinuyom ko ang aking kamay.
"Sa may labas ng library... Mukhang may hinihiling ang isang iyon. Alam mo friend, payong kaibigan lang, akitin mo na si Jeppy..."
Nakakabwisit talagang hitad na iyon. Akala mo kung sinong santa sa sobrang bait, malandi naman. Nasa loob lang ang kulo.
"Mona is right, Jas. Try to seduce him. Lalaki pa rin naman si Jeppy. Maaakit at maaakit pa rin iyan sayo. Lalo na kung kasing ganda mo." I smiled to Samantha.
Paano naman kasi ayon ang ginawa niya kay Peter. Her boyfriend.
"Pero, sabi ni Jasmine, iba raw si Jeppy? Paanong iba?" Ito ang friend naming genius. Si Yassi.
"You know naman diba? Parehas kayong bookworm. Paano ba Yassi?" Pagtatanong ko rito.
Maraming nanliligaw sa kanya pero lahat busted. Ayaw pa raw niya kasi.
"We're focused what we love but we're not same, Jas. Ako, ayoko pa talaga ang love life. And, siya? Baka ayaw pa niya or... Nagpapabebe lang." Tumingin siya sa amin.
"Boys will be a boys. Naghahanap ng p'wedeng makasama sa mga baliw na stuff nila." I grinned.
"Like what?" Sam's asked.
"Like s*x? FuBu? Or, anything about what they want. What boy's like to do." Seryoso na sabi niya sa amin.
"Katulad ng sa amin ni Lester?" Tumango si Yassi sa kanya.
"Yes, Kaya nga di ka iniiwan nu'n." She rolled her eyes.
Bumalik na kami sa aming klase. Tapos na ang break time. Nakita ko sina Jeppy and Niña. Magkasama nga sila.
Sarap sampalin ng babeng ito.
Nasa tapat ko silang dalawa, "Uy, thank you, Jeppy..." Tumango lang ang huli at umupo na sa tabi ko.
We're seatmate.
Inirapan ko na lang si Niña.
Huminga ako nang malalim at tinignan siya.
"Bakit hindi mo ko hinintay kanina?" I asked.
Tumingin ito sa akin, "I'm sorry... It's already eight that time kaya need ko na umalis, mahuhuli ako sa meeting namin."
Binalik niya ang kanyang tingin sa librong hawak niya. Novel book.
"Bakit magkasama kayong dalawa?"
Tumigil siya sa pagbabasa. Akala ko sasagot siya pero hindi. Binalik na lang niya ang libro sa kanyang bag at kinuha ang notebook namin for this subject.
"Bakit ayaw mong sagutin? Bakit kayong dalawa ba ha?" I asked again.
"Ano bang nangyayari sayo, Jasmine. P'wede makinig ka na lang sa klase mamaya, kung ano-anong iniimagine mo diyan."
Ang sungit talaga niya! Kakainis!
Sasagot pa sana ako pero dumating na iyong teacher namin.
Puro sulat lang pinagawa sa amin. Kapag nagtatawag ang teacher namin for recitation laging si Jeppy at Niña ang sumasagot.
Kaya nga inaasar silang dalawa sa classroom namin kasi bagay na bagay raw sila.
Tapos, now a days lagi silang magkasama. Kaya ang rumored dito sa section, they're in relationship pero it's a secret relationship.
No way! Ako ang magiging girlfriend niya!
Nang mag-uwian. Sumabay agad ako sa kanya. Sinabayan ko ang kanyang paglalakad.
"Jeppy, wait!" May tumatawag sa kanay pero hinila ko ang braso ni Jeppy at kinaladkad siya.
"Wait, si Niña may itatanong yata sa akin." Pigil nito sa akin pero hindi ako nagpatinag.
"Wala akong naririnig! Saka, I'm hungry. Gusto ko na umuwi!" Pagpaawa ko rito kaya wala siyang nagawa kung hindi nagpaubay na lang sa pagkakahila ko sa kanya.
Pagkarating namin si Parking, nandoon na si Manong. Agad kaming sumakay.
"You're jealous, Jasmine." Napalingon ako sa kanya.
"Alam mo naman pala, eh! So, don't talk to Niña. Maarte naman iyon akala mo ang ganda-ganda." I rolled my eyes.
He chuckled and umiling ito sa akin, "you're beautiful, Jasmine..."
"Uy, narinig ko iyon. Crush mo rin ako? Uy?" Tusok ko sa kanyang pisngi pero hindi na siya umimik.
"Ang daya! Crush kita Jeppy. Ako ang future girlfriend mo, okay?" I smiled.
Tumingin ako sa harap, nakita ko si Manong nakangiti sa aming dalawa.
"Bagay kayong dalawa...."
to be continued...