JASMINE
"Sorry, Jasmine... Papalitan ka namin bilang lalaban sa Mr. and Ms. Lazaro University. You have injured. Si Ms. Lopez na ang isasali namin."
Paulit-ulit na umeecho sa akin ang sinabi ni Dean kanina.
Umangal ako pero final na raw ang desisyon niya.
Bakit? I have four days para gumaling. At, hindi naman grabe iyong pagkabagsak ko. Argh!!
"Nakakainis ka! Nakakainis!" I shouted out of my lungs.
Nandito ako sa rooftop ng university namin. Iniyak ko lahat-lahat.
Okay na ko, eh. Kaya ko naman lumaban. Bakit pinalit pa rin nila ako.
"I'm not enough? Kaya ko naman lumaban ha? Bakit pinalitan niyo pa rin ako? Ako na iyon, eh! Kahit doon lang!" Paulit-ulit na sigaw ko.
Wala naman makakarinig sa akin. Wala. Sanay naman akong mag-isa. Walang may pakealam sa akin. No one love me aside to my parents. Wala na.
I'm crying out loud. I'm broken. Literally.
I sob and paulit-ulit ang sinasabi ko.
"I'm spoiled brat, I know but I'm nice person. I'm friendly and I want to be love!"
Napalingon ako ng may tumunog sa aking likuran.
"Who are you?" Tanong ko sa kanya.
Narinig ba niya ako? Nakakahiya!
"I'm Connor Reed Fabio, and you're so noisy." I gulped.
Narinig nga niya ako.
"I'm sorry, okay? I didn't know na may kasama ako rito. Saka, this is my place. Paano ka nakapasok?" I asked.
He's trespassing.
"This is part of University, right? So, basically, p'wedeng pumunta rito, Ms. This is not yours."
Aba! Antipatiko!
"I'm Jasmine Lazaro. Granddaughter of Dylan Lazaro. Owner of this school." Sabi ko rito.
"I know, Ms. Okay? Walang estudyanteng hindi nakakakilala sa'yo. You're crying for a guy? And for that pagent of Mr. and Ms. Lazaro University? Really? It's such a wreck. Hindi magbabago buhay mo dahil doon."
What?
"You don't know, okay! It's my reputation, Mr. Fabio! Alam ng lahat na ako ang pambato ng course namin!"
He shrugged, "I know. We're classmate, okay?"
"W-what?"
He smirked, "puro ka kasi Jeppy. Ano bang mayro'n doon? I'm smarter than him, I'm sexy and I'm handsome."
Napatawa ako sa sinabi niya, "naka-droga ka ba? Ano pinagsasabi mo?"
"Wala kang alam?" Napakunot ang aking noo dahil sa sinabi niya.
"A-anong walang alam?" Nauutal kong sabi.
He smiled, "you know, mas maganda kung ikaw talaga ang makakatuklas, Jasmine. Have a nice day to you! And, don't cry for that boy. He's not worth it. Save your tears."
Kumaway siya sa akin at lumabas ng rooftop.
Ano iyong pinagsasabi niya?
Dahil sa kahihiyan kanina, umuwi na lang ako. Bakit naging classmate ko iyon? Hindi ko naman siya napapansin ha? Hays.
"I'm home!" I shouted para ipaalam sa kanilang nandito na ko.
Nakita ko si ate Miya na sumalip mula sa kusina. Tumingin ito sa orasan.
"Umuwi ka, Jas?" I nodded.
"Yes, ate. I'm tired na, eh. Sige po, aakyat na ako." Sabi ko kay ate Miya at umakyat na.
I'm spoiled brat sa paningin ng iba. So be with it. I don't care about their feelings anymore.
Pagkapasok ko sa aking k'warto, sinarado ko ito at ni-lock. Ayokong may kumausap sa akin. Ayokong makita siya. Ayoko.
I grab my phone and search to Connor Reed Fabio. Who are you?
May lumabas na account niya. A social media account. May isa siyang sss and walang gaanong update sa kanya. Puro shared post. And, last account niya which is mobile legends. Bakit maraming na-aadik dito?
Tinaob ko ang aking phone sa lamesa. Ano ba iyong sinabi niya kanina? I'm dying to know that! Bakit kasi hindi pa niya sinabi? Bakit kailangan pa niyang bitinin? Urgh!!
Hindi ko namalayanang nakatulog pala ako.
I heard several knocks on my door. Pero, hindi ko pinansin. Tinignan ko ang wall clock na nandito sa room. It's already seven in the evening.
I'm too tired. Ayaw makisama ng katawan ko sa akin. Parang pati siya pagod na para kumuha ng attention.
Naghilamos and nagmumog lang ako. Need kong kumain at ipakita silang I'm okay kahit pinapatay na ko sa loob.
Bumaba ako ng walang nangyari. Nakita ko silang nasa dinner hall na at masayang kumakain.
"Iha, I thought tulog ka pa raw sabi ni Jeppy. Pinuntahan ka niya sa k'warto pero walang sumasagot." Ngumiti na lang ako kay Mommy at umupo na sa tabi ni Nene.
Parang lahat sila nagulat sa ginawa ko. What? Gano'n ba ako kahalata na gustong-gusto ko si Jeppy. I'm done with him.
"Himala? Hindi ka tumabi kay Jeppy? Magkaaway kayo?" Hindi ko na lang sinagot si kuya Jim.
Wala akong panahon para sa sinabi niya. Kumain lang akong tahimik at iyon ang pinagtataka nila.
"Are you okay, Jasmine?" Napatingala ako at nakita ko si Daddy.
"Yes po," iyon lang sinagot ko at kumain ulit.
"Jas, tomorrow need natin pumunta sa fashion designer for your gown in the event of Mr. and Ms. Lazaro University."
Umiling ako kay Mommy, "no need na po, Mom. Pinalitan ako kanina ni Dean. Hindi po ako lalaban sa amin due to my injury. Salamat po sa pagkain." Sabi ko kay Mommy at tumayo na.
Umakyat na lang ako at nagkulong ulit sa aking room. Malas ba ako pagdating sa lovelife?
###
"Jas? Totoo bang hindi ka na iyong panlaban natin?" Tumango ako kay Mona.
Siya kasi sumalubong sa akin sa hallway.
"Yes! Kalat na ba? Hindi naman importante iyon. Sige ha? May class pa ako." Sabi ko sa kanya at lumakad na.
Hindi ako sumabay kila Nene ngayon. Mas nauna akong pumasok sa kanila ng kuya niya.
Ayokong nasa iisang lugar kami. Need ko magpalipat ng upuan mamaya.
Malapit na ko sa classroom ng makita sila Niña at ang alipores niya. Kinabahan ako baka may gawin ulit sila sa akin.
Laking gulat ko ng may umakbay. It's Connor Reed Fabio.
What's his doing?
"Come on, pasok na?" Tinignan niya ako at tinignan sila Niña na nasa pinto.
"Takot ka d'yan? Ako bahala." Dire-diretso kaming pumasok at pinadaan naman kami. Akala ko may gagawin sila.
Kapag may ginawa siya at gumanti ako siya na naman ang kawawa at paniniwalaan. Ako ang magiging villain dito.
Binitawan na niya ako. "D'yan na upuan mo diba?" Umiling ako.
He smiled, "bahala ka," tumabi ako sa kanya.
Pinagtitinginan na kami ng classmates namin pero para sa kanya wala lang.
Tumingin sa akin si Julie, "uy, nanliligaw sa'yo si Connor?" She asked.
Umiling ako rito.
"We're friends."
Dumadami na kami sa classroom. Iyong iba busy sa mga make up nila and sa mga phone.
"Why girls do make up?" He asked.
I shrugged, "to cover up their real feelings?"
Tumango na lang siya sa akin. Di ko rin alam, eh.
Nakita kong pumasok si Jeppy kasama si Niña. Napatingin siya sa gawi ko. At, umiwas din agad.
"Galit yata crush mo sa akin." Bulong nito sa akin at biglang tumawa.
Abnormal yata siya.
Biglang lumingon sa amin ang mga classmate namin pati si Professor tumingin a amin.
Siniko ko nga siya. Nakakahiya.
"Ms. Lazaro, why are you here? Your seat is next to Mr. Apodar, right?" I nod.
"Sir, p'wede po bang dito na lang ako? Mas okay po rito." I smiled and he nod.
"Thank you," umupo ako nang maayos. Nakita ko ang mga nagtatakang mukha ng mga kaklase ko.
Hindi lang naman siya ang gwapo rito sa campus. Sikat din dito sa Campus si Reed. Sabi nga niya, He's smart guy pero bulakbol. Sinasali rin siya sa mga quiz bee pero tinatanggihan niya. Okay daw sana kung sa kanya mapupunta iyong pera. Siraulo.
Habang nagkaklase, pumunta si Dean.
"Sorry to interrupt your class. I'm here to announce to Mr. Apodar and Ms. Lopez na this friday na ang Event. Need niyong maghanda. Darating ang owner and other investors ng school. Good luck to the both of you." I smirked.
"May gagawin ka?" Tinignan ko si Reed at umiling dito.
"Nope, kakausapin ko lang lolo ko na, wag mananalo ang course natin. At, kaya ko gawin niyon. Bear with it." He chuckled.
"You're so spoiled brat..."
"I am, Reed. I am. Kilala naman ako as spoiled brat, why not na panindigan na natin, right?"
Sorry, Jeppy. Pero, hindi ka mananalo.
to be continued...